Chapter Twenty One

313 5 0
                                    


"Nasan ako?! Bakit nyo ko dinala rito?! Pakawalan nyo ko! Ano ba!" pasigaw na sabi ni Gwen sa dalawang lalake.

"Kahit ano pang sigaw ang gawin mo rito. Walang makakarinig sayo dito huy. Pasasaan ba't mag-eenjoy ka mamaya HAHAHAHA" sabi ni lalake 2 sabay tawa.














Pagdating ni Manong Ambo sa lugar na tinext ni Gwen sa kanya ay nagtaka sya kung bakit wala ang dalaga kaya tinawagan na nya si Chris.

Sir? Wala po si Gwen dito eh. Di pa ho sya nakarating dyan?" sabi ni Manong.

"Wala pa sya rito. Baka kung anong nangyari sa kanya." sabi ni Chris na nasa kabilang linya.

Pagkatapos nang mag-usap nina Chris at manong ay binaba na nya ang telepono.

Alalang-alala naman sina Chona at Tes sa narinig nilang pag-uusap sa dalawa.

"Tumawag na po tayo ng pulis sir. Baka kung ano nang nangyari kay Gwen." alalang sabi ni Chona.

Biglang sumagi sa isip ni Chris ang tangkang paggahasa sana ng dalawang lalake kay Gwen noon.

Binasa nya ang text ni Gwen tungkol sa address kung saan sana sya susunduin ni Manong Ambo.

Ngunit isang tawag ang natanggap nya. Unknown number ito at sinagot nya kaagad.

"Hello? Sino to?" tanong nya kaagad sa tumawag.

"Hinahanap mo bang babaeng to?" sabi ng lalake habang pinaparinig nya kay Chris ang sigaw na 'tulong' ni Gwen.

"Gwen!?" tanging sambit ni  Chris na sya namang ikinagulat ni Conchita at lumapit na sya sa anak.

"Kung gusto nyo pang makitang buhay itong babaeng to. Magdala ka ng Dalawang milyong piso dito. Ite-text ko sa yo ang address. Walang pulis o sino man. Ikaw lang!" sabi pa ng lalake sabay baba agad ng telepono.

"Hello?! Hello?!" sigaw ni Chris.

"Son? What's happening? Sino yung tumawag parang galit na galit ka." alalang sabi ni Conchita.

"Gwen was kidnapped. We need to rescue her mom." sabi ni Chris sa ina.

"Ano?!" gulat na sabi ni Conchita.














"Alam mo, napakaswerte naming nakita ka namin ulit. Ginawa namin to para makaganti dyan sa boss mo." sabi ng lalake kay Gwen.

"Pano nyo nalamang nagtatrabaho ako sa taong nagligtas sa kin nun?" tanong ni Gwen.

"Natural! Minamanmanan ka namin. Tama ng satsat. Tumahimik ka! Parating na ang boss mo dala ang pambayad nya samin" sabi ni lalake 1.















Nakarating na nga si Chris sa lugar kung saan tinext ng kidnapper. Papasok pa lamang sya sa kanto kung saan ang daan patungo doon ay may nakasalubong syang pamilyar na sasakyan galing doon.

Hindi na nya ito inisip at pinuntahan na nya kaagad ang lugar.













"Andito na pala si sir mo" sabi ni lalake 2 nang papasok na Chris sa abandonadong lugar at hawak-hawak nila ang dalaga.

"Ano pang ginagawa nyo? Pakawalan nyo na sya!" sabi ni Chris.

"Ilapag mo ang pera! Ngayon na!" pagalit na sabi ni lalake 2 at sinunod naman ito ni Chris.

"Halika! Lumapit ka rito. Kunin mo tong babaeng to!" utos ni lalake 1.

Papalapit  na sana si Chris nang namumukhaan nya ang mukha ng mga ito.

"Teka? Kayo yung...." ani Chris.

"Oo. Ginawa namin to para maghigante sayo!" sabi ni lalake 1.

Walang anu-ano'y sinapak kaagad ni lalake 2 si Chris. Dumepensa naman kaagad si Chris kaya nagsuntukan ang dalawa. Tanging "tama na!" ang naisigaw ni Gwen.

Sumunod naman ang tunog ng ng sirena ng ambulansya at nagdesisyong aalis ang dalawa ngunit napigilan sila mga pulis.

"Lintik! Tara na! Tumakas na tayo." sabi ni lalake 1.

Tatakas sana ang mga ito at agad naabutan sila ng mga pulis. Pinosasan kaagad sila at ikinulong sa presinto.

"Salamat Sir!" si Gwen na napayakap bigla kay Chris at napangiti naman ito kahit may pasa.







Nung dumating na sa mansion sina Chris at Gwen, sinalubong sila kaagad ng lahat.

"Son! Are you alright?" sabay akap sa anak.

"Yes mom. Ang importante, ligtas kaming dalawa ni Gwen."

"Naku. Marami na talagang mandurugas ngayon!  Nahuli ba sila?" tanong ni Conchita

"Yes mom. Nasa presinto na sila ngayon."

Habang si Gwen nama'y inaalalayan nina Manang, Chona, at Tes.

"Ano?! Sila yung muntik nang gagahasa sayo noon? Nung iniligtas ka ni sir?" gulat na tanong ni Gwen.

"Yes po. Sobra-sobrang papasasalamat ko talaga kay sir. Ilang beses na nya akong iniligtas sa kapahamakan." sabi ni Gwen habang nakatingin kay Chris.













Medyo malalim na ang gabi at hindi pa rin makatulog si Chris. Nasa terrace pa sya habang nagpapahangin at may iniisip. Naisipan nyang bumaba para pumunta sa kusina upang kumuha ng baso at wine na maiinom at yun nga'y nakita sya ni Gwen.

"Uh, sir? pwede po ba kayong makausap?" sabi ni Gwen.

"Sige. Dun tayo sa terrace mag-usap." sagot naman ni Chris.

"Sige po." sagot naman nya.

















At doon nga nag-usap ang dalawa sa terrace. Sinabi na kaagad ni Gwen ang nais nyang sabihin.

"Uh, sir. Maraming salamat po talaga sa pagligtas nyo po sa kin kanina. Utang ko talaga sa inyu ang buhay ko. Ilang beses nyo na akong iniligtas sa kapahamakan. Medyo nahihiya na nga ako sa inyu eh. Sa inyu ng parents nyo." sabi ni Gwen.

"I appreciate your gratitude, Gwen. Isa din sa tungkulin ng amo ang ilagay sa mabuting kalagayan ang mga nasasakupan nya. Hindi na ibang tao ang turing ko sa inyu dito sa bahay. Parang pamilya ko na rin kayo lalo na nung wala sila mommy't daddy dito sa Philippines." sabi naman ni Chris.

"Sa susunod po, mag-iingat na po talaga ko. Hindi ko lubos maisip na, mangyayari ulit sa kin yung nangyari sa'kin noon." anang Gwen.

"At nagpapasalamat naman ako dun" sabi ni Chris  na syang ikinagulat ni Gwen.

"Ho? Bakit nyo po nasabi yan?" tanong ni Gwen.

"Kung hindi sana nangyari sayo yung nangyari sayo noon, hindi kita makikilala" sabi ni Chris habang ininom na nya ang pang-siyam na basong wine.

"Ay hehehe. Oo nga po. Coincidence na po eh. Kung hindi nyo rin ako iniligtas, hindi ko rin ho malalaman na heartbroken kayo ng mga panahon na yun hehehe" sinabayan na lang ng tawa ni Gwen nang biglang napalapit ang mukha ni Chris malapit din sa mukha ni Gwen at ito'y napanlaki ng mga mata ng dalaga.

"Ngunit simula nun, nawala ang sakit ng naramadaman ko nung unti-unti na kitang nakikilala Gwen." sabi ni Chris.

"Uh, Ano pong ibig nyong sabihin
sir----?" hindi na sya nakatapos ng sasabihin nang bigla syang hinalikan ni Christopher!!!







SPEECHLESS.....

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon