V A I N
Buwan ng hunyo.
Unang araw ng klase. Ayoko sanang bumangon dahil sinasapian nanaman ako ng katamaran. Pero dahil may pangarap ako kailangan ko pumasok at magaral.
Naglalakad ako ngayon suot ang bago kong uniporme. Puting polo na may logo ng school na pinapasukan ko, dark blue na shorts na isang pulgada ang haba mula saking tuhod at black shoes at puting medyas na kadalasang suot ng normal na estudyante.
Unang araw ko bilang isang Senior High school student sa Blue Fiore University, di gaanong kilalang paaralan sa bansa pero may magandang kalidad na edukasyon parin na ibinibigay.
Kasalukuyan kong binabaybay ang kalsada patungo sa'ming paaralan na may kalmadong sistema at di batid ang mabilis na pagtakbo ng oras. Unang araw sa klase at late nanaman ako, wala namang bago ro'n.
Alam ko naman na Monday ngayon at sure na may magaganap na flag ceremony, at para sa'kin napakaboring no'n, kaya mas pinipili ko nalang maging late kaysa tumayo at kumanta ng kalahating oras sa kulob sa init na basketball court.
"Tiyak naman na wala ring makakapansin sa'kin kahit na pumasok pa akong late." Bulong ko nalang sa kawalan.
Ilang minuto rin naman ay nakarating na'ko sa labas ng aming university, kitang kita ko ang pagtakbuhan ng iilang mga studyante na katulad ko rin na "nalate ng gising".
Pagpasok ng gate ay nagulat ako ng madatnan parin ang libo libong studyante na nakapila pa rin sa court.
"Ano na pong year niyo?" biglang sulpot at bungad na tanong sakin ng isang lalaki.
Suot niya ang pagkalawak lawak niyang ngiti at may isang maamong mukha na nagsasabing taga Student council ito.
"Senior High, grade 11" maiksi kong sagot.
"Dito po ang pila niyo" pag-gabay naman niya sa'kin. Sumunod nalang ako at agad na pumila sa pinaka likuran.
"Ang init naman, pawis na pawis na ko oh!" Reklamo ng grupo ng kababaihan.
Nagtaka ako bigla dahil alam ko sa mga oras na 'to ay dapat tapos na ang flag ceremony at nagsipuntahan na ang mga studyante sa kani-kanilang klase.
Pero dahil na rin sa curiosity at dahil late ako't walang alam nagtanong nalang ako sa harap ko kahit na taliwas sa perspektibo ko sa buhay na kumausap ng kapwa ko tao. Yaks.
Kinalabit ko muna siya, at pagkalingon ay agad akong nagtanong.
"Maguumpisa pa lang ba 'yung flag ceremony?"
Mabuti naman at sumagot siya agad dahil di rin ako natutuwa na nakikipagusap.
"Tapos na kanina pa" nakangiti niyang sagot.
"Mag aanounce nalang ng Top-notchers sa entrance exam for Shs" dagdag niya pa na nagbigay excitement sa'kin kahit papano.
Hindi man halata sa itsura ko na kahit palagi akong late at iwas sa maraming tao, proud ko paring masasabi na nagaaral ako nang mabuti.
At hindi rin sa pagmamayabang dahil di naman ako mayabang, maattitude lang, ay umaasa ako na ako ang mag Top sa entrance exam.
*tingggggggszas
Tunog ng nakakairitang speaker na senyales na may magsasalita na.
"Thank you guys so much for waiting. ."
Bungad ng isang babaeng teacher sa entablado.". . .and now for the most awaited part. The Announcement of the TOP-NOTCHERS for this year's entrance exam for Senior High Students."
"Are you guys ready?!" Masigla nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...