Chapter 30

93 8 0
                                    


Fate's POV

Nasa room na ako ngayon kasama ang ilang mga kaklase ko. Kahit na hindi ganito ang usual time na pagpasok ko ay pumasok talaga ako ng maaga para bantayan si Vain.

Shit na malagkit naman kasi yung nangyari kahapon dagdag pa na hindi makakapasok si Philip ngayon dahil nilalagnat at wala rin si Jacob the pogi kasi nasa student council nanaman kaya walang magbabantay kay Vain.

Shiteng ina talaga hindi ko kasi ineexpect na ganon ang mangyayari kahapon.

"Pakening shit naman . . ." Pagmumura ko ulit dahil sa pag-iisip. Sorry na Lord dahil napapadalas ang pagmumura ko ngayong araw hindi ko kasi mapigilan lalo na't namomoblema kami- ako lang pala at si Vain dahil wala yung dalawang mokong ngayon.

"Ayan na pala yung nagpatalo sa speech choir natin eh!" Gulat akong sigaw ni Patrick nang biglang pumasok si Vain sa room at pinagtitignan ng mga kaklase ko.

Nakita ko siyang napayuko kaya nakaramdam agad ako nang awa.

Badtrip tong si Patrick eh may kasalanan din naman siya kaya kami natalo. Nagiinit dugo ko sa mukang kulugo na lalaking to eh.

Kung malaki lang ang katawan ko ay ginulpi ko na to matagal na. Akala niya ba hindi ko alam na tanging si Vain lang ang gumagawa ng props namin nung Speech choir at madalas niyang binubully si Vain sa labas at loob ng room namin?

Alam ko lahat ng yon pero ang pinagtataka ko ay bakit hindi lumalaban si Vain. Hindi siya yung tipo ng tao na ganon eh.

Kwinelyuhan niya nga si Jeloy dati.
Pero ngayon bakit hindi na siya lumalaban pabalik?

Nabalik naman ako sa wasto nang makaupo na si Vain sa tabi ko.

Tumabi muna ako sakanya pansamantala dahil wala nga yung dalawa.

"Okay kalang?" Tanga kong tanong.

Malamang hindi siya okay Fate! Inaaway siya nang halos lahat ng buong kaklase namin dahil siya ang sinisisi kung bakit natalo kami kahapon.

Pero mabalik kay Vain.

Pinilit niyang ngumiti kasabay ng pag tango kahit kitang kita sa mata niya ang pagod at lungkot.

Naawa ako ngayon sakanya! Kung sa mata ng iba ay demonyo tong katabi ko ngayon ay yun naman ang kabaliktaran ng nakikita ko kay Vain! Isa siyang anghel para sakin!

"Oh bakit pumasok pa yan?" Rinig kong sabi ni Gin sa harap.

"Don't worry guys papakiusapan ko nalang si Dad to talk to the principal and tell him that Vain should be expelled." Maarteng sabi ni Samantha.

Ako talaga ay nanggigilaati na sa bruhang to eh. Akala mo naman ay malaki ang naitulong sa speech choir namin eh puro mali nga siya nung performance.

"Wag mo nalang sila pakinggan." Sabi ko kay Vain na kasalukuyang nakayuko.

Palihim ko nalang hinawakan ang kamay ni Vain sa ilalim para bigyan siya nang lakas ng loob.

"Thank you." Sabi nito sakin habang nakangiti.

"Wag ka mag-alala di ka nila masasaktan habang nandito ako." Matapang kong sabi ko sakanya.

Napangiti naman si Vain dahil don.

Nagpatuloy pa sa pag paparinig ang ilang mga kaklase namin at patuloy parin sa pang-aaway kay Vain.

Pinipilit namin ni Vain na di sila pansinin pero napipikon na ko, konte nalang ay masasapak ko na tong mga kaklase namin eh.

"Sabi sainyo tayo nalang sana ang gumawa ng props natin, hindi yung inasa pa natin sa iba. Yan tuloy sinabutahe yung buong section natin." Pang-gagatong ni Jeloy sa harap.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon