Chapter 15

88 7 0
                                    

J A C O B

Narito kami ngayon sa isang table sa labas ng Canteen, kumakain. Katabi ko si Philip at magkatabi naman sila Fate at Vain.

Pansin ko na they are getting along together, madaldal kasi 'tong si Fate kaya mukang nagkasundo na agad sila.

I was about to drink my juice when suddenly Philip brought up the topic of Vain's scholarship at pa'no iyon maibabalik.

Oo, aaminin ko na sainyo na wala naman talagang sinabi si Principal Rancher na maibabalik yung scholarship ni Vain once na nagawa ko ang request ng Principal.

I fabricated things to successfully do my task. Kasi kung hindi ko sinabi 'yon sigurado akong di makikinig sa'kin si Vain.

Atsaka knowing Principal Rancher Alam ko na hindi malabong ibalik niya yung scholarship ni Vain once na makitang nagbago nga siya. Once he has proven that he's worthy of being a scholar again.

"So pa'no mo itutor 'tong si Vain?" Tanong nga ni Philip.

"Hindi ko naman siya literal na tuturuan ng kung ano-anong mga mahahalagang birtud." I stated to make things clear.

"I am just here to guide Vain. Pangaralan siya kapag may ginawa siyang mali, Pagsabihan ng kung anong tamang pag-trato sa kapwa niya mga mag-aaral at turuan kung paano magiging open sa iba." Pageexplain ko.

"Eh bakit tutor tawag sayo? Diba iguguide mo siya?" Pagtatanong ni Philip.

"Kaya nga." Maiksi ko namang sagot habang nakatingin kay philip at nagaantay ng sasabihin niya.

"Kung iguguide mo siya, Guider
dapat ang tawag sayo!" Pagbibiro naman ni Philip na ikinatawa ko. Akala ko seryoso na.

Nakita ko namang napaface palm si Vain habang si Fate ay tawa nang tawa.

"HAHAHAHAHAHA ANG CORNY MO!" Sigaw naman ni Fate.

Magkakasundo nga tong dalawa parehas silang mga baliw. Hahaha.

"Edi lagi na kayo magkakasama niyan." Sabi ni Philip ng may nakakalokong ngiti. Lahat na lang talaga may malisya sa lalaking 'to.

"Siguro." Sagot ko nalang. Si Vain naman ay napangiwi sa ideyang 'yon.

Napansin ko naman na tahimik si Vain. Naninibago ako dahil madalas ay nagaaway na kami agad kahit na maliit na bagay.

Naalala ko nanaman yung pinalabas kami ni Ma'am Tatianna at nag-away kami sa hagdan. Di parin maalis sa isip ko yung pagtulak niya sakin sa pader at paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Ewan pero kinakabahan ako pag lagi ko naiisip yon.

Napailing-iling nalang ako, dahil kung ano ano nanamang naalala ko.

"Solomon." Rinig kong sabi ni Vain.

"Sir. Jacob" pagkaklaro ko naman habang nakangiti. Syempre chance ko na 'to para malamangan si Vain hindi ko na sasayangin at lulubos lubusin ko narin.

"Ayoko nga!" Angal naman ni Vain.

"Edi Goodbye scholarship na talaga." Sabi ko naman bago mag subo ng kinakain ko.

"Bakit ayaw mo sa Sir, Vain?" Tanong ni Fate.

"Daddy nalang, YIEEE" Pft. Loko talaga 'tong si Fate.

"YIEE" panggagatong pa ni Philip.

Si Vain naman ay napabusangot at pinagkukutusan ang dalawa.

"May tanong kasi ako Solomon." Seryoso nitong sabi.

"Sir Jacob nga kasi." Seryoso ko ring sagot.

Narinig ko naman siyang napabuntong hininga at heto naman ako nageenjoy.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon