Chapter Two

450 4 0
                                    

Galing sa korte si Christopher Montefalcon, you can call him Atty. Chris, in short "Chris". Katatapos lang ng last hearing na kanyang dinaluhan at napanalunan. Hindi lingid sa kanyang isipan na araw-araw ay hindi birong maging isang abogado. Kada oras, minuto, segundo, kailangan mong mapagmasid kung sakaling ano ang mangyayari sayo pag nagkataon. Pero hindi na ito bago kay Chris.

Paglabas niya ng korte, dala-dala ang mga importanteng dokumento at laptop, nakasalubong niya ang kanyang matalik na kaibigan mula pa noong nasa kolehiyo pa sila. Ito ay si Demy, short for Demetrio.

"Panyero!" sambit ni Demy.

"Uy, ikaw pala yan Demy! ginulat mo 'ko" gulat na gulat na si Chris.

"Panalo tayo ngayon ah, so what's the plan huh?" ani Demy

"Ikaw? ano sa tingin mo?" Chris

"After a stressful day, we deserve to enjoy. Let's go!" ani Demy.

................

....Dugs..Dugs..dugs...dugs..

- Ang napakalakas na disco sa bar.

"So Chris, okay na ba kayo ng fiancee mo?" tanong ni Demy.

"Again and again, It's still complicated. Hindi ko alam kung anong problema niya. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa'kin. Nawala nalang siyang parang bula." sambit ni Chris na tila lasing na.

"Nakapag-usap ba kayong dalawa mula nung huling nagkita kayo?" Demy.

"Hindi nga eh. Ever since I keep on asking myself, 'whats wrong with me'? Am I not enough?" medyo emosyonal na si Chris.

"Feeling ko, may mga bagay na hindi mo pa nalalaman tungkol sa kanya. Ayaw niya sigurong madamay ka sa problema niya, parang ganun di ba?" Demy.

"I was about to propose to her, and unfortunately, hindi umabot"

"Tawagan mo kaya ngayon, baka sakaling sagutin niya." Demy.

At sinubukang tawagan ni Chris ang fiancee nya ngunit hindi na ito makontak at out of coverage na ito.

"See? wala na siyang pake sa'kin. Ayoko nang maghabol. Wala na talaga akong mapapala sa kanya." ani Chris.

"May move on kana sa kanya Chris. Madami namang mga magagandang babae dyan" ani Demy.

"Sa ngayon, ayoko na munang magka lovelife. Focus muna tayo sa career natin"

Nakatulala nalang si Demy sa kaibigan na nalulungkot sa sitwasyon nito.

"Oh, isang shot pa!" Sambit ni Demy sa kaibigan.

.............Kaumagahan........

Kriiiiiiiiiiiiing!!!!!!

- Ang maingay na alarm clock sa tabi ni Chris.

Kakabangon lang ni Chris at makaramdam ng sakit sa ulo.

"Arggh! ang sakit ng ulo ko. Ang lakas pala ng nainom namin kagabi" sabi ni Chris sa sarili.

Pagkatapos ay bumangon na siya at bumaba tungo sa kusina para kumain.

"Manang?" Sambit ni Chris sa kanyang long-time maid na si Manang Sita.

"Oh tope! mag-agahan ka na't may nakahanda na sa mesa " ani Manang.

"Thank God. Ang sakit ng ulo ko. urgh!" Chris

"Uminom na naman kayo ni Demetrio kagabi ano?" tanong ni Manang.

"Oo na po eh" Chris

"O sha, kumain ka na. Mukhang matindi tama mo"

"Salamat manang. Da best ka talaga" sabay thumbs up ni Chris kay manang habang nakangiti.

Pagkatapos mag agahan ay naligo na ito at nagbihis tungo sa kanyang Law Firm Office.

.................

Sa opisina...

Habang nag rereview ng mga dokumento, hindi maiaalis sa kanyang isipan ang nangyayari sa kanila ng kanyang fiancee. Tila may bumabagabag sa kanyang isipan na gusto sana niyang gawin pero nalilito siya kung saan siya magsisimula.

At sa huli ay napagtanto niyang iwan muna ang opisina at ibinilin niya sa kanyang sekretarya na si Jane na halos limang taon ng nagtatrabaho sa kanya.

Pinuntahan kaagad ni Chris ang kanyang fiancee sa bahay nito sa may isang village. Dali-dali siyang nagmaneho.

Ganito siya ka in love at mapapa-'sana all' ka nalang.

Pagdating sa bahay ng kanyang fiancee ay nag doorbell kaagad siya at isa sa mga maid ng kanyang fiancee ang lumabas at kumausap sa kanya.

"Ate? nandiyan ba si Sofia"? tanong ni Chris.

"Ay attorney! Hindi niyo na po naabutan si ma'am Sofia. Nasa airport na siya ngayon papuntang U.S., ngayon na kase flight niya" sagot ng yaya.

"ano? ahh...sige salamat ha!-- si Chris na pumasok kaagad sa kotse na pumaharurot ng sasakya papuntang airport.

Sa airport.....

Kaagad pumasok si Chris sa airport para hanapin si Sofia.

Makalipas ng ilang minutong paghahanap ay naabutan pa niya si Sofia na nakalinya.

"Sofia! Wait. ano to? San ka pupunta? Iiwan mo na ba ako?" Si Chris na iiyak na.

"Obvious ba?! Ayoko na! I just want a break. To get rid myself from you." sagot ni Sofia.

"Ano bang nagawa ko't nagkakaganito ka?"tanong ni Chris.

Halos lahat ng tao sa airport ay nakatingin sa kanila dahil sa lakas ng kanilang boses.

"Wala. Just respect my decision, okay? Ayoko na!" Ani Sofia.

Sa puntong ito ay nagsimulang lumuhod si Chris kay Sofia na nagmamakaawa.

"Please don't do these, please!" sambit ni Chris.

"My decision is final Chris. I quit. Goodbye!" sabay bitaw na nakakapit sa kamay ni Chris at umalis.

Tila emosyonal si Chris sa mga oras na iyon. Nagtitinginan lahat ng mga tao sa kanya at tila wala siyang pakialam.

Kawawang Chris!




Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon