Chapter 33

104 10 0
                                    


Jacob's POV

I'm on my way to the school together with my family's driver.

Wala kasi akong sasakyan dahil hindi pa naman ako 18, atsaka I never really wanted my parents to buy me one kasi gusto ko ako mismo ang pupundar nun sa sarili ko.

Anyways, I am just silently reading at the back seat of our car.

Kapag free time ko kasi ay mas gusto kong ginugugol yon sa pag-babasa.

Napatigil na lang ako sa pag babasa nang sabihin ni Kuyang driver na nakarating na kami.

"Thank you po, Kuya." Magalang kong sabi bago bumaba ng sasakyan.

Excited ako pumasok ngayon ewan koba kung bakit.

Tapos na kasi yung mga paper works ko sa Student Council kaya buong araw ako sa classroom.

Which means na buong araw ko ring makakasama si Vain . . .

Shit naramdaman ko nalang ang biglang paginit ng mga pisnge ko.

Kalalaki kong tao masiyado akong mabilis kiligin.

Nakakahiya at baka pagtinginan pa ako ng ibang studyante kaya I walk faster nalang papuntang building.

Hindi parin mawala sa isip ko yung nangyare kahapon. Halos di nga ako makatulog nang dahil don.

Halos inabot na kasi kami ng gabi ni Vain dun sa playground. Ilang oras lang naman siya umiyak at naglabas ng sama ng loob kaya kinomfort ko lang siya ng mga oras na yon.

Pero yung mga huling isa o dalawang oras ay nag-usap lang kami ng kung ano anong bagay para mapagaan ko yung loob ni Vain.

Hindi niyo lang alam pero halos sumabog na yung puso ko sa tuwa nung mga oras nayon.

Nababaliw na ata ako kay Vain . . .

Hindi ko nga alam kung paano ako humantong sa ganito eh, hindi kaya ginayuma niya ko? Haha.

Ewan, b-basta I r-really l-like him . . .

Pati ba naman sa isip ko nauutal parin ako? Aish.

At heto nanaman ulit ako kinikilig ng magisa habang paakyat ng room namin.

Pero napagusapan din pala namin ni Vain kahapon yung about sa scholarship niya.

Tinanong ko rin siya kung sigurado ba siya sa desisyon niyang aalis na siya sa Blue Fiore na school namin.

Tumango naman siya kaya agad akong tumutol dahil don. Sabi ko na wag agad siyang susuko hanggat hindi pa kami nag mimidterm exams.

Wala naman na siya nagawa dahil makulit ako at mapilit. Napapayag ko siya, Sabi niya na kapag hindi pa naibabalik yung scholarship niya bago mag midterms ay aalis na talaga siya.

Pero ang totoo ay di niya alam na handa kong bayaran yung tuition fee niya basta dito lang siya mag-aral. Yun talaga yung plano ko kung di maibabalik yung scholarship ni Vain.

Palihim kong babayaran yung tuition fee niya para hindi siya makatanggi pa.

Gusto kong mag-stay dito si Vain kasi deserve niya naman talaga yung pwesto niya rito.

Atsaka gusto ko talaga siya makasama nang matagal . . .

Sa pag-iisip ko ng kung ano ano di ko namalayang nasa classroom na pala ako.

I slowly entered the room while looking at my classmates.

Balik naman na sa normal ang lahat pero medyo naiilang nang tumingin sakin ang ilan sa mga kaklase ko.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon