V A I N
Di ko alam kung paano napadpad ang mga paa ko sa loob ng library.
Pero parang ayoko rin umalis dito.
I slowly glance at the room, it has bookshelves filled with all types of books. Mabibilang lang sa kamay yung mga estudyanteng naririto and everyone is focused in their own worlds.
Siguro nga tama 'yung pagpunta ko rito.
The library is my calming place.
Tahimik at payapa.
No one will judge me here.
I silently take my steps towards a specific spot in the library. Pumunta ako sa pwesto sa dulo, natatakpan ng mga bookshelves at tagong tago. Walang makakapansin sa'kin dito.
Dahan dahan akong umupo sa may bakanteng table at sabay na natulala.
Swish
Pati ugoy ng aircon naririnig ko sa sobrang katahimikan.
Ever since what happened in the principal's office my mind became blank. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin o isipin. Ang tangi ko lang nararamdaman ay bigat sa puso.
I lost my scholarship.
The only thing I have worked hard for to survive in this school is now gone.
Unang pumasok sa isip ko yung tuition fee. Paano ko naman magagawang bayaran yon? Di sapat yung ipon ko sa pinasukan kong trabaho nung summer. Dagdag pa yung mga Miscellaneous fees, mga di inaasahang bayarin?
Walang tumutustos sa mga gastusin ko kung hindi ako lang.
Nakikitira nalang ako kila tiya Josephine, ang kapal naman ng mukha ko kung dadagdag pa ko sa gastusin nila eh hindi nga nila ako kamag-anak o kadugo.
Pumasok din sa isip ko si Aim. Mas lalo namang hindi sakanya, estudyante lang din siya katulad ko plus boyfriend ko siya at hindi isang bank account.
"A-ano ng gagawin ko? . . ." I whispered with a cracked voice.
At unti unti na ngang bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko na kayang mag pigil, ang bigat bigat na ng pakiramdam ko.
Tinakpan ko yung bibig ko sa takot na baka makagawa ako ng malakas na tunog at mapansin ng Librarian at mga estudyante.
I cried silently.
Hindi naman mangyayari to kung may mga magulang pa ako. Sa isip isip ko.
Kung mayroon pa kong mga magulang na susuporta sakin.
Pinilit kong mabuhay kahit na wala na sila. Pinilit ko kasi gusto kong ipamukha sa mga nanghusga sa'kin noon na kaya ko.
Pinilit kong kayanin.
Pero pagod na ko.
Pagod na kong buhayin yung sarili ko. Pagod na pagod na ko maghanap ng pera magkaroon lang ng makakakain at baon sa pangaraw araw. Pagod na kong kutyain ng iba dahil di nila ko naiintindihan.
Pagod na kong mabuhay mag isa.
Pagod na ako. Pagod na pagod na.
Iniyuko ko nalang yung ulo ko at hiniga sa taas ng lamesa habang patuloy pa rin na umiiyak.
"Do I deserve this?" I said while slowly closing my eyes while still crying in pain.
______________________________________________________________________________
"A-Ate penge pong barya, pangkain lamang po" buong pangmamakaawa kong sabi habang kinakalabit ang tagiliran ng isang babae.
Nag-abot naman siya ng isang barya sa mga palad ko na may halo pang pandidiri dahil siguro sa itsura ko.

BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...