.....
"Ako po Doc. Handa po akong magpapatest baka sakaling magka-match kami" suhestiyon ni Gwen.
At sumang-ayon naman ang doktor at sinimulan na nga ang pagtetest ni Gwen.
Laking pasalamat ng lahat ng magkamatch pala si Gwen at Chris. Sinimulan na ring ang bloodletting.
Pagkatapos ng lahat ng proseso ay hinihintay nalang nila na magising si Christopher.
Nang mag-stable na ang kalagayan at inilipat na ito sa private room. Ang tanging nasa ospital ay sina Manang Sita at Gwen na nagbabantay habang sina Chona at Tes naman ay nasa mansion.
Hanggang sa sumapit na ang bagong umaga ay himala na nagising na si Chris. Nakita nya na nasa gilid nya si Gwen na natutulog kakabantay sa kanya. Umalis si Manang Sita para bumili ng mga makakain.
Habang si Chris ay tila napangiti ng bahagya habang pinagmamasdan si Gwen. Hanggang sa dumating na si Manang Sita at nadatnan nyang gising na ang kanyang alaga at yun palang ang gumising kay Gwen.
"Tope. Mabuti't nagising ka na. Salamat sa Diyos!" sabi ni Manang.
"Ay sir. Mabuti't nagising na po kayo. nagugutom po ba kayo? Anong kailangan nyo? Sabihin nyo." pag-aalalang sabi ni Gwen.
"Gwen? relax. It's fine." mahinahong sagot ni Chris na tila may konti pang panghihina.
Habang si Manang naman ay naghahanda ng prutas na pwedeng kainin ni Chris.
"Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nangyari sayo Tope. Babalik sila ngayon para magtanong sayo" sabi ni manang habang sinusubuan ng apple ang alaga.
"Ano po ba talagang nangyari sir? Bakit po nabangga ang sinasakyan nyo?" tanong ni Gwen.
"Hindi ko alam. Basta nakita ko nya na palaging sumusunod sakin kaya sinubukan nyang banggain ako." sabi ni Chris.
"Naku! Kung sino man yang gumawa sayo, hinding-hindi sila mapapatawad ng Diyos!" sabi ni Manang.
Bigla namang pumasok ang dalawang pulis para magtanong kay Chris.
"Good morning attorney. Mabuti't gising na po kayo. Nandito kami para magtanong tungkol sa nangyari sa inyu kahapon" sabi ng isang pulis.
"Walang CCTV sa pinangyarihan ng aksidente. Kumbaga parang sinadya at pinlano na nila na doon ka nila babanggain." sabi ng isa pang pulis.
Sa kalagitnaan ng pagtatanong ay may sinabi si Chris.
"Malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa trabaho ko. May hinahawakan kase akong seryusong kaso ngayong murder. Nung papalabas na kami ng korte galing sa first hearing ay pinagbantaan ako ng isa sa pamilya ng salarin." pag-amin ni Chris.
Pagkatapos ng pagsisiyasat ng mga pulis ay umalis na ang mga ito. Mas nag-aalala si Manang ng malaman ang sinabi ng alaga pati narin si Gwen.
Maya-maya pay tumawag ulit Via video call mommy't daddy ni Chris para kamustahin ang kalagayan nito. Nadismaya ng konti si Chris dahil hindi na naman uuwi ang pamilya nya kahit man lang sa sitwasyon nyang ito. Hindi na nya ito ininda pa dahil sanay naman syang wala ang dalawa.
...........
Lumipas ang ilang mga araw ay nadischarge na si Chris. Inaalalayan ito ni Gwen pagbaba at pag-akyat sa kwarto nito. Tuloy parin ang therapy ni Chris habang nasa mansion ito na nagpapahinga. Bumibista din kasama ang fiancee nito ang kanyang matalik na kaibigan na si Demy.
May pagkakataon ding nakakausap ni Gwen ang kanyang pamilya Via Video call habang kinikwento ang nangyari kay Chris. Sobrang nag-alala din ang mga ito dahil sa utang na loob nila kay Chris sa nagawa nya kay Gwen.
Inilahad din ni Manong Baste na hinuli ng mga pulis si
Habang tumatagal ay unti-unting nakikilala nina Gwen at Chris ang isa't isa. Ang dalaga kase ang halos nagbabantay kay Chris para narin makabawi sya sa lahat ng nagawa ni Chris sa kanya. May mga pagkakataon ding habang may ginagawa ang dalaga ay pinagmamasdan nya ito at nahuhuli rin ni Gwen na tinititigan sya ni Chris.
Hanggang sa dumating ang ilang araw na gumaling na ng husto si Chris. Sobra syang nagpapasalamat sa lahat ng umaalalay sa kanya lalong-lalo na si Gwen.
Bumalik na din ito sa normal na ginagawa nya sa buhay. Hindi nagtagal at napatunayan na nga sa korte na ang salarin pala sa nangyari sa kanya ay ang kalaban nya sa kaso.
...............
After 3 days ay lumabas na nga ang resulta ng entrance exam.
Sobrang pasasalamat ni Gwen nang nakapasa sya sa exam pati narin ang bagong friend nyang si Cathy. Nag send ito ng screen shot online para ma check sa kaibigan ang resulta.
Sobrang tuwang-tuwa ng mga kasama nya sa mansion lalong-lalo na ang kanyang pamilya sa probinsya.
"Congrats Gwen. Alam ko na talaga sa huli na makakapasa ka" sabi ni Chris kay Gwen.
"Salamat sir." sagot naman ni Gwen na galing pa sa tuwa na nadarama.
"At dahil dyan. Maghahanda tayo" sabi ni manang.
"No need na manang. Magpapadaliver nalang tayo ng food." ani Chris.
"Ah, mabuti kung ganun."sagot naman ni manang.
Natapos ang araw na iyon ng masaya.
...........
Makalipas ang ilang mga araw ay araw na bago ang pasukan. Sobrang naghahanda na si Gwen para bukas. Sabay silang bumili ni Cathy ng mga bagong gamit para sa school. Kahit papano'y nag-enjoy muna sila sa mall bago sila sasabak sa stress simula bukas.
Dumaan muna sila sa Starbucks at napag-usapan muna nila ang iilan pang bagay na gusto nilang malaman sa isa't isa.
"Alam mo Fren, We just broke up with my boyfriend last night." share ni Cathy kay Gwen.
"Ano? Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Gwen.
"I just found out in his social media account na may iba pala syang fini-flirt. I read their conversations at sobra talaga akong nasaktan. Hayop sya! Sarap nyang sapakin!" pagalit na sabi ni Cathy.
"Uy enough. Hindi naman sya kawalan sayo, eh andami namang mga lalake sa mundo. Hayaan mo na yun, unless? kung nagsisisi kang nakipag break ka sa kanya?" ani Gwen
"Uhmm....konti" sabi ni Cathy.
"See? ang rupok mo rin eh. Dahil.marupok ka, ikaw muna manglibre ngayon ha. hahahaha" sabi ni Gwen sa kaibigan.
"Okay fine. Ako nang marupok. Huhuhuhu" sabi ni Cathy. "Ikaw? kelan ka ba magkakaboyfriend ha?. para ikaw naman ang masaktan."
Tila nabulunan si Gwen nang di makasagot.
"Si sir mo ba? Ha? Ayieeee" kantyaw ni Cathy sa kaibigan.
"Uy, Cathy. Wag kang ganyan. Kumain ka na nga dyan" sagot naman ni Gwen sa kaibigan habang nakangiti na parang kinikilig.
BINABASA MO ANG
Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)
RomanceGwyneth Perrera, a simple girl from Cebu, who wants to seek opportunity - ang pumunta ng Maynila upang makapagtrabaho. Nang makarating ng Manila ay isang di inaasahang pangyayari ang dahilan upang makilala nya ang gwapo, pasensyoso, strikto sa umpis...