Chapter 26

79 7 1
                                    

Vain's POV

"Vain anong oras na hindi ka ba papasok?" Pagpapaalala sakin ni Shella.

Kagabi pa siya nasa kwarto ko dahil alam niya na rin yung nangyari.

"Okay lang naman kung hindi mo pa kayang pumasok." Rinig kong dagdag niya.

"Pero kumain ka man lang naman sana." Pagpapaalala niya pa sakin.
Pero nanatili lang akong tahimik na nakaupo.

"Oh san ka pupunta?" Alalang tanong nito sakin nang tumayo ako.

"Papasok." Malamig kong sabi.
Pipilitin kong pumasok. Kahit hindi kaya ng utak at katawan ko.

"Hindi na! Magpahinga kana lang muna dito sa bahay baka hindi mo kayanin."

"Kaya ko." Sagot ko naman at dumiretso na sa pagligo.

Sinara ko na ang pinto ng CR at binuksan ang shower.

And for the nth time . . .

Umiiyak nanaman ako.

Akala ko ba ubos na yung luha mo kagabi ha? Sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko naman kasi akalaing magagawa sakin ni Aim yon.

"Bakit kasi ang tanga tanga mo?"

Kung hindi lang sana ako nagpadala sa mga mabubulaklak niyang salita edi sana hindi ako nasasaktan ngayon.

Halos ilang minuto rin akong nakatayo lang sa cr habang umiiyak nang mapagdesisyon kong lumabas na rin.

Medyo maga na rin ang mata ko kakaiyak simula pa kagabi.

"Kaya mo ba talagang pumasok?" Bungad sakin ni Shella. Tumango lang naman ako at binigyan siya nang mapait na ngiti.

Naramdaman ko naman ang bigla niyang pagyakap.

"Pasensya na dahil wala akong magawa para mabawasan man lang yang sakit na nararamdaman mo ngayon." Sabi nito na parang umiiyak.

Tinulak ko naman siya nang bahagya at nakitang umiiyak.

"You've done so much already." Sabi ko sakanya habang pinilit na ngumiti.

Niyakap ko ulit siya at sinabing wag nang umiyak.

Maswerte parin talaga ako at dahil nandito si Shella sa tabi ko. May sira man to paminsan minsan sa utak ay masasandalan mo parin siya sa lahat ng oras.

"Osige na nga! Ang drama ko na, eh hindi naman ako yung niloko." Natatawang sabi ni Shella.

Inayos niya naman yung buhok ko.
"Magayos ka nang sarili mo kung papasok ka talaga! Baka makasalubong ka ni Mama sa kanto at pag nakitang ganyan ang itsura mo ay pareho tayong malalagot." Pagpapaalala ni Shella sakin.

Nagayos na ko ng damit at ng mukha. Sinuot ko na rin yung salamin ko, umaasa ako na matakpan ng makakapal na lenses  nito kahit papano yung medyo namamaga kong mga mata.

Hindi na rin ako kumain dahil wala na rin akong gana. Sandali ko namang tinignan ang nakapatay kong cellphone.

Panigurado akong hindi na mabilang ang texts at calls diyan ngayon. Kinuha ko iyon at iniwan sa loob ng kwarto. Ayuko munang magkaroon ng kahit na anong koneksyon kay Aim ngayon dahil masakit pa para sakin ang lahat.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon