Chapter 5

109 10 0
                                    

V A I N

"Napakarami naman nito. . ." nakasimangot kong sabi kay Aim habang pinagmamasdan ang anim na magkakaibang putahe na nakahanda sa lamesa.

"Ayuko kasing ginugutom ka" sabi niya naman sabay hawak sa baba ko.

"Kahit na, hati tayo sa bayad nito ayoko gumagastos ka ng malaki para lang sa'kin." Kontra ko naman, ayoko kasing isipin ng iba na ginagamit ko lang si Aim dahil may pera siya o kahit ano paman.

"Hindi ako papayag, ikaw na sumagot ng kinain natin last time kaya treat ko naman 'to ngayon" nakangiti niya pang sabi.

"Eh sa Mcdonalds lang naman tayo kumain no'n, kumpara dito na doble an------" .

"Shh! Minsan na nga lang tayo magkita about pa sa pera paguusapan natin" pagputol at pagmamaktol niya pa sa'kin.

"Isipin mo na lang na namiss kitang sobra kaya ganito rin karami 'yung kakainin natin." dagdag niya pa with matching pacute ng mga mata.

"Pft! Ano naman connect nun sa isa't isa ha?" Natatawa ko nalang sinabi. Senyales na rin ng pagsuko kasi di ko rin 'to mapipilit.

"Basta kumain ka nalang diyan o gusto mong ikaw kainin ko" pagbibiro nito na nagpamula sa'kin.

"Aim!" Bulyaw ko naman sa kanya. Baka kasi may makarinig sa mga pinagsasabi niya nakakahiya pa't nasa mamahaling restaurant kami.

Magsasalita pa sana ulit itong nasa harap lo pero pinigilan ko na, pag gutom talaga kung ano anong nasasabi.

"Kamusta nga pala ang First day of class, ng baby ko?" pagoopen nanaman niya ng panibagong topic tsaka bwisit na endearment talaga yan, ewan nahihiya ako pag sinasabi niya yan pero kinikilig din naman at the same time.

Nagdadalawang isip ako kung ikwekwento ko ba kaso baka mabadtrip lang ulit ako kaya siguro wag na lang.

"Wala namang bago eh, normal lang" maikli kong sagot at buti na lang di na siya nag tanong pa about do'n.

"San ka na pala nagaaral?" pero ayan na nanaman sa tanong niya.

"Please sabihin mo na sa'kin" pangungulit niya nanaman.

Di pa ako nakakaenroll sa Blue fiore University tinatanong niya na agad, mas gusto niya pa ata na siya ang unang makaalam kesa sa mismong mag-aaral.

"Hindi ko sasabihin bahala ka jan." Matigas kong sabi. Ayoko na kasi maulit 'yung nangyari last year sa dati kong school na halos hatid sundo niya na ko, at bigla bigla pang susulpot na may dalang kung ano ano.

Nachismis tuloy ako ng mga kaklase ko no'n, kaya di na ko magkakamaling sabihin ulit sa kanya.

"Sigeee naaaaaa, gusto ko lang naman malaman" aysus gusto lang daw malaman pero bukas makalawa malalaman laman ko nagaabang nayan sa gate ng school namin.

"Wag na makulit, hindi ko talaga sasabihin." Matigas kong sabi.

Napasimangot lang siya sa sinabi ko, isip bata talaga. Pag ganyan nanaman yan sure akong totopakin yan na parang hindi 21 years old na.

"Di mo ko madadaan sa ganyan mo" dagdag ko pa.

Sumeryoso lang 'yung muka niya at sabay kumain ng sushi sa gilid.

Pati ba naman school ko pagtatampuhan niya pa talaga, lakas talaga ng topak.

Ilang minuto rin at wala nang nagsasalita sa'min dalawa, ako kasi busy sa pagkain pero yung isa.

Pag-iyan nananahimik na, kabahan kana dahil kung anu-ano nang tumatakbo sa isip niyan.

"Ikaw?, sabi mo lilipat ka na ng course?" Pagoopen up ko ng ibang topic.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon