"Wait, what? Sa Cebu?" gulat na tanong ni Cathy.
"Yes, fren. Gusto ko munang umuwi at sabihan sina itay at lanie sa personal." sabi ni Gwen.
"Pero, papano ang studies mo? Kung aalis ka?" nag-aalalang tanong ni Cathy.
"Aabsent lang ako ng 1 week. Babalik din ako." sagot naman nya.
"Pero paano si sir mo? Bago lang syang nagtapat sayo, iiwan mo na kaagad sya." sabi ni Cathy.
"Hindi ko na muna iisipin ang mga bagay na yan, Fren. Aayusin ko na muna ang pamilya ko." sabi pa ni Gwen.
"So kailan ang balak mong pag-alis?" anang Cathy.
"Samahan mo kong bumili ng ticket ng eroplano ngayon fren. May malaki-laki rin akong naipon. Yun nalang ang gagamitin ko." ani Gwen.
"Sige. Kung ganun. Uwi muna tayo sa bahay" sabi ni Cathy habang pumara na sila ng taxi. Hindi sila napaghatid ng kotse dahil ng leave muna sa trabaho ang driver nina Cathy.
Alas 3 ng hapon ng nasa bahay nina Cathy si Gwen. Pumasok sa guest room si Cathy kung saan andun si Gwen para ipaala na
"Fren? Nasa baba si sir mo" sabi ni Cathy na sya namang ikinagulantang ni Gwen.
"What? Anong ginagawa nya rito?" anang Gwen.
"Gusto ka raw nyang makausap sandali" sagot naman ni Cathy at sumunod na sa kanya si Gwen para bumaba galing sa kwarto nito.
"Si, sorry po kung umalis ako ng condo at hindi na po ako nakapagpaaalam" sabi ni Gwen habang nasa garden sila nag-usap sa bahay nina Cathy.
"Hindi ka pa ba babalik sa mansion?" tanong ni Chris.
"Sa ngayon po, magle-leave na po muna ako sa trabaho. May aasikasuhin pa po kase ako. Okay lang po ba?'" tugon ni Gwen.
"Ano ba'ng aasikasuhin mo? Tutulungan kita." sabi ni Chris.
"Hindi na po kailangan sir. Sobra-sobra na po ang tulong na ibinigay ninyu sakin. Napakalaki na po ng utang na loob ko sa inyu." sabi ni Gwen.
"Gusto kang pauwiin ni mommy't daddy sa mansion. Ayaw mo bang sumama sakin?" tugon ulit ni Chris.
"Sa ngayon po sir. Ayoko na po munang may madamay pa sa problema kung ito. Sana po maintindihan niyo po sir." sabi ni Gwen nang bigla syang niyakap ni Christopher. "....sir"
"Please. Wag ka munang bumitaw. Namiss kita kaagad habang simula nung umalis ka. Mahal kita Gwen." si Chris habang hindi pa niya pinakawalan ang pagkayakap nya sa dalaga.
Pagkatapos ng kanilang yakapan ay may sinabi si Gwen.
"Sige po sir. Papasok na po ako sa loob. Salamat sa pagdating niyo po rito. Mag-ingat po kayo sa pag-uwi" tanging sabi ni Gwen habang papasok na nang bahay.
"Where are you going mom?" tanong ni Sofia nang makita nya si Beverly na nakaayos at tila may pupuntahan.
"Pupuntahan ko na muna si Gwen. Ang anak ko. Ang kapatid mo." sabi ni Beverly.
"What? Hindi ko sya kapatid. What are you saying?" sabi pa ni Sofia.
"Oo hindi kayo magkadugo, pero parehas ko kayong itinuring na anak." sagot naman ni Beverly.
"But mom.." hindi na nya natuloy ang sasabihin nang tuluyan na itong umalis. "tsk ."
"Wala sya dito?" tanong ni Beverly kay Conchita. Nasa mansion sya ngayon nina Chris para puntahan si Gwen ngunit wala ito doon..
"Yes. Wala din sya sa condo na pansamantala nyang tinutukuyan after the party kagabi." sagot ni Conchita.
"Okay. thanks you Conchita and Eduardo. Babalik ako dito. Basta tawagan nyo ako kaagad kung andito na ulit ang anak ko." sabi ulit ni Beverly.
Papalabas na sana ng mansion si Beverly nang makasalubong nya si Chris.
"Tita?" tanging sabi ni Chris.
"Chris... " sagot naman ni Beverly na tila may namumuong lungkot sa mukha.
"Mauna na ako." sabi ulit ni Beverly habang papaalis nang natigilan sya sa paglalakad nang may sabihin si Christopher sa kanya.
"Si Gwen ba ang hinahanap nyo?" tanong ni Chris at pagtango lang ang naging tugon ni Beverly.
"Inay!" sabi ni Gwen habang niyakap ang anak.
"Gwen, anak!" at napayakap naman si Beverly nang mahigpit sa anak na matagal na nyang hindi nakikita.
Nasa garden sila ngayon na nag-uusap mag-iina.
"Maupo po muna kayo..." offer ni Gwen sa ina. 'Papano po kayo napunta dito?"
"Galing kase ako kina Christopher. Hinanap kita, pero wala ka pala dun. Nakasalubong ko sya at sinabi nya sa akin kung nasan ka ngayon." ani Beverly.
"Kumusta ka anak?" tanong ni Beverly.
"Okay lang po ako, Nay. Pinuntahan ko po kayo kanina sa bahay ninyu. Kaso hindi kami pinapapasok ni Sofia." pagtatapat ni Gwen sa ina.
"Ano? kaya pala, may narinig akong nagsisigawan sa labas, akala ko kung sino" sabi ni Beverly habang napatahimik sandali si Gwen na tila may gustong-gusto itong itanong.
"anak nyo po talaga si Sofia?" tanong nya sa ina.
"ah...sasabihin ko sayo ang lahat-lahat ng nangyari." ani Conchita habang ikinwento nya ang nangyari sa kanya noon. " Limang taon gulang ka palang noon, at tatlong gulang palang ang kapatid mong si Lanie nang lumipad ako ng America para magtrabaho bilang OFW. Masakit sa loob ko na iwan kayo pero kailangan kong kumita ng pera. Nung nasa Amerika na ako. Naging amo ko ang bago kong napangasawa ko ngayon. Si Mark Knowles. Kaya ko nagawa iyon dahil minsan ko nang kinamuhian ang ama ninyu. Nalaman ko na may ibang babae daw ang tatay ninyu. May nagpadala sa kin ng sulat doon sa Amerika, ang kapatid kong si Segunda. Sobra akong nalungkot kaya, napilitan akong pasakasalan si Mark. Isang big time businessman si Mark sa U.S. pati na rin dito sa Pilipinas. Minsan na kaming umuwi dito sa Pilipinas para bisitahin kayo, kaso naging duwag ako. Hindi kaya ng konsensya kong magpakita pa ulit sa inyu matapos ko kayong iwan. At dahil dun, nag stay kami sa Manila ni Mark for 2 weeks after kami dumating dito at nakita namin somewhere si Sofia sa daan, naging pulubi sya sa daan, at naawa ako sa kanya kaya akong nang nagkupkop at kalauna'y inampon na namin sya ni Mark. Kaya ko sya kinupkop dahil naaalala ko sya sa inyu ni Lanie. At pagkatapos nun, sa Amerika na lumaki si Sofia." pagtatapat ni Beverly.
Habang napaiyak naman si Gwen dahil sa narinig nyang kwento galing sa kanyang ina. Tila parang nadurog ang puso nya nung marinig nya galing sa kanyang ina na nag-asawa ulit at bumukod ng bagong pamilya.
"Bakit, di nyo kami binalikan kahit sandali man lang? Ang daming tanong sa utak ko, ang daming bumabagabag sa isip ko, gusto kong magalit, pero hindi ko magawa." si Gwen habang iyak ng iyak sa harap ni Beverly.
"Patawarin nyo sana ako anak. Kung hindi ako nakipagkita sa inyu. Patawad dahil mas nanaig ang galit ko sa inyung ama keysa sa inyu na mga anak ko." sabi ni Beverly at umiyak na din.
"Pwede na po ba kayong umalis? Bumalik nalang muna kayo sa susunod na araw. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang ginawa ninyu." sabi ni Gwen.
"Okay, sige anak. Okay lang na magalit ka sakin. Dahil karapatan mong magalit." sabi ni Beverly.
"Umalis na po kayo, please...." si Gwen habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)
RomanceGwyneth Perrera, a simple girl from Cebu, who wants to seek opportunity - ang pumunta ng Maynila upang makapagtrabaho. Nang makarating ng Manila ay isang di inaasahang pangyayari ang dahilan upang makilala nya ang gwapo, pasensyoso, strikto sa umpis...