Chapter Four

367 3 0
                                    

Thank God! may mga mabubuting tao pa pala dito sa mundo. Buti nalang nakilala ko itong si attorney. Para sa'kin, hulog talaga sya ng langit.

- Gwen.



Habang nakasakay si Gwen sa sasakyan ay tahimik lang ito. May gusto sana syang itanong ngunit pinipigilan nya ang kanyang sarili dahil sa hiya. Hinihintay na nya lamang na unang kikibo si Chris sa kanilang dalawa at kalauna'y nangyari ito.

"Bakit ba nasa daan kanina?" tanong ni Chris sa dalaga.

"Wala na po kase akong matutuluyan sa ngayon. Malas kase ako ngayon." sagot nya.

"Ano bang nangyari't nasa daan ka?" tanong ulit ni Chris.

"Galing pa po kase akong Cebu. May nag-alok po nang trabaho sa amin, dito raw sa Maynila. Tapos pagdating ko dito, na-raid yung papasukan ko sana. Ang sabi, may pangbubugaw daw na nangyayari dun" sagot ni Gwen.

"Hmmm.." Chris.

"Tapos balak ko po sanang mahiga muna sa daan--" hirit ni Gwen nang may biglang sinabi si Chris.

"Hindi ito probinsya Hija. Ibahin mo ang probinsya sa Maynila. Wait, taga saan ka ba?" Chris.

"Taga Cebu po."sagot ni Gwen.

"Ah. Ang Maynila, mararaming mga masasamang loob dito pag hindi ka nag-ingat, delikado ka" sabi ni Chris.

"Oo nga po eh. Sorry po talaga sa gulo kanina." Gwen.

"No, no, no its okay. It's not a problem. Masaya nga akong nakatulong" si Chris na sya namang bahagyang na-t touch si Gwen sa pagkakasabi nya nang ganun.

"Salamat po talaga."Gwen.

"You're Welcome." sagot ni Chris.

"Pwede po bang magtanong?" tanong ni Gwen.

"Sige, ano yun?" Chris.

"Kayo po ba yung nakita ko kanina sa airport? Yung lumuhod habang umiiyak?" tanong ulit ni Gwen.

"Ah...oo" direchong sagot ni Chris na para bang nahiya pa.

"Sabi ko na nga ba kayo yun eh, ano po bang nangyari?" si Gwen.

"ah, nothing. Just forget it. It sounds like awkward."sagot ni attorney.

Makalipas anh ilang minuto ay nakarating na sila sa mansion ni Chris.

Pasilid palang ang sasakyan ni Chris, namangha kaagad si Gwen.

'Napakaganda at napakalaking bahay naman ito! Ngayon lang talaga ako nakapunta sa ganitong bahay! Di ko alam kung Dream Come True ba ito o hindi, bahala na!'

........

Lumabas na sila ng sasakyan at pumasok na rin sa loob ng mansion.

Dalawang maid at si Manang Sita ang sumalubong sa dalawa.

"Good evening sa inyu. Good evening manang." Chris

"Good evening sir." sagot ng dalawang maid.

At si Gwen napay bumati narin ng magandang gabi bilang pagrespeto.

"Oh tope. May kasama ka yata?" tanong ni Manang Sita.

"Ah, yes po. Uh manang, Paki assist nalang si-- What's your name by the way?" Chris

"Gwen po." Sagot ni Gwen.

"Aleng Chona, Aleng Tes, paki assist na po sya" Sabi ni Chris.

"Okay po ser" sagot ng dalawa.

At dumiretso naman si Chris sa kanyang kwarto para makapag siesta sandali. At sinamahan naman ng mga maid si Gwen.

Sa kwarto ng mga maid...

"Ah Gwen, dito mo muna ilagay mga gamit mo. Tapos dito ka na rin matulog sa ngayon. Okay lang ba sayo? sabi ni Manang Sita.

"Okay na okay po. Salamat po ng sobra!" si Gwen na tuwang-tuwa.

"O sha. Punta muna ako sa kusina ha. Chona, Tes, kayo na munang bahala kay Gwen." habilin ni Manang Sita

"sige ho" sagot ni Chona.

............

Sa kwarta naman ni Chris ay bigla na naman nyang naalala ang nangyari sa kanya kanina sa airport hanggang sa insidenteng nangyari sa kanya sa daan.

At bigla namang kumatok si Manang Sita sa kwarto ay sinabing...

"Tope? Maghapunan kana. Mukhang gutom ka. May nakahanda na sa mesa. " Manang Sita.

"Okay Manang. bababa na ho" sagot ni Chris.

"Sabay na kayong kumain ni Gwen. Sige na." si Manang.

Sabay buntong hininga ni Chris.

.................

Habang sa hapagkainan ay nag-usap sina Gwen at Chris. Napag-uusapan nila ang kung paano sya nakarating dito sa Maynila, hanggang sa nangyari sa kanila ni Chris sa daan na sya namang ikinagulat ng dalawang maid lalo na si Manang Sita na nag-alala ng sobra dahil bata pa lamang si Chris ay sya na ang nag-aalaga nito.

"uhmm.. sir? ay attorney nga pala." si Gwen.

"Yes, bakit?"tanong ni Chris.

"Pwede po bang humingi ng pabor?" tanong ulit ni Gwen.

"Ano yun?"

"Nais ko po sanang mamasukan nalang po dito sa bahay nyo, kung okay lang po sa inyu?" sabi ni Gwen.

Limang segundong natahimik ang lahat.

"Okay lang po kung hindi. Rerespetuhin ko po ang desisyon ninyu" ani Gwen.

"......okay fine" sagot ni Chris.

"Talaga ho? Salamat po talaga!" tuwang-tuwa na sabi ni Gwen.

"Tapos na po ako manang. I'm tired, I need to rest. Ikaw din Gwen, magpahinga ka ng maaga. Mukhang pagod ka" si Chris na concern pa kay Gwen.

Ang bait talaga ni Attorney! Wait, concern pa talaga sya sakin. Sabagay mabait naman talaga sya kaya ganun.

"Okay po attorney" sagot ni Gwen.

"Just call me sir nalang. Masyado ka namang pormal, wala tayo sa korte" parang pabirong sabi ni Chris na nagpatawa sa lahat.

"ay okay po "sir"" sagot ni Gwen nang may halong tawa.

Medyo may pagka joker naman pala talaga tong si Attorney eh.

............

Bago matulog ay nag chi chitchat muna ang dalawang maid at si Gwen.

"Ambait pala talaga ni Attorney noh? " sabi ni Gwen.

"Abay oo noh. Kahit may handaan dito sa mansion, hindi nya kami basta-bastang tinuring na kasambahay lang. Ganyan sya kabait" sabi ni Chona.

"Kaya nga eh, ang bait-bait, iniwan din naman sya ng mahal nya. Ewan ko ba kay ma'am Sofia. Eh perfect guy na kung tatawagin si sir eh." sabi ni Tes.

"Oo nga, yan din pinagtataka ko." Sabi ni Gwen nang ikwento din nya ang nangyari sa airport.

"Naku, destiny pala kayo HAHAHA" sabi ni Tes habang tumatawa.

"Anong destiny dun ate Tes eh nakita ko lang naman sya sa airport." sagot ni Gwen.

"Alam mo, hulog talaga ng langit si sir sayo. Akalain mo, iniligtas ka na nga nya, pinatira ka pa nya rito. Napakabait talaga ni sir." sabi ni Chona.

At bigla namang pumasok si Manang Sita.

"Bakit hindi pa kayo natutulog? Matulog na kayo't maaga pa tayo bukas." mahinahong sabi ni Manang.

"Sige ho. Good night po manang " sabi ni Chona.

..................

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon