Vain's POVKinabukasan ay ganon parin ang sitwasyon ko at ni Fate.
Di parin natatapos ang maya't mayang parinig sakin ng mga kaklase ko.
Katulad kahapon ay di parin namin sila pinapansin.
Si Philip naman ay nilalagnat parin habang si Solomon ay nasa student council ulit, pumapasok lang siya tuwing after break hanggang last period.
Sa mga oras na yon ay tila mga maaamong tupa ang mga kaklase ko kapag anjan si Solomon.
Pero di parin natitigil ang matatalim na titig nila sakin.
Sinabihan ko naman si Fate na wag sasabihin kay Philip o Solomon yung mga nangyayare samin dahil baka mas lalo lang lumala ang gulo.
"Okay goodbye class." Pagpapaalam ni Ma'am Tatianna na second period teacher namin ngayon.
"Goodbye Ma'am Tatianna." Pagbati naman ng mga kaklase ko pabalik at sabay sabay na ulit nagsi-upuan.
"Mr. Manuel, I'd like to talk to you outside." Seryosong sabi nito kaya agad akong napatayo at sobrang kinabahan.
Kita ko naman na parang natutuwa pa ang ilan kong mga kaklase habang naglalakad ako palabas ng room.
"Buti nga . . ." Rinig kong bulong ng isa sa kanila.
Dumiretso lang ako sa paglalakad at nag tungo sa pwesto ni Ma'am Tatianna.
Wala siya sa tapat ng room namin at nakatayo siya banda sa may railings malapit sa hagdan.
"I heard you've lost your scholarship because of your issue last month, right?" Paguumpisa ni Ma'am
Tumango naman ako bilang sagot.
"Alam ko naman na aware ka na kailangan mong magbayad ng tuition fee diba?"
"Yes po Ma'am" sagot ko.
"Malapit na ang Midterms niyo dear at di ka makakapagtake ng exams mo kung di ka makakapagbayad." Seryosong sabi ni Ma'am.
Natahimik naman ako at natulala.
Ilang linggo ko na ring iniisip ang problemang yan. Hindi sumapat yung ipon ko sa trabaho dahil kinailangan ni Tita Josephine ng pera kaya pinahiram ko yung ipon ko."Gagawan ko po ng paraan Ma'am as soon as possible." Pagsisinungaling ko kay Ma'am Tatianna.
Sa totoo lang kasi ay ang tanging naiisip ko nalang na solusyon kung sakaling hindi na maibalik pa talaga ang scholarship ko ay lilipat nalang ako ng school.
Walang tumutustos sa pag-aaral ko kung di ako lang. Hindi ako humihingi kila Tiya Josephine dahil sobra na ang nagawa nila sakin.
Mas lalo namang hindi ako pwedeng humingi ng pera sa mga kaibigan ko.
Kinaibigan ko sila para maging kaibigan hindi para maging source of income.
"Sana masulosyunan mo agad yan Vain." Huling sabi ni Ma'am bago siya umalis.
Bumalik naman agad ako sa classroom habang tulala at nagiisip.
Lutang yung isip ko nang di ko namalayan na may pumatid na pala sakin.
Napaluhod ako pabagsak sa sahig at narinig ko namang nagsitawanan ang ilan sa mga kaklase ko.
"Ano bang nakukuha niyo sa pangbubully ha?!" Rinig kong pagtanggol ni Rose sakin sabay alalay sakin sa pag tayo.
Nagpasalamat naman agad ako at dumiretso na sa upuan ko.
Nakita ko naman si Fate na kanina pa nang gagalaiti sa galit. Pinakalma ko naman siya baka kasi kung ano pang gawin niya.
BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...