........
Another day na naman at busy day na naman ni Gwen. Habang nasa eskwela ay hindi nya mawari na sumagi sa kanyang isipan ang biglaang pangyayari kagabi lalo na ang di inaasahang pagdating ng mga magulang ni Christopher.
Maya-maya pa'y binuksan nya ang kanyang bag para may kunin ngunit nakita nyang may artificial rose na nakalagay sa loob. Dumating naman bigla si Cathy galing sa labas at tinanong nya ito kaagad.
"Uh, fren? May rose sa bag ko. Kilala mo bang sinong naglagay nito dito?" tanong nya.
"Eh di sino pa nga ba, eh yung admirer mo. Si Philip." sagot ni Cathy habang napaupo sa silya.
"Hay, itong si Philip talaga " sabi nya.
Maya-maya pa'y dumating na ang instructor nila.
After ng second subject nila ay lumabas na sila papuntang canteen upang mag snacks nang may limang lalakeng nagbigay sa kanya ng lima ring rosas.
"Uh, fren? grabi na talaga ka in love si Philip sayo. May pakuntyaba pang nalalaman oh." si Cathy habang si Gwen ay napaisip kung anong gagawin nya sa mga natanggap.
Nagsimula ng may nagtitilian na parang kinikilig nang biglang lumabas si Philip. At may isang lalakeng nagdala rin ng karatula na may sulat na
"Will you be my girlfriend, Gwen?"
"Nagustuhan mo ba Gwen." si Philip habang kitang-kita sa mukha ni Gwen na parang hindi ito masyadong masaya at may konting hiya itong nadama.
"Uh, Philip. Nakakahiya. " tanging sambit ni Gwen.
"Uh, tatabi muna ako sa inyo." sabi pa ni Cathy.
Nag-usap ang dalawa sa isang bench sa school na may garden na puno ng mga magagandang bulaklak.
"So, ano na Gwen, sinasagot mo na ba ako?" mahinahong tanong ni Philip.
"Uh, Philip. Wag ka sanang magalit ha. May sasabihin ako sayo."
"Ano yun?" ani Philip.
"Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sayo, Philip. Ayokong magkasira tayong dalawa pag pinilit natin itong mangyari." mahinahon ding sagot ni Gwen.
"...uh, okay. Ngayon naiintindihan ko na. Wala kang feelings sa kin, right?" nalulungkot na sabi ni Philip.
"No, no no. Hindi sa ganun. Mahal kita. -Bilang kaibigan. Sana maintindihan mo yun, Philip. Mas mahal ko pa ang pagkakaibigan nating dalawa." ani Gwen.
"Enough Gwen. I understand. Naiintindihan ko na ang mga sinasabi mo at nirerespeto ko yan." sagot naman ni Philip nang bigla itong iniwan si Gwen at umalis.
"Philip! Wait. Philip" si Gwen na napaiwan nalang at lumapit nalang sa kanya si Cathy.
"Fren? Okay ka lang?" tanong nito.
"Mali ba ang desisyon ko Fren? pagkakaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa kanya " ang mangiyak-ngiyak na si Gwen.
"For me, you're right Fren. Sinunod mo lang naman ang kung anong nararamdaman mo. Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo" comfort ni Cathy sa kaibigan.
Pagdating na pagdating ni Gwen sa hapon galing skwela ay pansin ng mga tao sa mansion na tila wala sa mood si Gwen. Ni hindi nya kayang ngumiti hindi kagaya ng kasanayan nilang masayin na Gwen. Tila napaisip si Chris kung anong nangyari kay Gwen.
Nakita ni Chris si Gwen habang nakaupo malapit sa hangdanan malapit sa entrance door ng mansion. Nilapitan nya ito at napatanong.
"May problema ba?" tanong nya kaagad.
"Ay, sir. Kayo ho pala yan. May kailangan po kayo?" sagot nya.
"No. May problema ka ba?" tanong nya ulit.
"Nakakahiya po kase. Masyadong personal." sagot nya.
"Wag kang mahiya sa kin. Sige, ikwento mo, makikinig ako." si Chris habang umupo sa tabi ni Gwen.
Ikinwento na din ni Gwen sa kanyang amo ang nangyari sa school kanina.
"Ganun ba? Ako. Bilang lalake, ang sakit din nun para sakin. Pero hindi naman masama na naging honest ka sa iyong nararamdaman. Dahil kapag nagsinungaling ka dyan sa puso mo. Delikado. Hindi ka magiging masaya." sabi nya sa dalaga.
"Buti nga ho kayo sir. Nakakarecover na po kayo kay ma'am Sofia." biro pa nya.
"At naisipan mo pa talagang iinsert ako sa usapang ito ha." sabay na tawa ni Chris.
After 2 months ay naging okay naman ang takbo ng buhay nila sa mansion nang may hindi inaasahang bisita ang dumating.
Si Sofia!!!
Pinuntahan kaagad ni Manang Sita si Chris sa kwarto para ipaalam na nasa baba si Sofia.
Si Gwen naman ay galing kwarto nang napaisip kung sino ang matangkad, maputi, matangos ang ilong, blonde ang buhok, at medyo may pagkamaldita ang mukha na si Sofia.
Napatanong sya kay Chona.
"Ate? Sino sya?" tanong nya.
"Uh, sya si ma'am Sofia. Ang ex ni sir Christopher." sagot ni Chona.
"Po? totoo pala." sabi ni Gwen.
"Na ano?" ani Chona.
"Na mukhang may pagkamaldita sya." sagot ni Gwen.
"Sinabi mo pa. Nung andito pa yan sa mansion, eh kung makautos sa amin ni Tes parang asawa sya ni sir. Pati nga si manang eh, pinapatrabaho nya ng mga mabibigat na gawain pag wala si Sir dito. eh kami nalang ang sumasalo" paglalarawan ni Chona kay Sofia.
Biglang napalingon sa kanila si Sofia sa dalawa, at pinataas pa nito ang kilay nya dahilan upang maghiwalay sa kanilang posisyon sina Gwen at Chona.
Magsasalita sana si Sofia nang biglang bumaba si Chris.
"Oh, babe! I miss you so much" bebeso sana si Sofia nang tumanggi si Chris dito.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Chris dahilan upang napakinig si Chona at Gwen sa dalawa.
"I just came back. I just arrived yesterday to look for you. To be with you....again" sabi pa nya.
"Wala ka nang babalikan pa dito sa mansion. Pwede ka nang umalis" pagtataboy ni Chris kay Sofia.
"But, babe? Don't you miss me?" ani Sofia.
"Ano ba Sofia. Parang wala lang sayo ang ginawa mong pag-iwan sa kin sa ere ah" pagalit na sabi ni Chris.
"But----" hindi na nakatapos si Sofia nang bumaba ng hagdanan si Conchita.
"Sofia." tanging sambit ni Conchita.
Habang pababa si Conchita ay wala itong reaksyon. Hanggang sa nakababa ito.
"Tita! I missed you so-----" hindi na nakatapos si Sofia nang nakatikim sya ng isang sampal galing kay Conchita na syang ikinagulat ng lahat.
"How dare you na bumalik pa dito after what you did to my son? How a 5-layered face you have right now in front of us!" galit na sabi ni Conchita.
BINABASA MO ANG
Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)
RomanceGwyneth Perrera, a simple girl from Cebu, who wants to seek opportunity - ang pumunta ng Maynila upang makapagtrabaho. Nang makarating ng Manila ay isang di inaasahang pangyayari ang dahilan upang makilala nya ang gwapo, pasensyoso, strikto sa umpis...