Chapter 8

88 7 0
                                    

V A I N

Agad akong nagtungo ng classroom, naiinis at puno ng galit. Wala siyang karapatang mag post ng video ng walang pahintulot ng mismong taong nandun.

Sa pagmamadali ko sa hallway ay di ko rin maiwasan ang pagtinginan ng ilang mga estudyante.

Badtrip na badtrip na talaga ko, wala akong ginawang mali sakanya para gawin niya sa'kin to.

Nang makarating sa room ay nakita ko ang pagkukumpulan ng mga kaklase ko sa may bandang harap.

Sa eksenang yun palang ay alam ko na pinapanood din nila yung video.

Kahit na natatabunan ay nakita ko rin na nando'n si Jeloy.

Dumiretso ako sa pwesto nila at agad na nakaagaw ng pansin.

"Burahin mo yon." Seryosong kong sabi.

Agad naman kaming pinagtinginan ng mga kaklase namin.

"Sino ka para utusan ako" tapang tapang niyang sabi.

"Ano sisigawan mo rin ba ko? Ilalabas mo nanaman yang iskandaloso mong paguugali ha?" Bulyaw ni jeloy habang nakaupo pa rin

"Bawiin mo yang sinabi mo." pagbabanta ko sa kanya.

"Pano kung ayoko ha, may magagawa ka ba?"

"Di mo ba alam pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo" wag niya kong sinusubukan, dahil hindi ako pumunta rito para makipaglaro.

Sa sinabi ko ay agad naman siyang tumayo, at nagsalita. Magkasing taas lang kami kaya hindi niya ko masisindak.

"Ano papangaralan mo ba ko ng mga batas? Kasi matalino ka at maraming alam ha?"

"Sabihin na nating matalino ka nga, Eh yung ugali mo naman kamusta?" Kuda niya namin sakin.

Wala na bang silang masabi at paguugali ko nalang na sila na rin yung nagconclude ang tangi nilang ipapamuka sakin?

Gusto kong magsalita pero pinipigilan ko, ayokong makasakit at baka mas lalo pang lumala yung gulo.

"Ano hindi ka makapag salita? Kasi alam mong totoo yung sinasabi ko."

Tinignan ko naman siya sa mata habang may seryosong mukha.

"Kung gusto mo ng away sa iba ka maghanap" sabi ko.

"Ang gusto ko lang ay Burahin. Mo. Yung. Video." Buong diin kong sabi.

Sana naman ay naging malinaw yon sakanya.

"Eh ayoko nga? Di ka ba tinuruan ng mga magulang mo na kapag may gusto ka ay dapat kang mag sabi ng "Please"?" pangloloko niya pa sakin.

"Oh wala ka talagang magulang? Kaya ganyan yang paguugali mo?" dagdag niya na nagpahinto sakin.

Natahimik ang lahat at wala ni isang kumikibo.

"AHHHH wala ka ngang magulang, pati siguro sila di natiis yang paguugali mo n--"

Di ko na siya pinatapos at agad na kwinelyuhan. Sobra na kaya't di na ko nakapagtimpi pa.

"BUBURAHIN MO O BUBURAHIN KO YANG PAGMUMUKA MO? "galit kong sabi.

Bakas naman sa mga mata niya ang pagkagulat.

"Vain!" Rinig kong sigaw ng nasa pinto.

Si Solomon kasama si Philip, nakatingin sa direksyon namin.

"Bitawan mo siya!" Dagdag pa nito.

Tinignan ko naman nang masama ang pawis na pawis na muka ng kaharap ko. Sa salita lang magaling pwe!

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon