Vain's POVIlang araw ang lumipas matapos kaming magkita ng boyfriend kong si Aim. Pagtapos ng araw na iyon ay maya't maya naman ang text at tawag niya sakin. Keso miss niya na naman daw ako. Ewan ko ba dun, alam kong may problema siya pero hindi niya naman inoopen up sakin. Pero sabi niya naman ay okay lang siya kaya yun nalang din ang pinanghahawakan kong mga salita.
Kasalukuyan akong papasok ng classroom namin at paakyat ng hagdan.
Normal lang akong umaakyat ng biglang akong nabangga. Mabilis kasi yung pagkilos niya kaya di ko agad siya napansin kaya hindi ako nakaiwas.
Nagkabanggaan tuloy kami at nalaglag yung gamit na dala dala niya.
"Sorry hindi ko sinasadya . ." Sabi ko naman sabay tulong sa pagpupulot niya nang mga gamit na nalaglag pero pinigilan niya naman ako.
Siya lang ang kumuha ng mga gamit niya at tinignan ako ng masama. Lalaki siya at mas matangkad sakin. Dun ko lang naalala na kaklase ko pala siya.
Siya si Patrick sa pagkakatanda ko."Sorry" pagpapatawad ko ulit nagbabaka sakali na mapaklma siya.
"Anong sorry sorry? Sinadya mo yon eh!" Sagot nito sakin sabay tulak sakin na nagpaatras sakin ng konti.
"Akala mo siguro lahat ay takot sayo ano? Kaya malakas yang loob mong banggain ako" galit nitong sabi sakin sabay akmang itulak ulit ako pero pinigilan ko yon.
Huminga muna ako ng malalim at kinalma yung sarili ko. Ayukong lumaki pa yung gulo kaya bababaan ko nalang yung pride ko.
"Hindi ko iyon sinasadya, pero patawad parin." Malamig ko namang sabi at aakyat na sana pero pinigilan niya ko.
"Hindi pa tayo tapos tanga! Ano ganon ganon nalang iyon? Eh muntikan na ngang ma basagan tong si Cellphone ko nung nalaglag!" Bulyaw niya naman sakin.
"Kaya nga I'm sorry-" sabi ko naman at napahinto. Bigla kasing dumating si Solomon.
Napayuko naman ako dahil sangkot nanaman ako sa isang away kahit na pilit kong iniiwasan na mangyare yon.
"What's happening here?" Tanong naman ni Solomon.
"Ito kasi Pres. eh nang babangga, akala mo kung sinong siga sa daan!" Galit parin nitong sabi habang ako ay tahimik lang.
"That's why I already said sorry because it was all an accident and I never meant it to happen." Malamig ko namang sagot.
"Ayun naman pala patrick eh" Sabi naman ni Solomon. Pero ayaw parin magpatinag nitong kaharap ko.
"Aksidente eh tinulak niya pa nga ako! Sinadya niya yon!" Gulat akong sabi nito.
Wtf? Is he serious? Aabot siya sa ganitong point para lang mapalabas na kasalanan ko?
"Hindi kita tinulak. Wag kang magsinungaling." Pageexplain ko naman.
"Ako pa ang nagsisinungaling eh gago ka pala eh! Wag mong binabaliktad ang sitwasyon. Baka gusto mong kasuhan kita. Lawyer ang parents ko wag mo kong sinusubukan Vain." Dagdag pa nito. Na nagpailing iling naman sakin.
"Wag naman sanang umabot pa sa ganyan Patrick madadaan naman sa-" Pinigilan ko na sa pagsasalita si Solomon dahil napuno na ko sa mokong na to.
BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...