Chapter 22

100 8 0
                                    

Vain's POV

"May tatlong rounds ang paligsahan ng pagiisip natin ngayon. Ito ay ang Easy, Average at Difficult." Paguumpisa ni Sir Jason. Siya ang Quiz master namin na kasalukuyan din naming subject teacher.

Magkatabi kami ngayon ni Solomon at nasa likuran nakapwesto. Napakamalas namin dahil first come first serve kaya hindi kami kaagad nakapwesto sa harap. Malabo pa naman ang mata ko pero bahala na.

Binigyan din pala kami ng Chalk, illustration board at pambura dun kasi namin ilalagay ang sagot at itataas taas.

Kitang kita ko lahat ng mga kalaban namin. Merong 15 na groups ang kasali at saktong pang 15 kami dahil late na kaming nakapunta.

Medyo kinakabahan pa ko dahil lahat ng Top 10 sa Entrance exam ay nandidito ngayon.

"Goodluck!" Gulat akong sabi ng katabi ko. Nakangiti siya sakin.

Siya yung Top 3 sa entrance exam at katabi namin ng classroom. Hindi ko na matanda daan yung pangalan niya pero yung katabi niya ay familiar din sakin. Isa rin kasi iyon sa Top 10 nung entrance exam.

"G-Goodluck din . ." Nahihiya ko pang sabi sakanya habang nakangiti. At nginitian niya ulit ako pabalik.

"Stay focus." Rinig ko lang bulong ni Solomon. Kaya umayos na ko ng upo. Pinilit kong ikalma ang sistema ko para makapagisip ng maayos.

"Kaya't ngayon ay uumpisahan na natin ang Paligsahan ng Pagiisip! Para sa unang katunangan . . ." Paguumpisa ni Sir Jason.

Sandali naman kaming nakatitig at nagaabang lang ng tanong.

At lumabas na nga ang tanong na nag flash sa Projector ni Sir. Pero hindi ko iyon mabasa dahil malabo ang mga mata ko. Fuck.

Mabuti nalang at binabasa ni Sir Jason ang tanong ng dalawang ulit kaya dun nalang ako nagbabase.

Hindi pa man tapos magbasa si Sir ay nakita kong may sagot na agad si Solomon.

Tinignan ko naman siya at ngumiti lang siya sakin.

"Pasensya ka na hindi ko kasi mabasa yung tanong . . " Nahihiya ko namang sabi kay Solomon.

"Okay lang, just listen carefully." Nakangiti nitong sabi.

"Tapos na ang oras! Itaas na ang mga sagot." Sabi naman ni Sir matapos ang 5 seconds time to answer.

"Lahat ay nakakuha ng tamang sagot!" Masigla nitong sabi. At dun ko na talaga naramdaman ang pressure, hindi basta basta ang mga kalaban namin.

"Para sa ikalawang katanungan, Anong akda ng kilalang manunulat na si Francisco Balagtas ang sumikat na isinulat niya sa kanyang pagkakakulong?" Mabilis na banggit ni Sir.

Florante at Laura. Sabi ko naman sa isip ko pero nakita ko na naisinusulat yun ni Solomon.

"Kaya mo naman ata na wala ako eh." Sabi ko naman sakanya na natatawa.

"Madali pa kasi ang mga tanong sa ngayon." Sambit niya naman pabalik sa akin.

At gaya nga kanina ay lahat parin kami ay nakakuha ng tamang sagot. Dahil medyo may kadalian pa ang katanungan.

"Napakahusay!" Natutuwabg sabi naman ni Sir samin.

"Para sa ikatlong katanungan, Para kanino isinulat ni Francisco Balagtas ang akdang Florante at Laura?"

Nakita ko naman ang na isinulat na agad ni Solomon ang sagot. Sabi ko na ay hindi na ako kailangan pa dito.

"Ibigay ang buo nitong pangalan." Dagdag pa ni Sir na nagpagulat sa lahat.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon