V A I N
"GET. OUT." Sigaw ni Ma'am Tatianna sa'min.
Bigla akong nakaramdam ng matinding hiya, first time kong masigawan ng isang teacher at sa first day of class pa. Wow. Memorable, bwisit.
"Kung wala kayong interest na makinig sa'kin, maari na kayong lumabas." madiin niyang sabi. Lahat ay nabalutan ng katahimikan, wala ni isa ang umiimik.
Sa sobrang kahihiyan napayuko na lang ako, ito yung mga panahong gusto ko nalang magpakain sa lupa.
"Di niyo ba ko narinig? Sabi ko labas." Dagdag niya pa, kaya wala kaming nagawang tatlo kung hindi ang tumayo.
"Rank 1 and 2 pa naman din kayo sa entrance exam pero disiplina sa sarili wala kayo" pampapahiya niya pa samin. Wala na talaga akong nagawa kundi ang yumuko nalang.
"Sorry po Ma'am" sagot na man ni Solomon, pero wala parin yun nagawa dahil pinalabas pa rin kami.
Nang makalampas sa pintuan, agad akong nagsalita.
"Kasalanan mo to eh" inis ko pang sabi at direretsong naglakad sa hallway.
"Wow ako pa? Ikaw kaya yung nauna jan" sagot naman ni solomon.
"Oy guys tama na, tapos na okay napalabas na tayo" singit naman ni Philip.
"Pikunin kasi yang katabi mo." Bulong pa talaga ni mokong
"Lulumpuhin ko talaga yan" sabi ko pa nang may pangaakma.
"Sa liit mong niyan, natakot ako ah" sarcastic niyang sagot.
"Ikaw kahit matangkad k-------"
"Tama na yan" sabi ni philip pagkatapos pumagitna samin. Kaya tinigil ko na rin, dahil mamaya na lang ako gaganti.
"Kain nalang tayo sa baba hehe" pagpapakalma ni philip.
"Mas gugustuhin ko nalang magutom kesa kumain kasama yung isa diyan" mariin kong sabi habang pababa ng hagdan.
"Mas lalo naman ako!" sagot naman ng patpatin na nasa likod.
"Wala kayong magagawa, ako kasama niyo kaya sabay sabay tayong kakain!" singhal ni philip
"Alam niyo napapansin ko lang ah, siguro may crush kayo sa isa't isa ?" pangaalaska niya pa. Habang naglalakad patalikod at dirediretso pababa
"Alam mo rin philip, binabawi ko nang ililibre kita ng pagkain." seryoso kong sabi
"Joke lang naman Vain eh Hehe" takot naman niyang sabi.
Una sa lahat, para klaro lang. Alam ko sa sarili ko na galit at inggit yung nararamdaman ko kay solomon at walang kahit anong putanginang attraksyon, tapos.
"Ako wala, pero ewan ko na lang jan sa kaibigan mo." puno ng hangin na sagot ni Salmon.
Inantay ko lang talaga na makababa si philip at sabay na tinulak si solomon sa pader at tinignan nang masama, nagtitimpi lang talaga ako at naghahanap ng tyempo eh, sasapakin ko sana pero may mas naisip akong maganda.
Pagkatulak ay agad ko siyang kwinelyuhan at tinignan sa mata. Dahan dahang akong lumapit at sabay sabing
"Pa'no kung meron nga. . .?" Marahan kong sabi, kasabay ng pagkagat ng labi
Nakita ko naman ang bigla niyang pagkamutla at biglang pagpatak ng malalaking butil ng mga pawis.
Di siya nakaimik, kaya binitawan ko na Hahahaha.
"Pfft!" Huling kong sinabi bago umalis nang nakangisi.
Kung hawak ko lang Cellphone ko pinicturan ko sana yung mukha niya Hahahaha, Magandang remembrance rin yon lol.

BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...