Vain's POV
"San mo ba kasi ako dadalhin?" Sabi ko nalang sa lalaking humihila sakin ngayon.
Hindi niya naman ako sinagot at dirediretso lang siya sa paglalakad. Hanggang sa nakarating kami sa labas ng school at pumunta sa isang fishball vendor. Actually hindi lang fishball ang binebenta rito maraming nagtitindang ibat ibang mga street foods
Nanlalaway naman ako dahil hindi parin ako nananghalian dahil nga sumali kami ng Paligsahan sa Pagiisip.
"Kuha kana." Sabi naman ni Solomon sakin habang kumukuha siya ng stick.
Hindi naman na ako tumanggi pa dahil libre ng mokong na ito. At alam niyo naman tayo pagusapang libre.
Kumuha ako ng baso at naglagay dun ng fishballs at kikiams. Unang kagat palang ay ang sarap na. Parang ngayon nalang ulit ako nakatikim nito dahil limot ko na na ganito pala kasarap ito. Grabe na talaga yung gutom ko ngayon kaya hindi ko na pinapansin pa si Solomon at kain lang ako ng kain.
"Taste this." Mabilis na sabi ni Solomon sabay subo sakin ng kung ano. Hindi agad ako nakareact kaya naisubo ko agad yung pinakain niya.
Kinunot ko naman yung noo ko at tinignan siya ng masama. Pero tinawanan niya lang ako.
Pero ang pinagtataka ko ay kung ano yung pinakain niya sakin. Ang sarap kasi nun.
"Squid balls yon, ignorante." Sagot nito sakin sabay lagay ng squid balls sa baso ko. First time ko makakain ng ganon at sobrang sarap pala nun.
"May sauce sa bibig mo kumag." Sabi naman sakin ni Solomon kasabay ng pagturo sa may itaas na parte ng labi ko. Agad ko namang dinilaan yun para mawala.
"Hindi diyan--" pagtuturo pa ni solomon sakin.
Ako naman ay patuloy lang sa pagdila na ewan. Para na kong tanga dito na kung anong dinidilaan. Dun ko naisip na baka pinagtritripan lang ako nitong kumag nato.
Tinignan ko naman siya at nakatulala lang siya sakin at namumula.
Hanggang sa umiwas siya ng tingin at pinaharap sakin ang cellphone niya. Sinalamin ko naman yun at tsaka nakita yung sauce sa may bibig ko.
Tinanggal ko na agad yon at bumalik na agad sa pagkain. Natapos na ko kumain at nagsawa na sa fishballs. Nagbayad na si Solomon sa nagtitinda pero ako ay gutom pa.
Hinila hila ko naman yung polo ni Solomon sabay turo sa may nagtitinda ng kwekkwek.
"Gutom ka pa?" Gulat na tanong ni Solomon. Tumango tango naman ako sakanya kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumili pa ng kwek kwek.
Kasalukuyan akong kumakain ng kwek kwek nang makita ko na hindi pala bumili si Solomon ng para sakanya.
Kaya tumusok ako ng isang kwek kwek at walang sabi sabing isinubo yun sa bibig niya.
"Sarap diba?" Sabi ko naman sakanya at nakita ko ulit siyang namula. Allergic ba siya sa kung ano? Kanina pa kasi siya namumula o baka naman nilalagnat siya?
"May lagnat ka ba?" Tanong ko sakanya habang may nginunguya.
"W-Wala! Bilisan mo nang kumain." Bulyaw niya naman sakin kasabay ng pagiwas ng tingin.
Natapos na ako sa pagkain at niyaya nang umuwi si Solomon.
"Wait! Naiwan ko yung ID ko sa AVR!" Tarantang sabi ni Solomon sakin. Yung tinutukoy niya ay yung ID niya sa student council. Wala pa kasi kaming regular na permanent ID dahil kukuhanan muna kami ng picture para don.
"Tara balikan natin." Sabi ko naman sakanya ng nakangiti. Pumayag naman siya kaya agad na kaming pumasok ulit ng school.
Sinamahan ko na siya bilang pasasalamat sa paglibre sakin. Alas dos pa naman kasi ng hapon. Nagpaalam na rin naman ako kila Shella na sasali akong contest kaya hindi ako mapapagalitan paguwi.
BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...