Chapter Twenty Seven

326 6 0
                                    


"Fren? Ayos ka lang? Nasan na si Miss-" hindi na natapos ang sasabihin ni Cathy sa kaibigan nang napalingon sya sa gate na papalabas na si Beverly.

"Fren!" si Gwen nang biglang napayakap habang umiiyak sa kaibigan.

Pagkatapos ay ikinwento nya kay Cathy ang lahat-lahat ng sinabi ng kanyang ina.

Kaagad ay pumunta sila sa kwarto nito at hinay-hinay nang nag-impake si Gwen pauwing Cebu.

"Final decision mo na ba talaga to, fren?" tanong ni Cathy sa kaibigan.

"Oo fren. Kailangan sabihin ko ng personal kina itay ang nangyari sa lahat-lahat" ani Gwen.

"Okay fren. Basta mag-ingat ka doon ha. Tatagan mo ang loob. Alam kong malakas ka at malalampasan mo ang lahat ng dinaranas mo ngayon." sabi ni Gwen sa kaibigan. "Halika nga. " offer ni Cathy na yakapin ang bestfriend at nagyakapan nga sila.





Kinabukasan, linggo na nag umaga at flight na ni Gwen papuntang Cebu. Hinatid sya nang kaibigang si Cathy sa airport.

"Andito na tayo fren." sabi ni Cathy habang pababa na sila ng sasakyan upang pumasok na sa airport.

Pumasok na nga sila sa loob at meron pang iilang minuto ang aabutin sa takdang oras ng biyahe ni Gwen.







Si Chris naman ay papunta sa bahay nina Cathy para bisitahin ulit si Gwen nang....

"Ano? Umalis na sya?" gulat na tanong ni Chris sa katulong na nagbukas sa kanya ng gate.

"Opo. Kakaalis lang po nila papuntang airport. " sagot ng katulong.

"okay, maraming salamat sa impormasyon ate." sabi naman ni Chris na pumasok kaagad sa sasakyan papuntang airport.









In'announce na nga ang flight details ni Gwen papuntang Cebu at tumayo na sya para maghanda.

"Wag na wag mo kong kalimutan fren ha. Promise mo yan" sabi ni Cathy.

"Ano ka ba, siyempre noh. Ikaw nga ang taong sobrang umiintindi sakin eh." sabi ni Gwen kay Cathy sabay ngiti. Hinawakan nya rin ang nga kamay nito ay niyakap.

Agad naplingon si Gwen sa likod at tila napansin ito ni Cathy.

"May hinihintay ka?" tanong ni Cathy.

"Uh, wala.  wala." sagot naman niya.

"si sir mo noh?" kwelang tanong ni Cathy.

"hindi, ano ka ba" sagot nya. "Sige na fren. Aalis na ko. Wag kang mag-alala babalik ako."

"Sige fren. Mag-ingat ka!" sabi ni Cathy habang papalayo na si Gwen sa kanya.







Papasok na sana si Chris sa Airport nang makasalubong nya si Cathy.

"Cathy? Nasan si Gwen?" tanong kaagad ni Chris.

"Po? eh.  Nasa eroplano na ho sya ngayon. Mukhang bi-byahe na po in a few minutes" sagot naman ni Cathy.

"Ano?! Hindi ko man lang sya naabutan" sabi ni Chris na parang bahagyang nalungkot at mukhang naawa naman si Cathy.

"Pasensya na po talaga sir. Desisyon nya po kaseng umuwi sa kanila sa Cebu. Ayoko nga po syang umuwi eh. Kaso gusto nya po talaga." sabi naman ni Cathy kay Chris.



"Bakit parang nangyari na naman sa kin ang nangyari samin noon ni Sofia." - sabi ni Chris sa kanyang isipan na bahagyang napaluha sya ng konti.

Nasa eroplano na si Gwen at iniisip nya ang lahat ng nangyari. Simula noong pagdating pa lang nya ng Maynila at kung papano sya napadpad kay Chris. Bahagya naman syang napangiti nang makaalala sya. Maya-maya pa'y bi-byahe na ang eroplano.










Alas 11 ng umaga nang dumating na sa Cebu ang sinakyang eroplano ni Gwen.

Papalabas na sya ng airport at tanaw na nya ang itsura ng lugar na kinagisnan.

"Na-miss tika Cebu! Nibalik gyud ko!"
(na-miss kita Cebu! Bumalik talaga ako!) " - sambit ni Gwen sa kanyang isip.







Papasok na sya ng kanto papunta sa kanila at tila nagtitinginan sa kanila ang kanilang mga kapitbahay.






"Tao po?" boses na narinig ni Lanie na parang pamilyar sa kanya.

"Tay? parang pamilyar yung boses ngayon ah." sabi ni Lanie kay Manong Baste.

"Sige, pagbuksan mo na"  sabi ni Manong Baste.

Pagbukas ni Lanie sa pinto ay bumuluha sa kanya ang kanyanh kapatid.

"Ate?! tay! si ate Gwen!" sigaw ni Lanie habang niyayakap ang kapatid.

"Anak?" tanging sambit ni Manong Baste sa anak at lumapit naman ito para sumali sa pagyakap.








"Bakit, napaaga ang uwi nyo ate? Diba pasukan pa ngayon?" sabi ni Lanie sa kapatid, habang nakaupo naman sila ngayon sa kanilang munting salas.

"Oo nga anak. Hindi namin inaasahan ang pagdating mo" sabi ni Baste.

"uh, opo. May sasabihin po ako sa inyu tay, Lanie." sabi ni Gwen.

"Ano yun ate?"-

"Ano yun anak?-

"Nakita ko na po si Nanay-"

"Talaga ate?!" gulat na tanong ni Lanie.

"K-kelan pa anak?" tanong ni Baste habang papaupo sa tabi ni Gwen.

"Nung isang araw lang po. Mapaglaro nga po talaga ang tadhana. Hindi ko akalaing sa pagkakataong iyon, ay makikita ko si nanay ulit " sabi ni Gwen at nagkatinginan naman silang tatlo.


Nagtanghalian muna si Gwen bago sila pormal na mag-uusap magpamilya.

Pagkatapos ay sinimulan na nya ang pagkukwento sa lahat, gaya ng pagkwento ng kanyang ina sa kanya.

"Totoo ba tay? na may babae kayo noon? Kaya kayo iniwan ni Nanay?" mahinahong tanong ni Gwen.

"Tutal, sinabi na rin ng nanay nyo ang lahat. may sasabihin din ako sa inyu mga anak. ...Hindi ko babae iyon. Pinsan ko, si Luciana ang nakita ni Segunda, na niyakap ko ng nga panahon na iyon. Kabago bago lang mamatay ng mga magulang ni Luciana, na kapatid ng lola nyo ang nanay nya. Nakipagkita ako sa kanya para pakalmahin ang namumuong lungkot ni Luciana. Halos sabay na kaming lumaki ni Luciana  kaya parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya mula pa noon. Matagal ng tutol si Segunda sa pag-iibigan namin ng nanay ninyu kaya ganun-ganun lang ang siraan ako sa nanay ninyu." pagtatapat ni Baste.

"pero, bakit niyo hindi pinaglaban si nanay, tay?" tanong ni Lanie.

"Dahil huli na ang lahat. Nabalitaan ko na lang kay Segunda na nakapangasawa na ng iba ang nanay ninyu." sagot ni Baste sa anak.

"Patawarin nyo sana ako itay. Kung nahusgahan ko kayo kaagad. Tutal nalaman na namin ang lahat, gusto ko sanang magkausap kayo ni inay sa personal." sabi ni Gwen.

"di na bale anak. ayoko nang gambalain ang buhay ng nanay ninyu. Kayo, mga anak nya kayo, may karapatan kayong lumapit sa kanya, lalong-lalo ka na Lanie. Halos wala ka pang muwang noon nung huli mong nakita ang nanay mo" sabi naman ni Baste.





Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon