Chapter 6

106 6 0
                                    

V A I N

Medyo na alimpungatan ako nang marinig ang mahinang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.

"Vain tanghali na bat natutulog kapa?!" naalimpungatan ako, kaya't napabalikwas sa pagbangon.

Nagising ako sa sigaw ni tita kaya't agad kong tinignan ang oras

6:11

"Maaga pa naman ho tiya" sagot ko naman

"Ala-sais ang pasok mo loko kang bata ka" sagot niya rin na nagpagulat sa'kin

Tsaka ko naalala na maaga pala ang pasok namin. F*ck.

Nasanay ako sa dating kong school.

"Nakalimutan ko tiyaaa" sagot ko ulit sabay bangon at kuha ng uniporme. Isinabit ko na muna iyon sa likod ng pinto ng Cr.

Pagkatapos ay agad na kong dumiretso sa kusina. Napagpasiyahan kong kumain dahil hindi ako pwedeng pumasok ng gutom.

Nakita ko naman yung pinsan ko na nakauniporme na at mabagal na kumakain.

"Ba't 'di mo naman ako ginisingg" tanong ko

"Bat kita gigisingin eh di mo ko dinalhan ng pasalubong kagabi" pagmamaktol niya nanaman

"Sarado na kaya mga tindahan" sagot ko naman. At napaiparap naman siya.

Aishh lagot ako nito, First subject pa naman namin si Ms. Tatianna. First day napalabas tas second day naman late.

Napaka galing ko talaga.

----

6:53 nang makarating ako sa gate ng school namin.

Napakamot na lang ako ng ulo dahil hindi ko na magagawa pang makahabol sa klase ni Ms. Tatianna. Adviser ko pa man din

Isa pa sa kinayayamot ko, pumasok nanaman akong walang ligo. Second day na second day walang ligo wow.

"Asan ang I.D.?" Salubong sakin ni manong guard

Agad ko namang pinakita ang natatakpan kong Temporary ID, wala pa kasing picture to dahil sa pagkakaalam ko ay ang school ang mag proprovide nun.

Di ko na binilisang maglakad dahil balak kong second sub nalang talaga pumasok.

Napuyat kasi ako kagabi kakausap kay Aim hehe.

Sulit naman yung pagpupuyat at pag gising ko ng late kasi nakausap at nakasama yung isa samga pinakalamahalagang tao sa buhay ko.

Natatawa nga ko kasi nagdate naman kami pero parang kulang parin yung oras ng pagsasama namin kaya nagchat kami buong magdamag.

Late night talks with someone that truly and genuinely loves you, is one of my favorite thing to do.

Nakarating ako ng hagdan nang 'di ko namamalayan, dahil narin siguro sa pag daydaydream at pag-imagine kay Aim, sinasadya ko na sobrang bagalan talaga dahil baka makasalubong ko si Ms. Tatianna.

Patay ako ro'n kung magkataon.

Kaya napagisipan kong dumaan nalang muna sa second floor kahit na 3rd floor ang room ko at sa dulong hagdan umakyat.

Dalawang room nalang at malapit na ko sa dulo pero bigla akong napahinto.

Si Ms. Tatianna nasa dulo pababa ng hagdan.

Putangina talaga.

Agad akong nataranta at parang kitikiti na di alam kung sa pupunta

"Shit, shit shiittt" pagmumura ko

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon