V A I N
Mabilis na tumakbo ang oras at 'di ko narin namalayan na uwian na pala namin, heto ako ngayon naglalakad magisa papauwi, gusto sanang sumabay ni philip sa'kin matapos niya malaman na nasa iisang street lang pala kami nakatira, pero sabi ko next time nalang dahil may bibilhin pa ko.
Pagkatapos kasi nung nangyari nang palabasin kami, umakyat na ko't naabutan ang second subject teacher namin. Agad din namang nakasunod yung dalawa, pero may halong pagtataka yung muka ni philip kasi mas lalong hindi na kami nagpapansinan ni solomon.
Sino ba naman kasi hindi maiinis sa ginawa niya eh invasion of privacy na yon. Ikaw ba na matalino at pinerfect ang entrance exam at Presidente ng Student council ay mangunguha ng cellphone ng iba at basahin yung text messages no'n kahit na hindi ka binigyan ng karapatan ng may-ari.
Diba hindi naman kahit sinong matinong tao alam na ang privacy ng iba ay dapat na nirerespeto.
Pero bakit ko ba iniisip yon? Wala ng space yung utak ko para dagdagan pa ng mga walang kakwenkwentang bagay.
Kanina lang din nung second subject namin ay ginawa namin ang tradisyunal na ginagawa tuwing first day of class na "Introduce Yourself" na pinakaayaw ko sa lahat.
Dahil din diyan kaya nalaman ni Philip na magkastreet kami na tinitirhan, na okay lang naman sa'kin talaga kasi mabait naman sa'kin si philip, at sabi niya nga ay magbestfriend na kami.
Ang 'di ko lang talaga gusto ay ang concept ng "Introduce Yourself" na pupunta sa harap, titignan ng maraming mata at magsasalita tungkol sa sarili mo.
You can ask me to do an essay, solve any mathematical problems, paint an artwork but never ask me to do a public speaking or any kind of speech in front of many people. That shit scares the best out of me.
Dagdag pa yung pagkanta ko habang iniintroduce ang sarili, ni isa walang nagsasalita matapos kong gawin yon na mas lalong nagpahiya sakin.
Kaya napaisip ako talaga matapos ang lahat ng nangyari ngayong araw, ito na siguro pinakaworst na first day of class na naranasan ko. Bukod pa sa announcement na nangyari nung flag ceremony. Nakakainis talaga.
Sa pagmumuni muni ko ay di ko namalayan na nakauwi na rin pala ako.
Mag aalos dos na pala ng hapon.
Pumasok na ko sa gate at naghubad ng sapatos."Tiya nakauwi na ho ako" pagbati ko naman. Nakatira nga pala ako sa tiyahin kong si Tiya Josephine, siya ang nagalaga sakin simula bata, may anak siyang babae na kaedad ko rin at ang asawa naman niya ay nagtratrabaho sa ibang bansa.
"Sige, may pagkain jan sa lamesa kumain ka nalang" sigaw naman nito galing sa kwarto. Sa tagal kong pamumuhay kasama sila ay di ako nakaranas ng kahit anong pangaapi o pangaabuso sa mag-anak. Kaya malaking utang na loob ko rin sakanila.
Dumiretso na ko sa kwarto at agad na nagbihis, kumain, naghugas ng pinagkainan at nagwalis ng buong bahay.
Pagkatapos ay tinignan ko ang orasan.
"3:03" sambit ko, may dalawang oras pa bago pa ko umalis. Kayat napagisipan kong matulog na lang muna.
______________________________________________________________________________
J A C O B
Nakauwi akong may badmood paring daladala. Nakakainis lang kasi talaga yung nangyari kanina.
Nakakadalawa na siya sakin. Aish.
"Kung iisipin talaga, I did nothing wrong to him in the first place, kaya di ko deserve na tratuhin niyang ganon." Bulyaw ko habang nakatingin sa kisame.
BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...