J A C O B
Halos lahat ay nasa kanya kanya ng upuan but Vain's group is still outside for their last minute practice.
Natapos na nga ang oras at kailangan nang ipresent lahat ng group yung nagawa nilang skit.
"Natapos niyo?" Philip asked Vain no'ng dumaan siya sa harap namin para umupo.
Maikling tango lang ang ginawa niya tapos umupo na rin. Ako naman ay tumalikod sakanya dahil mukang galit 'to sakin at baka mapatay ako. Tinuon ko na lang yung attensyon ko sa harap dahil nag uumpisa na ang presentation ng group 1.
"Hoy Solomon!" Pabulong na sigaw ni Vain. Di ko sana siya lilingunin pero hinawakan niya yung balikat ko at pinilit akong iharap sakanya.
I formed a wide smile as if I didn't do anything. Nagmamaang mangan pa ko kasi baka mapisikal ako nitong si Vain eh.
"Kala mo tapos na tayo!" He shouted quietly.
"Buti nga tinulak kita kung hindi edi sana di niyo natapos!" Bulyaw ko sakanya pabalik. Mahina ko lang 'yun sinabi pero pasigaw. Baka kasi madistorbo namin yung grupo na nag peperform sa harap.
"Sana binigyan mo muna ako ng oras para makapagisip! Nabigla kaya ako!" Pagrereklamo naman nito sakin. Alam ko namang di na niya kailangan ng oras magisip dahil may naisip na siya umpisa palang.
"Alam mo wag na mainit ang ulo, ang mahalaga natapos niyo." Sabi ko naman sakanya.
"P-Pero kasi. . . Nahihiya ako kung M-Maganda ba yung sinugest ko." Nakayuko niyang sabi. Natatawa naman ako dahil nauutal utal pa siya.
"Ugok ka ba? Hindi naman sila sasangayon sa sinabi mo kung 'di yon maganda." Sabi ko naman pero nakayuko pa rin siya. Sobra nga ata siyang nahiya sa nangyari kanina. Pero atleast naitawid niya.
"Paano kung napilitan lang sila dahil na intimidate sa sinabi ko. Lalo na't may previous issue nga ko diba, iba tingin sakin ng iba nating mga kaklase." Vain said with a very worried face.
Di ko naman napigilan sarili ko na maawa, kasi siguro ang iniisip ni Vain ay lahat ng kaklase namin ay galit at ayaw na sakanya. Hindi niya lang alam na nag ooverthink lang siya masiyado.
I gently tapped his head sabay gulo ng buhok niya.
"You know what? You are just overthinking things. Wag kana masiyadong mag-isip and just do your best in your commercial skit." Pagchecheer up ko sakanya.
Siya naman ay natigilan.
Dahil ata sa sinabi ko or hindi.Hanggang sa tumingin siya sa kamay ko na kasalukuyan paring nasa ulo niya at napatingin din naman ako sa kamay ko.
Shit. Si Philip lang pala yung gumagawa sakanya no'n. Mag-kaaway nga pala kami kaya agad kong binawi ang kamay ko. Medyo nahiya ako kasi kusa lang namang gumalaw ang mga kamay ko.
Basta binawi ko nalang at sa sobrang kahihiyan ay binaling ko nalang yung attensyon ko sa grupong nagpeperform.
Dun ko napansin na tapos na pala yung unang grupo--
"Thank you." I heard Vain whispered. Kaya napangiti naman ako.
Ano bang meron sa araw na to at lagi akong nakangiti? Hay ewan.
Grupo na nila Fate ang magpeperform. Grupo pala nila yung magbebenta ng cellphone. Natawa naman ako dahil sobrang exaggerated ng features nung phone na binebenta nila. 1 year daw ang Battery life span na hindi naman kapani paniwala pero convincing naman kahit papano.
Natapos na sila at nagsalita na ulit si Miss Lavine na teacher namin.
"And now who wants to buy their "very" High tech. Cellphone?" Tanong ni Miss Lavine samin. She is doing this to know if the group commercial skit is really convincing to the audience.

BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...