V A I N
Ilang linggo na rin simula nang pumasok ako sa Blue Fiore University, at sobrang daming nangyare. Linggo ngayon at may pasok nanaman kami bukas.
"Tiya! Mauna na po kami ni Shella!" Sigaw ko naman para marinig ni Tiya Josephine na nasa loob ng kwarto.
"Mag-ingat kayo at wag magpapagabi kung ayaw niyong matulog sa labas!" Pananakot naman samin ni Tiya Josephine.
Natawa naman kami ni Shella at siya na ang sumagot.
Linggo kasi ngayon at may trabaho kami ni Shella sa isang maliit na restaurant malapit dito sa amin.
Actually nung summer pa kami nag umpisa ro'n at tatanggalin na sana kami ni Manang Ellie, na may ari ng resto kasi nga pasukan na at di naman daw namin kakayanin na sa umaga ay mag-aral at sa gabi ay magtrabaho.Pero mabuti nalang at malakas 'tong makiusap si Shella at napapayag niya si Manang Ellie na sa Weekends na lang kami papasok para hindi namin mapabayaan ang pagaaral. Kaso nga lang ay whole day kami sa araw na iyon at walang kapalitan.
Medyo binabaan din ang sahod namin dahil dalawang araw lang naman kami pumapasok pero okay na 'yon lalo na't ngayon na wala na kong scholarship. Malaking tulong na rin yung perang sinasahod namin kahit papano.
Kasalukuyan kaming nasa tricyle ni Shella papunta sa pinapasukan namin.
Hindi ko parin pala nasasabi sa kanila na nawala ant scholarship ko. Yung tatlong bugok lang sa school ang nakakaalam.
"Tapos ka na ba sa mga school works mo?" Biglang tanong sakin ni Shella. Aba't sakanya pa talaga nang galing yan ah.
"Nung sabado ko pa tapos, sayo ko dapat tinatanong yan." Pagsusungit ko naman sakanya.
"Yun na nga eh. di pa ako tapos hehe." Sinasabi ko na nga ba.
"Puro ka kasi cellphone, kung sino sino ang kapuyatan eh ghinoghost ka rin naman." Pangaasar ko naman sakanya. Kaya napabusangot nalang siya sa'kin.
"Pinaglihi ka talaga sa ampalaya eh noh! Napaka-pait ng ugali mo sa'kin." Sagot naman ni Shella pabalik.
Di ko nalang siya sinagot at tinuon ang attensyon sa dinaanan namin.
Pero 'di pa rin ako tinitigilan ni Shella sa pangungulit.
"Hoy Vain! Di pa nga ko tapos sa school works ko!" Pagrereklamo nito sakin. Alam ko na plano nito eh.
"Ano naman?" malamig kong sabi sa kanya. Kala niya magtatagumpay siya sa balak niya.
"Vain naman eh!" Pagmamakaawa naman nito sa'kin habang naka busangot. Hahaha muka siyang ewan.
"Oo na! Tutulungan na kita." Sagot ko nalang dahil nakakawa na 'yung itsura niya. Napa yehey naman siya sabay yakap sa'kin. May sapi talaga 'tong pinsan ko kaya pagpasensyahan niyo na.
To make things clear, hindi ko siya pinsan by blood at hindi ko rin tita talaga si tiya josephine. Inampon lang nila ako at yung kinuha kong apelyido ay ang kay Tiya Josephine na "Manuel" nung dalaga pa siya.
Hindi kasi payag si Tiyo Jun na asawa ni Tiya Josephine na ampunin ako. Hindi rin masiyado maganda ang loob sa'kin ni Tiyo. Nasa Dubai nga pala siya at dun nag tratrabaho.
Ilang minuto rin ay nakarating na kami sa restaurant.
"Late nanaman kayo!" Panenermon naman sa'min ni Manang Ellie. Sinalubong naman siya ni Shella na may malawak na ngiti.
"Ang aga aga high blood ka nanaman manang, kaya tumatanda ka nang mabilis eh." Panloloko naman ni Shella with matching yakap pa kay Manang Ellie. May katabaan kasi si Manang kaya mahilig kaming yakapin siya.

BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...