Chapter 35

420 21 13
                                    


Vain's POV

Friday ngayon huling araw ng pagpasok namin para sa linggong ito.

Nasa school na ko ngayon at naglalakad na papuntang classroom namin.

Medyo kinakabahan pa nga ako kung anong magiging reaction ng mga kaklase ko.

Dahil nga kasi sa ikwinento nila Fate at Solomon sakin nung sa mall ay panigurado na akong magiging awkward ang lahat kaya hinahanda ko na ang sarili ko.

Nakarating na ako ng floor namin at huminto muna saglit.

Huminga muna ako ng malalim at pinalakas ang loob ko bago pumasok ng room.

Kaya ko to! Bahala na si Tulfo kung ano man ang mangyare sakin.

Dahan dahan na akong pumasok at kitang kita ko kung paano nag sipagtigil ang kaninang maingay naming classroom.

Nakatingin lahat sila sakin habang ako nakayuko lang.

Sobrang awkward nang mga tinginan nila kaya hindi ko mapigilang hindi makaramdam din ng pagka awkward.

Alam kong ilang beses ko nang binanggit yung salitang yon pero yun lang talaga yung makakapagpakahulugan ng sitwasyon namin ngayon.

Nakapwesto naman na ako sa upuan ko at tahimik lang dun na umupo.

Nandito na rin sila Solomon at Fate pero si Philip ay wala pa rin. Next week nalang daw siya papasok kahit medyo magaling na siya sabi sakin nila Fate at Solomon.

Hindi ko kasi ginagamit na ang phone ko ngayon pansamantala.

Pero mabalik sa mga kaklase ko. Agad na napalitan yung kaingayan nila ng katahimikan at ni isa ay walang umiimik dahil sa pagdating ko.

————

Natapos ang 3 klase namin at break time na namin.

"P-Please accept this. . ." Pagpigil sakin ng kaklase kong si Mae nang palabas na kami nila Fate at Solomon para kumain.

Letter yun katulad ng kanina ko pang natatanggap. Mga apology letters ng mga kaklase ko.

Kahit na sa sulat lang sila humihingi ng tawad sakin ay ramdam ko parin yung sincerity nila dun.

May mga ibang gusto nang makipagkaibigan sakin kaya hindi ko mapigilang hindi matuwa kahit papano.

Nag-sorry na rin sakin sila samantha at yung tropa niya. Si Gin din sakin ay personal akong kinausap at hiyang hiya sa pinag-gagawa niya.

Hindi ko nga alam kung anong ginawang pagpapakausap ni Solomon sa kanila para maging ganito sila ngayon.

Sinabi kasi ni Fate na kinausap daw sila ni Solomon nung araw na umiyak ako.

Pero kung paano man yun nagawa ni Solomon ay wala na kong pakialam dun dahil ang mahalaga ay nabawasan na yung mga taong nanghuhusga sakin.

Kahit may mga iilan na hindi parin talaga nagsosorry sakin at satingin ko ay may galit parin sakin ay hindi ko na proproblemahin pa yon.

"Ilang oras mo ba yan tititigan?" Sabi ni Fate sakin dahil kanina pa pala ako nakatingin sa sulat na natanggap ko.

"Ah sorry . . . Tara na ." Yaya ko sa kanila sabay alis at punta ng canteen.

"Medyo kumalat na rin sa buong school yung nangyari sayo kasi may mga tsismosang mga studyante kasi ang naki-ososyo" bulong ni Fate habang naglalakad kami.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon