Chapter Twenty Five

330 4 0
                                    

"Ampon lang si Sofia gaya ng sabi ni Tope sakin noon nung sila pa" sabi ni Manang sa mga kausap nya.

"Ah, ganun po ba. Ano kayang mararamdaman ni Gwen ngayon. Sobrang naaawa ako sa batang yun." sabi ni Tes.



Pagkatapos ng party ay nakauwi na ng mansion ang pamilya Montefalcon. At dito na rin sinabi ni Chris ang lahat, mula noong nag hire sya ng private investigator at tungkol kay Sofia.

"So hindi sila magkapatid?" tanong ni Conchita habang nasa salas muna sila nag-uusap.

"Yes mom. Miss Beverly was an OFW, then suddenly she didn't came back to his family in Cebu until she married a businessman, na ngayo'y kinagisnan ng ama ni Sofia.

"Oh my God. Puntahan mo sya bukas hijo. Sigurado akong sobra-sobra syang nalulungkot ngayon. But we need to rest muna para bukas, okay?" sabi ni Conchita.

"Alam naming importanteng-importante na sya sayo son." sabi ni Eduardo.

"What do you mean, dad?"

"Alam na namin ng mommy mo na, gusto mo si Gwen " pagtatapat pa ni Eduardo na sya namang ikinagulantang nina Chona at Tes. At si manang naman ay parang napangiti lang.

"P-pano ninyu nalaman?"tanong ni Chris.

"Your kumpare Demetrio told us kanina. Eh kasi itong mommy mo, tanong ng tanong kung anong meron sa inyu ni Gwen." sagot naman ni Eduardo.











"Naku! Sinasabi ko na nga ba! Si Gwen talaga ang gusto ni sir eh. Nahahalata ko na kase " sabi pa ni Chona habang nasa gilid sila na nakikinig sa pamilyang Montefalcon.

"Oo nga" si Tes na biglang napatingin kay manang "Manang? Bakit parang hindi kayo nagulat?"

"Matagal ko nang napapansin. Na si Gwen ang gusto ng alaga ko." sagot naman ni Manang habang nakangiti sabay tingin kina Chris.






Kinabukasan ay maagang umalis si Chris sa mansion para puntahan si Gwen sa condo. Ngunit pagpasok palang nya ng condo nang wala na syang taong naabutan doon. Hanggang sa tinignan nya ang mga lalagyan ng mga gamit at wala din.

Sinubukan nyang tawagan ang cellphone ni Gwen ngunit 'out of coverage' ito.

Sinubukan nyang tawagan si Chona sa mansion kung umuwi ba si Gwen doon, pero 'wala' ang naging sagot nito.

"Nasan ka ba Gwen? "- sabi ni Chris sa sarili nya.







"Ah, Fren? Wala na talaga akong ibang lugar na puntahan kundi ikaw lang. "sabi ni Gwen nang pumunta pala ito kinsa Catherine.

"It's okay fren. Bestfriend tayo diba?" sabi ni Cathy habang nakangiti sa bff nyang si Gwen. "So, ano nang balak mo ngayon fren?

"Pupuntahan ko si nanay ngayon, Fren" sagot ni Gwen.

"Ganun ba. oh sige. sasamahan kita dyan. Wait, nag breakfast ka na ba?" anang Cathy.

"Yes fren. I'm done. Napadaan din ako sa isang Fast Food Chain kanina " sagot nya.

"Okay. so maiwan muna kita dito fren ha. Magpahinga ka na muna dyan. Sasamahan kita mamaya. " sabi ni Cathy.







At pinuntahan na nga ni Gwen ang nanay sya sa bahay nina Sofia kasama si Cathy. Nag text sya kanina kay Chris kung nasan ang address ng bahay ni Sofia kung saan andun din ang kanyanh hinahanap, ang kanyang ina. Sinabihan sana sya ni Chris kung nasaan sya ngayon ngunit hindi na sya nag reply pa.

Nag door bell muna sila at humarap sa kanila ang isa sa mga yaya nito.

"Sino po sila?" tanong ng katulong.

"Andito po ba si Beverly Perrera?" tanong agad ni Gwen.

"Po? Sino po si Beverly Perrera? Beverly Knowles lang po ang nakatira dito." sagot ng katulong.

"Oo. Sya ang hinahanap ko. Pwede po bang pumasok?" ani Gwen.

"Kaano-ano po kayo ni Miss Beverly?" tanong pa ng katulong.

"Anak nya ako. " sagot nya.

"Po? Eh si miss Sofia lang po ang anak ni Miss Beverly eh." sagot pa nang katulong.

"Ano ba miss. Pwede bang papasukin mo na kami? Nanay ng kaibigan ko ang nasa loob, kakausapin nya lang." sabi ni Cathy na parang galit na.

"Ang aga-aga, sobrang ingay! Sino ba yan!" ang tanging boses ni Sofia na ngayon ay papunta na sa gate na kinaroroonan ni Gwen. "Ano na namang kailangan mo ha?! Ninakaw mo na sakin anh fiancee ko diba?!"

"Sofia. please. Nakikiusap ako sayo. Gusto ko lang makausap si nanay." pagmamakaawang sabi ni Gwen ngunit 'snob' lang ang naging tugon ng kaliwang kilay ni Sofia.

"Alam mo. wala na dito ang hinahanap mo pwede ba? Kaya umalis ka na!" sabi ni Sofia.

"Wag kang magsinungaling Sofia. Alam kong nandyan si Inay!" sabi ni Gwen.

"Wala nga sya dito, kaya umalis na kayo! sige na yaya. ilabas nyo nang dalawang yan" sabi ni Sofia.

"Please, Sofia. Nagmamakaawa ako sayo. Gusto kong makita si Inay. Kahit sandali lang." pagmamakaawang sabi ni Gwen na halos mangiyak-ngiyak na.

"Gusto mong makit ang mommy ko? Pwes, lumuhod ka sa harapan ko!" sabi ni Sofia.

"Ano? kalokohan na to fren. Wag na wag mong gagawin yan." pagalit na sabi ni Cathy.

"Kung ito lang ang paraan upang makausap ko ang nanay ko, gagawin ko." sabi ni Gwen.

"Pero-" hindi na nakatapos si Cathy sa sasabihin ng nagsimula nang lumuhod ang kaibigan sa harapan ni Sofia.

Pagtakapos nyang lumuhod ay biglang napangiti si Sofia na. para bang nag-eenjoy sa ginawa ni Gwen.

"At ngayon, tumayo ka na." sabi ni Sofia at sinunod din naman ni Gwen. "At pagkatapos ay humarap ka sa gate."

Pagkaharap na pagkaharap ni Gwen sa gatae ay tinulak nya ito palabas kasama si Cathy na pinagtulungan niya ng kanyang katulong. Sinara kaagad ni Sofia ang gate at may hirit pa ito.

"Wag na wag na kayong magtangka pang pumasok dito. Kundi mapipilitan ko kayong ipakulong at kasuhan ng trespassing. At sisiguraduhin kong hindi na kayo makapasok sa village na to. Tsupe! Alis!" pagtataboy ni Sofia sa dalawa.

Pagkatapos mapaalis ni Sofia ang dalawa ay biglang napalabas ng bahay si Beverly at napatanong.

"Sofia? Anong nangyari?" tanong nito.

"Ah. Wala mom..May aso kaseng napadpad dito sa bakuran natin kaya pinapaalis ko kay yaya. Diba yaya?" sabi ni Sofia habang napatingin sa katulong nito.


Sa daan naman ay naglakad-lakad muna sina Gwen at Cathy.

"Napakamaldita talaga ng Sofia na yun. Ang yabang-yabang akala mo kung sino. Pinagdamot nya lang naman ang nanay mo sayo. " sabi ni Cathy kay Gwen.

"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko Fren. Gusto ko nang umuwi." sabi ni Gwen.

"Sa mansion ba kamo?" anang Cathy.

"Hindi. sa Cebu" tanging sambit ni Gwen.





Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon