Chapter 34

130 12 0
                                    


Vain's POV

Nagtitimpla ako ngayon ng juice para sa mga magagaling naming bisita. Hindi ko inaakala na bigla nalang silang pupunta ngayon dito.

Atsaka isa pa, papaanong nalaman nila yung bahay ko? Eh maski si Philip nga ay hindi alam yung eksaktong lokasyon ng tinitirhan ko.

Ano nanaman kayang pumasok sa kokote ng mga to?

Matapos kong magtimpla ay agad ko na silang pinuntahan sa sala na kasalukuyang nakaupo sa sofa namin.

Kitang kita ko kung paano harutin ng magaling kong pinsan si Solomon na nasa gitna nila Fate at ni Shella.

"Sa Blue Fiore talaga kayo nag-aaral? Grabe naman nakakainggit kayo. Gusto ko rin sana dun magaral pero hindi keri ng budget ang tuition fee ron hindi ko rin naman kagaya si Vain sa katalinuhan kaya pati entrance exam for scholarship ay paniguradong hindi ko maipapasa. Kaya sobrang proud talaga ako dito sa pinsan ko kasi tinuloy niya yung pagpasok dun kahit hindi pa sure na makakakuha talaga siya ng scholarship, ganon siya kaconfident sa sarili niya which is sa akin niya minana---" kadaldalan ng pinsan ko habang nakatingin sa natatawang si Solomon.

Hindi ko parin nasasabi pala hanggang ngayon kay Shella na nawala yung scholarship ko at alam ko namang di sasabihin yun nila Fate.

Nilapag ko naman na sa harap nila yung dalawang baso at isang pitsel ng juice, sabay tinignan yung dalawa ng masama.

"Ngayon sabihin niyo na bakit kayo nandito." Striktong sabi ko sakanila.

Napatigil naman sa pagkuha sila Fate at Solomon ng Juice dahil sa sinabi ko.

Pinainom ko muna sila ng juice bago pag-explainin dahil mukang naglakad lang sila papunta rito at halata sa kanila ang pagkauhaw.

Tinignan ko muna yung pinsan ko na grabe makatingin kay Solomon, yung tipong parang hinuhubaran niya na. Baliw talaga.

"Psst, Shella pahugasan mo naman muna yung mga naudlot kong hugasin sa kusina. Kakausapin ko lang tong dalawa." Sabi ko kay Shella, ayuko rin kasi na marinig niya yung paguusapan namin.

Panigurado kasi akong about to sa school problems ko. At walang alam dun si Shella o kahit na si Tiya man lang.

"Mamaya na, hindi ko pa nga nakukuha number ni Jacob ih." Maharot niyang sabi na parang di alintana na naririnig siya ng mga katabi niya.

Wala naman talagang hiya yang babaeng yan.

Tignan niyo nga alam niya na agad pangalan ni Solomon kahit sandaling minuto palang sila nagkakasama.

Napailing iling naman ako.
"Ako na magbibigay sayo mamaya. Maghugas ka lang." sabi ko kay Shella para makabunsi siyang umalis.

Nakita ko namang gumuhit ang isang malawak na ngiti sa mga labi niya kaya agad siyang tumayo.

"Sige ah! Sabi mo yan-- maya nalang ulit jacob ko." Sabi nito bago umalis na sa sala.

Nakita ko namang natatawa si Fate dahil sa inaakto ng pinsan ko.

Binaling ko nalang ang attensyon ko sa dalawa.

"Alam mo number ko?" Nagtatakang tanong ni Solomon sakin.

"Hindi. Niloko ko lang yung pinsan ko para umalis." Tugon ko.

"Pero mabalik tayo. Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.

May nangyayari nanaman ba sa school nang wala ako at involve ulit ako ron? Yun yung naiisip ko dahil hindi na malabong mangyari yon dahil halos kakambal ko na ata ang issue ngayon.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon