Papalakad na si Gwen kasama ang batang si Toto habang papauwi sa kanila. Pero sa di kalayuan malapit sa bahay nila ay wala na ang mga ito. Ilang saglit pay nakit nyang nakabukas ang bahay nila, at tila pinapapasok na ang mga ito.
"Gwen?"
"S-sir?" sabi ni Gwen na gulat na gulat nang makitang si Chris pala at.....
"Anak?"
"Inay?" sabi ni Gwen na gulat na gulat din nang makita nya ulit ang ina.
"Agad napayakap si Chris kay Gwen, at ginantihan din sya ito ng yakap.
"Inay" si Gwen at niyakap nya rin ang ina.
Maya-maya pa'y dumating na sina Lanie at si Baste na nagulat sa nakita nila.
"Ikaw na ba yan nay?" tanong ni Lanie na naka uniporme pa galing skwelahan habang nagsimula nang umiyak.
"Lanie, anak? halika. Andito na ang nanay" si Beverly habang napaiyak na rin.
"Sige na anak. lapitan mo nang nanay mo" sabi pa ni Baste.
At nagyakapan na nga ang dalawa at tila napaiyak naman ang lahat sa nakita nila.
Pagkatapos nang eksena nila ay agad nag-usap sa salas sina Beverly at Baste.
"Kamusta ka na?" bati pa ni Baste.
"Okay lang naman ako. Ikaw? kamusta ka?" sabi ni Beverly.
"heto. Medyo matanda na." sagot ni Baste habang napatawa at gayun din si Beverly.
"Andaming nangyari noh? sobra akong nagpapasalamat sayo. Pinalaki mo nang maayos ang mga anak natin kahit na......kahit wala ako sa tabi nila" sabi ni Beverly.
"Okay lang yun. Papel ko naman bilang ama ng mga anak natin." sabi ni Baste.
"Patawarin mo sana ako, kung naging duwag ako sa pamilya natin. Patawad talaga Baste " si Beverly na nagsimula nang umiyak.
"Wag mong sabihin yan. Hindi mo naman kasalanan ang naging kapalaran ng pamilya natin. Siguro may dahilan ang Diyos kung bakit nangyari satin ito. Tingnan mo ngayon, nasa sayo na ang lahat. Ang lahat na hindi ko kayang maibigay sayo noon." sabi ni Baste.
"Wag mong sabihin yan, baste. Kailanmay minahal din naman kita. Minahal ko ang kung anong meron ka noon." ani Beverly.
"Mapaglaro talaga ang tadhana kaya nangyari satin ito" ani Baste.
"kung di ko sana pinairal ang galit ko at nakinig ako sa tama ay hindi mangyayari satin ito." sabi ni Beverly.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Baste.
"Alam ko na ang lahat. Ang lahat na ang dahilan kung bakit naging ganito tayo ngayon. Tumawag sakin si Segunda tungkol sa totoong nangyari. Sobra akong nagsisisi sa ginawa ko noon. Parang gusto kong malunod sa sarili kong mga luha nung sinabi nya sakin ang lahat-lahat." sabi ni Beverly.
"Ako rin. Alam ko na rin ang lahat mula pa noon, Beverly." sabi ni Baste.
"Ano? bakit.... Bakit mo tinago ang lahat?" ani Beverly.
"Dahil ayokong magulo ulit ang binuo mong bagong pamilya. Iniisip ko na lang ang kapakanan ng mga anak natin nung mga panahon na yun." sabi ni Baste.
"Baste, " si Beverly na bigla namang napatayo sa kinauupuan at niyakap si Baste. "Patawad" dagdad pa nya habang umiiyak.
"Ayos lang yun. Mabuti na rin naman ang ating kalagayan, kaya sapat na saking okay na ang lahat" tanging sambit ni Baste.
"Namiss kita" sabi ni Chris kay Gwen habang nakaupo sila sa isang upuan sa Plaza Independencia.
"Ako rin po sir." sagot ni Gwen.
"Akala ko hinding-hindi na kita makikita pa, kaya naisip ko walang imposible kapag mahal mo ang isang tao. Hahanapin at hahanapin mo talaga ito" si Chris habang nagkatinginan silang dalawa.
"Akala ko nga po sir, nung una tayong nagkita ay katapusan na ng buhay ko, pero hindi pa pala. Dahil niligtas mo ang buhay ko. Hindi lang isang beses, kundi marami." sabi ni Gwen.
"Kaya ko ginawa ang lahat ng iyon ay napagtanto ko sa sarili ko na may babaeng nagpapatibok na muli ng puso ko, walang iba kundi ikaw." sabi ni Chris. "Naalala mo nung nalasing ako, nung inihatid ko ako sa kwarto, bigla akong napadulas sa sasabihin kong, mahal kita. Naalala ko na ang lahat ng nangyari kaumagahan ng sumunod na araw. "
At tanging ngiti ang sinukli ni Gwen kay Chris.
"Hindi ko akalaing, sayo ko pala matatagpuan ang tunay na pag-ibig Gwen. " dagdag pa ni Chris.
"Ako rin po sir. Nakakahiya nga pong aminin na, gusto ko rin kayo noon pa. Pinilit kong ikubli ang nararamdaman ko, ngunit hindi ko pala kayang itago ito habang buhay. Masakit para sakin na iwan ka sa Maynila, pero iniisip ko nalang na na para ito sa pamilya ko ang ginagawa ko." sabi ni Gwen.
"Wag mo na akong tawaging "sir". "Christopher" na lang." sabi ni Chris.
"Hihihi. Okay, Christopher." si Gwen na medyo naiilang sa sinabi nya.
"Kaya tatanungin na kita ngayon sa pagkakataong ito" sabi ni Chris nang bigla itong tumayo sa kinauupuan para lumuhod sa harapan ni Gwen at kinuha nito ang palad ng dalaga.
"Ano pong ginagawa ninyu? Nakakahiya sa mga tao oh. Nakatingin sila lahat sa atin." sabi pa ni Gwen.
"Wala kong pakialam sa kanila Gwen. itatanong ko na sayo to" sabi ni Chris.
At tila napangiti na parang naiilang naman si Gwen.
"Ms. Gwyneth Perrera, soon to be Mrs. Montefalcon, will you be my girlfriend?" tanong ni Chris habang nakaluhod.
"Ayiiieeeeee!" sigaw ng mga tao.
"Sugta na nah miss! (sagutin mo nayan miss!)" sabi pa ng isang lalake sa gilid at bahagya namang napangiti si Chris.
At nag 'ayieeeee' shout-and-look na nga ang mga taong nakakita sa kanila.
Bahagya namang napangiti si Gwen at ilang segundo pa'y sumagot na sya.
"Yes! "
"Talaga?"
"Oo, oo, oo Attorney Christopher Montefalcon, sinasagot na kita. Tayo na" sabi ni Gwen.
"Talaga?"
"hundred percent YES!" sigaw ni Gwen.
At napasigaw naman ng todo ang mga tao.
Nang dahil sa sobrang tuwa na nadama ni Chris at napayakap sya sa dalaga.
"Kiiissss! Kisssss!" sigaw ng mga tao.
"Pano ba yan. Sila ang nag request" kwelang sabi ni Chris.
"Naku, Kayo po talaga!" sagot rin naman ni Gwen.
"Kissss! Kisssss!" sabi ulit ng ibang nanonood sa kanila.
At napapikit si Gwen at sinabing...
"Ayusin nyo po. First kiss ko po to!" sabi ni Gwen na parang kinikilig.
Walang anu-ano'y na istatuwa sya ng konti nang maramdaman nyang dumampi na pala sa labi nya ang labi ni Chris!!
BINABASA MO ANG
Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)
RomanceGwyneth Perrera, a simple girl from Cebu, who wants to seek opportunity - ang pumunta ng Maynila upang makapagtrabaho. Nang makarating ng Manila ay isang di inaasahang pangyayari ang dahilan upang makilala nya ang gwapo, pasensyoso, strikto sa umpis...