Fate's POVKasalukuyan akong nakatingin sa katabi ko habang may labis na awang nararamdaman sakanya.
Hindi ko alam na ganon pala ang pinagdaanan ni Vain at napakawalang kwenta ng mga kaklase ko para gawing katatawanan ang pagkawala niya ng magulang.
Batid sa kaalaman nila na sa kakaisip nila na masamang tao si Vain ay hindi nila namamalayang sila na pala ang nagiging masama.
Hindi ko talaga mapigilang hindi lubusang magalit sa mga kumag na nanakit kay Vain.
Oo naging malapit at naging kaibigan ko na rin ang karamihan sa kanila pero hindi naman tama at hindi kailanman magiging tama yung ginawa nilang pagtrato kay Vain!
Sana naman ay sa narinig nila kanina ay makonsensiya na sila.
Pero yun ay kung mayroon pa ba talaga silang konsensiya!
*BELL RINGS*
Narinig namin na nagbell na kaya ibig sabihin ay uwian na namin.
Umalis na rin ang last period teacher namin at tumayo na rin ako si Vain at si Jacob The Pogi na kanina pa nandito.
"Mauuna na muna ako. Gusto ko na makauwi." Malungkot na sabi ni Vain sabay alis sa classroom.
Kami naman ni Jacob The Pogi ay nakatayo lang habang tinitignan siyang umalis.
Sobrang nakakaawa yung itsura niya kung alam niyo lang.
Pero agad kong binaling ang mga attensyon ko sa kanina pa nakatulala kong mga kaklase.
Siguro naman ay gumagana na ang pagiisip nila sa oras na to diba?
"Wala munang uuwi guys." Biglang singit ni Jacob at dahan dahang pumunta sa harap.
Kitang kita sa mukha niya ang pagkaseryoso.
Ibang iba yung aura niya ngayon, ganitong ganito siya kapag nasa Student Council. Lumalabas yung pag kapresidente at maawtoridad niyang karakter.
Nakita ko na siyang ganto dati pero dahil yun kay Vain matapos kwelyuhan ni Vain si Jeloy dati.
Pero mas mukang seryoso si Jacob ngayon, halata yun sa kung papano palang siya tumayo sa harap at tignan ang mga kaklase namin.
Nagpalipas muna si Jacob ng ilang minuto bago magsalita. Hinintay niyo munang mabawasan ang mga studyanteng nag sisiuwian na sa mga oras na to.
"As the President of this classroom, I am very much sorry for being so irresponsible and focusing too much on the student council leaving all of you unguided." Saad ni Jacob.
"Masiyado akong nagpakabusy sa Student Council at humantong na sa pagkakataong wala na kong kaalam alam na may problema na pala sa section ko." Dagdag niya pa.
Tahimik parin ang buong klase matapos niyang sabihin yon.
Kanina grabe sila makapag salita at halos sumisigaw nang pinagsasalitaan si Vain pero ngayon para silang mga maamong tupa na nagpapakainosente.

BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...