V A I N
Di ko talaga alam kung anong binabalak nitong si Salmon eh at bakit siya tumabi sa'kin. Hindi niya alam para lang siyang naghuhukay ng sarili niyang libingan.
Nakatuon lang ako sa notebook sa harapan ko para may masabing ginagawa. Ganito kasing mga free time namin mas pinipili kong makipag kwentuhan kay Philip dahil masarap siya kausap. PERO dahil nga sa kumag na katabi ko ngayon ay 'di ko yon magagawa.
Inip na inip na ko dahil walang ginagawa. Tinignan ko ang oras at halos 10 mins na lang bago magumpisa ang susunod naming subject.
"Hey Mr. Manuel." Biglaang tawag ni Solomon sa akin na ipinagtataka ko. Agad ko naman siyang nilingon ng may matalim na titig.
"Ano nanamang problema mo?" inis kong sabi sakanya.
"From now on you must call me Sir. Jacob." Sagot naman niya out of nowhere at ikinatawa ko nang mahina.
Nababaliw na ba 'to at kung anu-ano nalang ang pinagsasabi.
"Nababaliw kana ba? o may sira na yang utak mo? Sino ka naman para tawagin kong Sir. Jacob?" natatawa ko pang sabi.
Sir. Jacob. PFT. In his Dreams!
"Sino ako? Ako lang naman ang kasalukuyan mong Personal Tutor." Puno ng kahanginan niyang sabi na ikinakunot ng noo ko.
"Tutor? Ha? Sa pagkakatanda ko ay wala akong hinire na tutor at wala akong balak magkaroon dahil hindi ko naman kailangan." Ewan ko ba parang tuluyan nang nawala sa katinuan 'tong si Solomon at kung ano-ano na talagang pinagsasabi.
Sa tingin ko ay inaasar lang ako nito eh, para siguro hindi ako makapag focus sa pag-aaral lalo na't mag katabi na kami ngayon.
Pero ang pinagtataka ko bakit hindi nagsasalita si Philip. Pero ayon naman pala nakikipagchismisan doon sa babaeng bumati sakin kanina. Si Fate.
Pero balik tayo sa adik na katabi ko.
"Ayaw mo maniwala? Edi wag." Puno ng kayabangan niyang sabi
na parang malaki kong kawalan kapag hindi ko pinaniwalaan at sinunod 'yung mga sinabi niya.Ewan ko pero natatawa nalang ako sa ikikinikilos nitong si Salmon kaya mas pinili ko nalang pagtuunan ng pansin ang notes sa harap ko.
Akala niya siguro papatol ako sa kung ano mang pinaplano niya per-
"Para ka naring tumatanggi sa opportunity na maibalik ang scholarship mo . . ." Dinig kong sabi niya na ikinagulat ko.
"Ano---"
"Goodmorning Sir. Alex!" Di ko na napatapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Sir na susunod naming klase.
Nakita ko namang may malapad na ngiti si Salmon habang nakatingin sa harap. Aish!
Kailangan ko malaman kung ano ang sinasabi niya dahil mukhang may kinalaman 'yun sa scholarship ko. Takte naman!
Nakaupo na kami matapos ang pagbati namin kay Sir. At nawalan na ko ng pagkakataong tanungin pa 'tong adik kong katabi.
Napansin ko naman na nilipat ni Fate yung upuan niya at nakapwesto na siya sa row namin. Katabi niya si Philip at mukhang nagkasundo na sila. Mukhang nagkamali ata ako sa impression ko sa ugali niya dahil mukha siyang mabait.
Pero napatingin ulit ako kay Salmon na kasalukuyan paring nakangiti.
Inalala ko naman yung sinabi ni Salmon na maibabalik yung scholarship ko at siya ang magiging personal tutor ko? Anong konek nung dalawa sa isa't isa?
BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...