Chapter Nineteen

298 6 0
                                    


"Can you open your palms?" utos ni Sofia at ginawi rin ito ni Gwen.

"Okay. Pakidala nga ito sa loob. Medyo nabibigatan na kase ako. Kaya ikaw nalang magdala nyan sa loob. Okay?" utos ulit ni Sofia kay Gwen habang nagtataray ito sa harapan nya.

"Okay po." si Gwen na wala nang ibang magawa kundi sundin ang nais ng bisita habang nauna nang pumasok si Sofia sa mansion.



Sa loob ng mansion ay sinalubong ng malakas na boses ng pagbati sina Conchita at Eduardo habang nakaupo ito sa salas.

"Sofia?" sambit ni Conchita.

"Oh, Sofia. Naparito ka" sabi ni Eduado.

"Good morning tita! Tito!" bati ni Sofia sa dalawa habang nakipag beso-beso sa dalawa.






Habang sa kusina naman ay inilagay ni Gwen ang dalang cake sa mesa habang napatanong si Chona.

"Oh, kanino yan?" tanong ni Chona nang mapalingon sa salas at nakita nya si Sofia sa salas. "Ah, ang impakta pala nandito. Andito na naman yung specialty nya. Cake!"

"Tama nga kayo. Mukhang mataray." sabi ni Gwen.

"Sinabi mo pa" sagot ni Chona.







"Anong sadya mo't andito ka na naman Sofia? Kung si Christopher ang hinahanap mo, wala sya dito. Umalis" sabi ni Conchita.

"Uh. kayo ho talaga ang pinuntahan ko tita, tito. Para suyuin kayo. Alam kong napakasakit ng nagawa ko sa anak ninyu. I regret so much after ko nagawa iyon." sabi pa ni Sofia.

"Maari bang malaman kung bakit mo.iniwan ang anak namin, hija?" tanong ni Eduardo.

"I was very depressed at that time po tito, tita. Tumawag si mommy na nag-aagaw buhay na daw si dad after atakehin sa puso sa U.S., what I did is iniwan ko si Chris without any reason that I should let him know. Kinapalan ko na talaga ang mukha ko kahapon na bumalik pa rito. I hope you will give me a chance, tita? tito?" pagdadahilan pa ni Sofia sa dalawa habang nakakatinginan naman sina Eduardo at Conchita.

"Okay. We understand sa sitwasyon mo nun. And we feel bad sa nangyari sa daddy mo. How is he right now? Was he okay already?" ani Conchita.

"Yes po tita. he's fine now and he's doing very okay. " sabi ni Sofia.

"How's your mom?" tanong ni Eduardo.

"She's okay naman po tito. We're in good terms naman po ni mommy." sabi ni Sofia nang napatanong si Eduardo.

"Bakit? Nag-away ba kayo ng mommy mo?" tanong ni Eduardo.

"......Uh. Hindi po sa ganun. What I mean is, we're in good terms sa pag-aalaga kay dad. And I really have time to say sorry to the three of you that's why I came back here in Manila." explain pa ni Sofia.

"Uh, okay." ani Eduardo.

"I just brought something to eat tita, tito. I brought a cake!" si Sofia habang.papalapit sa kusina para kunin ang cake.


"Nasan ang cake?! Ang babagal naman talaga!" hinang sabi ni Sofia kay Gwen at Chona.

"Ito pong kutsilyo ma'am" si Chona na inabot bigla-bigla ang kutsilyo kay Sofia na sya namang ikinagulat nito.

"Ano ba? Do you want to kill me?" pagtataray  na naman ni Sofia.

"Gusto nyo po ba? hehehe joke lang po." dagdag pa ni Chona.

"Ikaw? maghanda ka ng juice. Bilis! naghihintay na sina Tito at Tita." utos ni Sofia kay Gwen.



Pagkatapos ay inihatid nina Chona at Gwen kay Eduardo at Conchita ang makakain nang biglang dumating si Chris.

"Sofia?" sabi ni Chris.

"Oh, andito ka na pala Chris. Gusto mo ng cake? Drinks? Ikaw, bigyan mo nga nga cake tsaka maiinom itong sir mo" utos ni Sofia kay Gwen.

Papunta na sana si Gwen sa kusina nang pigilan ito ni Chris.

"No, no. wag mong gawin Gwen. Hindi naman ako kakain eh. Tsaka didiretso na din ako sa kwarto." pagpipigil ni Chris kay Gwen.

"Okay po." sagot ni Gwen.

"Are you sure di ka kakain?" tanong ni Sofia kay Chris.

"Hindi." sagot ni Chris habang papakyat sa kwarto.

Tila nakaramdan ng pagkahiya si Sofia after nag walk out kaagad si Chris.

Nagkatinginan naman si Chona at Gwen sa nangyari at tila na- bad mood si Sofia dahil feeling nya'y napahiya sya.





Maya-maya pa, sa kusina ay inis na inis si Chona sa nangyari.

"Nakuuuuuu! Sarap talagang sabunutan ng babaeng yun talaga! " sabi ni Chona kay Gwen.

"Ate, relax lang. relax. ang Bp po baka tumaas" sabi ni Gwen habang napatawa para aliwin at alisin ang pagkainis nito.

"See? Nakita mo na kung gaano ka impakta ang babaeng yun!" sabi ni Chona.

Natigil naman ang kanilang usapan nang dumating si Manang Sita sa kusina dala ang mga pinamili nito.

"Anong nangyari dito ba't galit na galit ka dyan, Chona?" tanong ni Manang tapos ikinwento naman ni Chona ang nangyari kanina.








Naisipan ni Sofia na umakyat sa taas para puntahan sa kwarto si Chris. Kumatok sya at pinagbuksan naman sya nito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Chris.

"Hindi mo na ba talaga ako bibigyan ng chance, Chris? I am really sorry about what I did already. Can't you accept it?" sabi ni Sofia.

"Okay. I accept it. Okay ka na? Pinatawad na kita." diretsong sabi ni Chris.

"Pero--" sabi ni Sofia ngunit hindi ito natapos nang magsalita ulit si Chris.

"Ano pang gusto mo? Anh bumalik sa buhay ko? Na maging girlfriend ko ulit?" prangkang tanong ulit ni Chris.

"Oo. Mahal pa rin kita Chris. Mahal kita. Ayokong matapos ang meron tayo." mangiyak-ngiyak na sabi ni Sofia.

"Pwes. Hindi na kita mahal. Simula nung iniwan mo ko sa ere, galit ang ibang naramdaman ko para sayo!" sabi ni Chris habang patalikod ito kay Sofia.

"Alam ko na kung bakit ka nagkakaganito. Dahil may iba ka nang mahal!" sabi ni Sofia na sya namang ikinagulat ni Chris at humarap ito kay Sofia.

"What are you trying to say? na kasalanan ko pa ang lahat ng nangyari sa tin ngayon? ha?" ani Chris.

"Okay, gets ko na. May iba ka nang mahal tapos!" sabi ni Sofia. "Yung Gwen diba!?" dagdag ni Sofia na syang lalo pang ikinagulat ni Chris.

"Wag mong idamay ang ibang tao dito. Problema natin to! walang kasalanan dito si Gwen." sagot naman ni Chris.

"Oh! you look so defensive....Kasi totoo! " sabi ni Sofia.

"Wala rin namang patutunguhan itong pag-uusap natin. Makakaalis ka na." pakiusap ni Chris na umalis na si Sofia. "Alis!" dagdag ulit ni Chris.

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon