Chapter Nine

332 5 0
                                    

Pagbaba ni Chris sa hagdanan ay tila walang ingay syang narinig.

"Manang? Ate Chona? Ate Tes? Gwen?" sambit nya.

At isang sopresa bumuluga sa kanyang harapan galing sa ilalim ng sofa sa salas. Doon pala sila nagtatago. Medyo may pagkalaki ng sofa kaya doon nila naisipang magtago.

"Happy Birthday!" sabi ng lahat.

"Happy Birthday sir!" bati ni Gwen sa amo.

"Salamat Gwen."sagot naman ni Chris.

"Happy Birthday Tope!" bati naman ni Manang.

"Salamat manang."

At bumati na din lahat ng kasama sa bahay.

Naging abala ang lahat para ipaghanda ang kanilang natatanging amo.

"Alam mo Tope. Gumising talaga ako ng maaga para naman makapamalengke. Siyempre hinding-hindi ko makakalimutan ang birthday mo. Buti nga't pinaalala nga sa kin ni Gwen kagabi nung nagkasalubong kami sa baba." sabi naman ni manang ng biglang tumingin si Chris kay Gwen na abala rin sa kabilang stall sa kusina.

At tanging ngiti lang ang nasa labi ni Chris nang tingnan nya ang dalaga.

Pagsapit ng tanghali ay sabay-sabay silang nananghalian. Pinagsaluhan nila ang mga inihanda ni manang.

Sumapit na ang gabi at nagkakasiyahan naman sila sa salas at itong si Chona naman ay may naisipan.

"Magkaraoke naman tayo sir. Ganyan kami sa probinsya namen eh. Pag may okasyon, kinakantahan talaga namin ang birthday celebrant" suhestiyon naman ni Chona.

"Okay. Sige ba." sagot ni Chris na sya namang ikinatuwa ng lahat.

Maya-maya pa't nagsimula na silang magkantahan. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay biglang tumawag ang mommy't daddy ni Chris. At napalingon naman si Gwen sa kanya.

Pagkatapos kumanta ni Chona ay ipinasa nya ang mikropono kay Gwen.

"Oh Gwen, ikaw naman. kanina ka pa hindi kumakanta. Parinig naman ng boses mo" sabi ni Chona.

"Hindi naman maganda boses ko ate Chona eh. ikaw talaga" sagot naman ni Gwen.

"Sige na, ini-echos mo naman kami eh" sabi ulit ni Chona.

"Pss..ate Cho--" sabi ni Gwen ng hindi sya nakatapos na makapagsalita nang may sinabi si Chris.

"Sige na Gwen. Para sakin" sabi ni Chris na syang nagpalingon ng lahat sa kanya. "I mean, para sa'kin dahil birthday ko ngayon, di ba?"

"Oh see, si sir na nagpumilit sayo ,sige na, kanta na" hirit ni Chona.

At sa sinabing iyon ni Chris ay napilitang mapakanta si Gwen.

Kinanta nya ang kantang "Terrified".

Sa isang linya pa lang ng kanta ay napahanga na ang lahat sa kagandahan ng boses ni Gwen.

"Tignan nyo na. Di daw maganda boses nya oh." tawang-tawang sabi ni Chona.

At bigla namang nakangiti si Chris na tila namangha o sabihin na nating 'na inspired' sa kanta ni Gwen. At nakita naman ito ni Gwen.

Hanggang sa natapos ang kanta at pumaklakpak ang lahat.

Kasabay nito ay ang pagdating ni Manong Ambo dala ang mga liquor drinks.  May dala din naman syang 'light drinks' para sa mga girls.

"Uy, andito na pala si Ambo!" sabi naman ni Tes.

Isang napakahabang gabi nang matapos ang selebrasyon sa mansyon. Medyo nakainom din si Chris kaya't medyo kaya pa nyang pumunta sa kwarto. Nakabulagta sa sofa sa kalasingan sina Chona, Tes, at Manonh Ambo. Medyo nakainom naman si Manang pero hindi ito masyadong nalasing.

Si Gwen naman ay walang mainom dahil hindi naman ito sanay simula pa nung nasa probinsya pa ito.

"Uh, Gwen? Mukhang hindi na kaya ng sir mo na umakyat mag-isa sa taas. Samahan mo nalang sya ulit ha" utos ni manang kay Gwen na tila may pag-aalinlangan. At wala syang magawa kundi sumang-ayon nalang.

"Okay ho manang." sagot naman ni Gwen.

Pag-akyat naman nila Gwen at Chris ay tila nahihirapan si Gwen dahil sa itoy mabigat.

"Pagpasensyahan mo na Gwen." lasing na sabi ni Chris.

"Okay lang po sir. Trabaho ko naman hong pagsilbihan kayo" sagot naman ni Gwen.

Nang makarating na sila sa kwarto, si Gwen na mismo ang nagbukas ng pinto.

"Andito na po tayo sir " ani Gwen.

"haysshhh...sa wakas" sabi naman ni Chris.

Tutungo na sana sila sa kama ng hindi na nakayanan ni Gwen ang bigat ng syay napahiga sa kama, syay napailalim at pumaibabaw naman si Chris.

"......sir?" tanging sambit ni Gwen.

"anong nangyari?" sagot naman ni Chris na papikit-pikit na ang mata.

"Wait, teka ho " si Gwen na tila nahihirapan sa sitwasyon.

"Gwen?" biglang napatanong si Chris.

"Sir?"

"Alam mo? Gusto ki----" si Christopher na hindi na natuloy ang sasabihin ng bumigay na ito at bigla nalang napatulog.

Tinulungan nalang ni Gwen na ayusin si Chris sa higaan nito.

............

Kinabukasan....

Nagtawanan ang lahat nang matalakay nila ang nangyari nung gabi ng selebrasyon. Hindi akalain ni Chona, Tes, at Ambo na sa sofa na sila nagising.

Nakababa na si Chris galing hagdanan ng madatnan nyang nag-uusap-usap ang kanyang mga kasamahan sa mansion.

"Oh sir. Gising na ho pala kayo. " bati ni Ambo kay Chris.

"Medyo, marami-rami tayong nainom.kagabi ah" sabi ni Chris.

"Aba'y oo nga po eh. Si Gwen lang naman ang nakasaksi sa mga nangyayari kagabi nung nalasing tayo HAHAHA" sagot naman ni Ambo.

"Nasan nga pala si Gwen?" tanong ni Chris.

"Nasa kwarto pa ho sir. Hindi pa ho gumigising. Gisingin ko na ho ba?" sabi ni Tes.

"Wag, wag na. Baka pagod yun kagabi." pagpigil ni Chris kay Tes.

"sige ho." ani Tes.

"Eh si manang?" tanong ulit ni Chris.

"Nasa kusina po, nagluluto." sagot naman ni Chona.

"Okay, sige."

Matapos magbihis at kumain ay pumunta na nang opisina si Chris.

Habang si Gwen naman, kakagising lang naman nya. Pagkagising palang nya ay naalala nya ang mga nangyari kagabi lalong lalo na ang nangyari doon nung inihatid nya sa kwarto si Chris.

Palaisipan sa kanya at bumabagabag sa kanyang isipan ang sinabi ni Chris sa kanya na naudlot. Ngunit tumayo na lamang sya para sa bagong araw.

Sa opisina, unang bisita uli ni Chris si Demy. Humingi ito ng paumanhin dahil hindi ito nakarating sa kanilang selebrasyon kagabi dahil may Family dinner sila kasama ang kanyang magiging fiancee.

Ikinwento din ni Chris ang nangyari kagabi lalo na yung eksenang nangyari sa kanila ni Gwen nung inihatid sya nito sa kwarto. Bigla kasi nya itong naalala sa kabila ng kanyang hangover.

"Wait, you mean gusto mo sya?" diretsahang tanong ni Demy sa kaibigan.

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon