Chapter 7

92 6 0
                                    

V A I N

Mabilis na natapos ang aming klase at nakauwi na rin ang lahat, samantalang sina philip naman at si solomon ay 'di na pumasok ng last period namin.

Alam ko naman 'yung dahilan kung bakit.

Agad agad din pala akong naging punto ng usapan ng mga kaklase namin, rinig na rinig ko ang bawat bulong bulungan nila patungkol sa'kin.

May mga iilang nagbibigay na ng matatalim na mga tingin pa minsan minsan.

Lahat ng yon ay pinagsawalang bahala ko na lang.

Hindi ko inaakala na magiging ganito yung mangyayari, parang katulad lang din ng dati. Namimisinterpret ng iba yung mga sinasabi ko at ginagawa ko.

Akala nila competitive ako sa lahat ng bagay, hindi nila alam na ginagawa ko lang lahat ng iyon dahil may mga pangarap ako sa buhay.

Dahil kung hindi ako mag-aaral nang mabuti at makapagtatapos. . .

Hindi ko nalang alam kung saan ako pupulutin.

Wala na kong mga magulang.

Tanging sina Tiya Josephine nalang ang meron ako. At nakakahiya maging pabigat pa ko sakanila.

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kwarto. May bigat na daladala sa dibdib dahil nga sa nangyari kanina.

Gusto ko mag sorry kay Philip dahil sa isang araw palang naming paguusap ay mabait at magaan na ang naging pagtrato niya sa'kin.

Napakamalas ko dahil pinakawalan ko 'yung isang kaibigan na pinapahalagan kahit na 'yong maliit na oras ng inyong pagsasama.

Nalulungkot ako ng sobra habang nakatulala lang sa kisame.

Hanggang sa mapagdesisyonan kong kunin ang aking phone at itext si Aim.

I need him right now.

He's the only person who can understand me and my reasons  without being judged.

Kailangan na kailangan ko siya.

/babe are you busy?/ text ko sakanya.

Nasabi niya kasi sa'kin kagabi habang magkachat kami na mukang magiging busy siya this upcoming weeks.

Okay lang naman sa'kin yon, kasi parehas naman kaming dapat na magfocus sa pag-aaral dahil parehas kaming estudyante.

Atsaka tanggap ko na nung naging kami na hindi lahat ng oras niya ay magiging akin at okay ako ro'n.

Ilang minuto narin ang lumipas at wala akong natanggap kahit naisang reply mula sakanya.

Hayss. Mukang busy nga siya.

At napagdesisyunan ko na ngang matulog, na lang dahil papasok pa ako bukas at mukang kakailanganin ko ng maraming lakas.

______________________________________________________________________________

J A C O B

5:43 am nang makarating ako sa school, dumiretso akong office ng student council dahil may kukunin akong mga papers for application ng mga gustong sumali ng student council.

Club day kasi ngayon, and we need to find new members dahil matrabaho sa club namin at hindi kakayanin ng iilang tao lang.

But I think that we already have enough members in the council to facilitate and monitor the school kaya di na namin kakailanganin pa ng sobrang dami.

Trivia lang muna, I am actually the Student Council President for 3 consecutive years now. I, myself, is still very much overwhelmed by all the trust that both the teachers and students gave me every single year.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon