Chapter Eighteen

301 6 0
                                    


"I'm so sorry tita. I'm so sorry sa inyu ni tito, lalong lalo na kay Chris." sabi pa ni Sofia na mangiyak-ngiyak na at alam din nila Tes at Chona na nanood sa gilid na umaarte lamang ito para kaawaan.

"Stop it. You're done here. Just get out. I don't want to see you right now. Get out!" galit na galit na sabi ni Conchita.

"Sige na Sofia. Umalis ka na. Baka kung ano pang mangyari kay mommy." tugon ni Chris kay Sofia at tila sumunod naman ito.

Paglabas ng mansion ni Sofia ay napasilip sya sa gilid nina Gwen, tiningnan nya ito ng masama. Umalis na rin ito kalaunan.










Maya-maya pa'y bumaba ng hagdanan si Eduardo at nakita nya sina Chris na inaalalayan ang mommu nito. Andun din malapit sa kanila sina Gwen at Chona para umalalay din.

"What happened?" tanong nya sa mga ito.

"Sofia came here kanina. Ang kapal ng mukha nya para magpakita pa rito after what she did to our son?! Buti't nasampal ko lang sya." galit pa rin na sabi ni Conchita sa asawa nito.

"Just calm down, okay? Maayos din ang gusot na ito nina Chris. Kumalma ka nalang muna baka tumaas pa yang BP mo" sabi ni Eduardo sa asawa habang hinimas-himas nito ang likod ni Conchita.

"Uh, Ate Chona. Pakihatid nalang muna si mommy sa taas para makapagpahinga sya sandali."utos ni Chris kay Chona.

"Okay po sir."Sagot ni Chona sa amo. "Halina po kayo madam. Ihahatid ko na po kayo sa taas"

"Uh, Gwen. Pwede ka munang magpahinga baka pagod ka " concern na sabi ni Chris kay Gwen.

"Uh, okay lang po ako sir. Wag po kayong mag-alala" si Gwen na papatayo na dala ang baso na ginamit ni Conchita habang si Eduardo naman ay nakikinig lang sa kanila.

"Sigurado ka?" tanong nito.

"Yes po. Sige po. " sabay paalam nya kay Eduardo at Chris.

At napaiwan naman sina Chris at Eduardo at may sinabi ito sa anak nya.

"Alam mo anak. May napapansin ako sayo " tanong nya sa anak.

"Ano po yun dad?"

"Pag kausap mo si Gwen, nag-iiba ang tempo ng mukha mo." sabi ni Eduardo dahilan upang hindi makasagot si Chris.

"Alam mo, anak kita. Pansin kong nararamdaman mo. Nagkakagusto ka na sa kanya? Huwag mong sabihing hindi eh, matagal na rin kayung nagkakasama rito." sabi ni Eduardo sa anak.

"Alam mo dad. Iwan na muna kita dyan ha. May gagawin pa ako." iwas nyang tanong sa ama.

"Okay, sige" sabi ni Eduardo habang nakangiti.










Dugs...Dugs...Dugs...Dugs...Dugs...


"Isa pang shot kuya!" sabi ni Sofia sa bartender na  parang lasing-lasing na kakainom sa bar.

Pagkatapos nyang mainom ang ni-request nyang isang shot ay biglanga may lalaking tumabi sa kanya para uminom din at parang nakilala nya ito.

"......Demy? Ikaw ba yan?" tanong nya.

"W-wait, Totoo ba tong nakikita ko? Sofia ikaw ba yan?" si Demy na gulat na gulat na makita si Sofia dahil hindi nya ito in'expect na makita nya ito ulit.

"Of course! Ako to. Si Sofia. Your bestfriend's fiancee." sagot nya.

"Oh, nakabalik ka na pala. Wait, nagkita na ba kayo ni Chris?" ani Demy habang ininom nya ang iniabot sa kanya ng bartender.

"Oh yeah. I didn't expect sa nangyari kanina. They very upset to me. Para bang laki-laki ng kasalanan ko sa kanila." sabi ni Sofia habang pansin ni Demy na lasing na lasing na ito.

"...buti nga sayo" hinang pagsabi ni Demy.

"Anong sabi mo?" tanong nya.

"Uh, hah? Wala, wala. Uhm, kanina ka pa ba dito? Eh ang lakas na ng tama mo" biro nya kay Sofia.

"I'm here to enjoy! To enjoy Manila, again! , wait, kamusta na kayo ng girlfriend mo?" tanong nya.

"Uh, she's my fiancee now." sagot ni Demy.

"Oh! congratulations Demy! i-celebrate natin yan! Woah!" pasigaw na sabi ni Sofia habang may konting steps nga sayaw na dala.

Hanggang sa lasing na rin si  Demy at sinabayan na din ang kalasingan ni Sofia.

"Ano bang nangyari sa kaibigan mo Demy? Hindi nya na ba ako mahal? Kung maka reject sya sakin" si Sofia na halos mangiyak-ngiyak na habang lasing.

"Alam mo, hindi naman kase biro yung ginawa mo sa kanya. Iniwan mo sya sa ere. Siyempre, matindi rin ang galit nya sayo." sagot ni Demy na lasing na din.

"Patay na patay nga sya sakin nun eh. Baka naman may ibang babae na syang gusto." tanong nya kay Demy.

"Aba'y oo naman noh. Sa gwapo ng bespren ko. May magkakagusto talaga dun. hehehe" sagot nya na ikinagulat ni Sofia.

"Ano!? Sino! Sino! sabihin mo sakin,  Demy." medyo galit na tono na pananalita na si Sofia.

"Feeling ko lang, may gusto sya sa ......" si Demy habang abang na abang si Sofia sa sagot nya.

"Sino?" tanong ulit ni Sofia.

"Eh di yung magandang babae sa mansion nila." sagot ni Demy na lasing na lasing na.

"Ano----" hindi na natuloy pa ni Sofia ang sasabihin nang tumawag bigla ang fiancee ni Demy sa phone.

"....okay sige. uuwi na ako. Love you." huling mga katagang sinabi ni Demy habang pababa ng phone.  "Mauna na ako sayo, Sofia. Hinahanap na ako ng mahal ko. Bye! Mag-ingat ka.

"Okay. sige." si Sofia habang papalabas na ng Bar si Demy.

"Mukhang kilala ko na ang babaeng kinahuhumalingan ni Chris ngayon. Humanda ka sa'king babae ka." - ani Sofia sa isipan nya.











Gabi na't nag-uusap pa sa kanilang kwarto sina Chona, Tes, at Gwen. Pinag-usapan nila ang nangyari kanina.

"Naku, grabi talaga ang babaeng yun! Buti nga sa kanya na tuluyan na syang  hiniwalayan ni sir." sabi ni Chona.

"Oo nga. Simula pa lang. Ayoko na talaga sa ugali nun. Kung makaasta, parang totoong asawa na talaga sya ni sir " dagdag pa ni Tes.

"Ganun po ba. Nakakatakot naman pala yung Sofia na yun" sabi ni Gwen.

"Wag kang matakot ano. Pag bumalik yun dito at nanakit ng isa sa atin, baka ano pang magawa ko sa kanya." sabi ni Chona.

"Sige na. Matulog na nga tayo't may gagawin pa tayo bukas." sabi ni Tes.

At pagkatapos ng kanilang usapan ay natulog na ang tatlo.














Alas 9 ng umaga nang bumalik si Sofia sa mansion. Nagdala ito ng cake para ibigay kay Chris tsaka sa mommy't daddy nito. Pagpasok palang nya ay unang nakita ng kanyang mga mata ay si Gwen na nasa garden na nagdidilig ng halaman.

"what a coincidence! sya na kaagad nakita ko. Ikaw lang pala ang papalit sa'kin nsa puso ni Chris!" - sabi ni Sofia sa isipan nya.

Gayunman ay  lumapit si Gwen kay Sofia.

"Hello, Good morning po ma'am. Si sir ho bang kailangan ninyu? Teka lang ho. Tawagin ko muna sya." si Gwen nang papasok na sana sya nang biglang may sinabi si Sofia.

"Oh wait. Halika dito." sabi nya.

"Bakit po?" tanong ni Gwen habang papalapit kay Sofia.









Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon