Vain's POV
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa desk ko sa classroom.
Monday ngayon at vacant ang first period namin. Kaya yung mga kaklase ko ay grabe kung mag ingay. Isang linggo palang kaming nagsasama ay ganito na sila kaingay at kaclose sa isat isa.Casual lang naman akong nakaupo at hindi umiimik. Hindi kasi ganon kaayos ang mood ko ngayong umaga.
Una sa lahat ay puyat ako. Dahil tinulungan ko sa school works yung bugok kong pinsan. Halos alas dose na rin kami natapos. Hindi rin ako makatulog agad kakaisip kay Aim. Ni isang text sakanya ay wala akong natanggap nung gabing iyon.
Inisip ko na baka nakatulog na siya, pero hindi eh sure akong gising yun dahil alam ko yung sleeping time niya. Pero who knows? Baka nakatulog lang talaga siya kagabi. Ok lang naman sakin na hindi ganon kadalas magtext sakin si Aim dahil busy din yung tao.
Pero isa talaga sa pinaka nagpasira ng mood ko ay ang kaninang nakita ko sa Bulletin board ng senior high department. Madadaanan mo kasi yon bago ka makaakyat ng building for Shs.
At ang nakita ko lang naman don ay ang pangalan ko.
Pangalan ko lang naman.
Pangalan ko na nakalista sa isang singing contest. Kung may nakakita lang ng mukha ko nang nakita ko yung pangalan ko ron ay ewan ko nalang.
Nung una pa ay nagtataka ako kung paano ako nasali ron dahil sa pagkakatanda ko ay hindi ako nagpalista na sasali.
Hanggang sa naalala ko na may sasabihin nga pala kagabi sakin sila PHILIP at si SALMON. Naikakagalit ko raw kung ngayon ko pa malalaman. Pero Hindi naman ako galit sa kanila, hindi naman, kaya nga nakacapslock lang yung mga pangalan nila eh. Kasi hindi ako galit. Hindi ako galit kahit na alam kong sila ang may kagagawan kung bakit nandon ang pangalan ko. Hindi ako galit. Hihilain ko lang naman esophagus nila palabas.
"M-Mukang alam niya na ata Boi, patay tayo nito . ." Rinig kong bulong ni Philip kay Solomon.
Tama nga ang hinala ko. Itong mag kumag ang may gawa."Anong tayo ka diyan! Ikaw kaya ang nakaisip non." Pabulong na sagot naman ni Solomon
Nagbangayan pa ang dalawa at may pabulong bulong pang nalalaman eh naririnig ko rin naman sila.
Late nga pala si Fate. Isa pa yon ewan ko kung kasabwat siya ng dalawang to eh pero muka namang hindi.
Nagpatuloy naman yung dalawa sa pagsisihan habang ako ay natatawa lang na nakikinig.
Ang totoo naman kasi talaga ay hindi ako galit, nainis lang ako pero kanina pa yon. Hindi na ko galit o inis ngayon kasi napagisip isip ko na Oo nga nakalista ako sa mga contestants pero hindi naman sila sure na sasali talaga ako. Choice ko parin kung sisiputin ko ba yung competition o hindi. At mukang alam niyo na ang sagot ko ay Hindi.
Kaya inenjoy ko nalang yung pakikinig sa dalawang kumag na to. Pero bigla silang napahinto sa paguusap nang malaglag yung ballpen ko sa harapan nila.
Natabig ko kasi kaya napunta ron.
Kaya tumayo nalang ako para kunin yon.
"Sorry na Vain!" Takot na sabi ni Philip at Solomon eh tumayo lang naman ako.
Gusto ko nang tumawa dahil laptrip yung itsura nila pero pinigilan ko.
BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...