Chapter 24

77 8 0
                                    

Vain's POV

Matapos yung Quiz bee at yung pagkakakulong namin ni Solomon sa AVR ay naging busy kami nung mga sumunod na araw.

Marami na rin ang pinapagawa samin ng mga subject teachers dagdag pa yung pag practice namin sa sabayang pagbigkas. Hindi man ako kasali sa practice nila ay busy naman ako sa paggawa ng props.

"Guys iniwan na namin yung mga kagamitan dito ah, dapat matapos niyo na iyang props dahil 3 araw nalang bago ang competition." Pagpapaalala ni Gin. At umalis na siya dahil may practice sila outside the school. Tapos na ang klase namin at kasalukuyan kaming nasa room para mag overtime at gumawa ng props.

Nandito ako ngayon kasama yung mga kasama kong puro lalaki. Kami iyong mga hindi napili na sumali ng sabayang pagbigkas. Pero dahil nga required na sumali kapag wala kang contribution ay wala kang grades kaya kailangan namin magcontribute through making props.

"Tara na tol, Wala na si Gin" sabi ni Patrick na sa kasamaang palad ay kasama ko sa Props makers.

"Sigurado ka tol? Pano pag nakita at nahuli tayo ni Gin?" Sabi naman ng tropa niyang si Jun.

"Oo nga tol, panigurado lago't tayo ron!" Takot namang sabi ni Ken.

Ako naman ay nagumpisa nang gumawa ng props para makauwi na rin ka agad.

"Bakit naman tayo mahu-huli? Bakit may magsusumbong ba?" Sagot ni Patrick na nagpaparinig sa akin.

Nagpanggap naman akong walang naririnig at walang pakialam sa mga pinagsasabi nila.

"Subukan mo lang magsumbong Vain." Nagbabanta pang sabi ni Patrick sakin. At gaya nga nung una ay di ko parin siya nilingon at nag aktong walang pakialam.

"Bingi ka ba? Kinakausap kita diba? Sumagot ka--" Hindi ko na siya pinatapos. Dahil tumayo na ako at lumingon sa kanilang lahat.

Pinagpagan ko muna yung shorts ko bago mag salita.

"Umalis kayo kung gusto niyong umalis, wala akong pakialam dahil buhay niyo yan." Malamig kong sabi.

Natulala naman sila sa sinabi ko.

"Ang yabang mo talaga ano? Tignan na lang natin kung may matitira pang angas kung basagin ko ang mukha mo." Sabi nito sakin at sabay akmang susuntokin ako.

Agad naman akong nakaiwas bago pa malapatan ng marumi niyang kamay ang mukha ko.

"Subukan mo lang saktan ako Patrick, dahil hindi ako magdadalawang isip na mag sumbong sa Principal." Walang takot kong sagot sakanya.

"At alam nating dalawa na hindi magugustuhan ng mga magulang mo kung ipapatawag sila at maririnig ang tungkol dito." Malamig kong sabi. Pero di parin natinag si Patrick at mas lalong nagalit.

Akmang susuntukin niya ulit ako.

Hindi naman na ako gumalaw at umiwas at inaantay na lang ang pagsuntok niya sakin pero pinigilan na siya ng mga tropa niya.

"Tama na yan pre!" Pagpipigil sa kanya ni Ken.

"Tara na tol!" Sabi naman ng isa pa niyang tropa na kaklase rin namin.

"May araw ka rin sakin!" Sabi pa nito bago umalis.

Napabuntong hininga naman ako nang naiwan na kong mag isa sa classroom.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at inihinto na ang pagrerecord nito.

"Kung nasuntok niya lang sana ako ay panigurado na ang pagkatanggal niya sa school na to ngayon . . ." Sabi ko naman sa kawalan.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon