Prologue

309 14 1
                                    

"Ganito kasi mag solve ng ganiyang equation . . ." rinig kong turo mo sa mga kaklase nating nahihirapan sa pre-calculus na subject natin.

Nakakatuwa lang pagmasdan na may mga matatalino pa rin talaga na hindi mayayabang, na di minamaliit yung iba sa halip tinutulungan pa sila.

Napagisip-isip ko tuloy.

Isa ka do'n sa mga lalaking maipagmamalaki mo talaga kapag naging boyfriend mo siya.

Di naman maitatanggi na pinagpala ka ng isang maamong muka, biniyayaan ng talino at higit sa lahat luklukan ng bait.

Kahit sinong babae magkakagusto sayo. .

Abala ko sa kakatingin sa inyo 'di ko namalayan na nakatingin ka na rin pala sa'kin.

Dinapuan ako ng hiya at agad na umiwas ng tingin. Nagkunwari pa akong may kinukuha sa bag para makaiwas. Isang linggo na rin nang umpisahan kitang layuan dahil sa isang dahilan.

Wala ka namang nagawang nakasakit sakin alam natin dalawa yun, ako lang mismo yung kusang nag desisyong isantabi lahat ng ilang buwan nating pagsasama at biglang iwasan ka.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at tinignan ang oras, naalala kong tuesday ngayon kaya't vacant ang aming second period.

Sunod ko namang inopen ang aking messenger at nag login ng aking account. Agad na nag si labasan ang maraming chat heads at mga messages.

Pero isa ang pumukaw sa'king atensyon, isang message na galing sayo.

"Pansinin mo na ko please . . ." With matching sad emojis pa. Nakita ko na recent lang to, kaya agad kitang hinanap sa loob ng room.

Nakita kita ro'n sa may sulok, kita ko yung magulo mong buhok at mga nakangiti mong labi habang nakatingin sa direksyon ko.

Katulad ng lagi kong ginagawa, nagkunwari akong hindi iyon napansin at ibinalik nalang ang aking attensyon sa pag cecellphone

"Pag 'di mo ko pinansin, lalapit na ko jan" isa mo nanamang message, isinawalang bahala ko iyon at patuloy na nagcellphone.

Sa pag-aakalang hindi mo tototohanin ang sinabi mo, nagulat nalang ako nang ilang hakbang nalang at malapit ka na sa kinaroroonan ko.

Hindi ko na nagawang makatayo dahil nakaharang kana sa harapan ko.

Ipinagsawalang kibo ko nalang ang presensiya mo at nagkunwaring may kausap sa cellphone ko.

Ilang segundo lang ang lumipas ng bigla mong kuhanin ang cellphone ko sa'king pagkakahawak.

"Ako na lang titigan mo imbes na'tong cellphone na 'to." sambit mo habang nakapangasar na ngiti.

"Ibalik mo 'yan." malamig ko namang sabi

"Di ko to ibibigay, hanggat 'di mo ko sasabayan kumain" this time may pagkaseryoso ka na.

"Sige. . ."

"Talaga?!"

". . . sayo na 'yang cellphone ko." sabay ayos ng bag at kuha ng notebook sa science

"Oh sige" rinig kong sabi mo, para bang sumusuko ka na.

"Wala naman 'tong password diba? Makalkal nga kung anon-----"

"Wag!" pag pigil ko.
Marami akong sekretong itinatago sa cellphone ko, di pwedeng malaman 'yun ng lalaking 'to.

"Akin na yan!" Sigaw ko habang pilit na inaagaw yung cellphone ko sayo na 'di ko magawa dahil sa sobrang tangkad mo

"Sabi mo akin na 'to?, ba't ngayon binabawi mo na?"

"Akin yan, hindi yan sayo!"

Bigla nalang natahimik yung paligid, hindi ko alam kung wala bang tao ngayon sa room o natahimik nalang sila bigla.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon