V A I N
Parang ilang taon na ang lumipas sa sobrang tagal nang pag-andar ng oras.
Mabuti na lang at huling subject na namin ito para sa ngayong araw.
Gustong gusto ko na rin kasi umuwi dahil purgang purga na ko sa mga bulong bulungan at mga matatalim na tingin na ibinibigay sa'kin ng mga kaklase ko.
Mahirap man pero mukhang kailangan ko nang masanay sa ganitong senaryo sa araw-araw.
Hays.
Buntong hininga ko nalang.
Heto ako ngayon nakatingin sa labas ng bintana, iniisip yung mga nangyare sa mga nagdaang araw ng klase.
Hindi naging maganda ang umpisa ng pasukan ko at nakakalungkot 'yon.
Iniisip ko kung tama ba o mali yung mga naging aksyon ko sa mga nakaraang araw.
Hanggang sa napagtanto kong mali.
Mali na inisip kong kompetisyon ang pag-aaral.
Mali yung nagpadala ko sa bugso ng damdamin.
Mali yung mga nabitawan kong mga salita.
Nagkamali ako.
Hanggang sa pumasok sa isip ko si Philip. Napatingin ako sa lokasyon ng kinauupuan niya.
Natulala ako ng wala sa oras. Siya lang yung tumuring sa'kin kaibigan tas sinaktan ko pa.
Wala sa wisyo akong nakatingin sa likod ni philip nang 'di ko namamalayan na nakatingin na rin pala siya sakin.
Hindi lang pala siya.
Ang buong klase ay nakatingin sa akin.
"Are you with us Mr. Manuel?" Striktong tanong ni Sir. Tamayao na Earth Science teacher namin.
Agad naman akong napatayo sa gulat. Kanina pa pala ko tinatawag ng aming guro.
"Y-Yes sir." Sagot ko naman pabalik.
"Ipinapatawag ka sa Principal's Office" buong diin naman nitong sagot na nagpakaba sa akin.
Principal's Office?
______________________________________________________________________________
Heto ako ngayon dala dala yung bag ko papuntang principal's office.
Alam ko namang dahil 'yon sa video pero kinakabahan ako sa maaring mangyari.
Pinagpapawisan na ako ng malamig at wala na sa wisyo ang aking pagiisip.
Napakagat na lang ako sa'king labi sa sobrang kaba.
Ilang saglit pa ay nakarating na ko sa pinto ng Principal's Office, nanginginig kong hinawakan yung pinto ng doorr knob pero nakarinig ako ng bulong bulungan.
"Siya 'yon diba?" Bulong ng isa babae sa katabi niya habang naglalakad palayo sa lokasyon ko.
Fuck. Mukang dahil nga sa videong 'yon kung bakit ipapatawag ngayon.
Ipinihit ko na yung pinto at nanginginig na pumasok.
Katulad ng dati ay sinalubong ako ng malamig na hangin na nanggagaling sa aircon na lalong nagpadagdag ng kaba sa akin.
Agad naman akong nakita ng aming principal ng may seryosong ekspresyon.
"Please take your seat." Malamig nitong sabi.
Sinunod ko naman siya at umupo, napako naman ang tingin ko sa aking mga paa dahil di ko magawang tignan ang principal sa kahihiyan.
"I'm gonna be very frank and straight forward to you Mr. Manuel"
paguumpisa niya.This time ay tumingin na ko sa kanya.
"Ipinatawag kita dahil sa kumalat na video." May pag kadismaya nitong sambit.
"I'm gonna be biased if I just based my decision from the video alone, hence why I called you hear to know the other side of the story." Dagdag pa nito.
Napalunok naman ako at lalong pinagpawisan.
Ibinuka ko naman yung bibig ko upang magsalita.
pero. . .
Wala ni isang lumabas.
I can't find any words to explain my side. Sobrang blanko ng isip ko. Tsaka anong point dahil mali naman talaga ang ginawa ko.
First time. First time kong walang maisagot.
Yumuko na lang ako senyales ng pagsuko.
Narinig ko namang bumuntong hininga si Sir. bago siya muling magsalita.
"I am very disappointed with your actions Mr. Manuel, I have high expectations on you especially you are one of my scholars." buong diin niyang sabi without losing his calm posture.
"I want to hear your side pero hindi ka nagsasalita, which only means na what was in the video is right."
"You are my scholar not only because you have the brain and the wit but also because you have the good morale to be looked up to and followed by your fellow students."
His words felt like bullets shot in my heart.
"You should be the good role model to them but . . ."
". . . you did the opposite."
And with that, wala na akong mukhang ihaharap pa. Gusto ko nang lamunin ng lupa sa matinding kahihiyan.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan at wala ni isang nagsasalita sa amin. Tanging ugoy ng aircon na lang ang maririnig.
Hanggang sa pinutol niya ito at agad na nagsalita.
"Based from what I see right now, I am very much sure about my decision." seryoso nitong sabi.
Agad naman akong naalis sa pagkakayuko at napatingin sa lalaking nagsasalita sa harap ko.
"I am sorry Mr. Manuel but I am revoking your scholarship."
BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...