Abalang-abala na si Gwen sa pagpreprepare ng kanyang mga gamit habang siyay tinutulungan ng kanyang tatay at kapatid.
"...Basta ate ha. Pag bumalik ka dito, magdala ka ng pasalubong ha. Promise mo yan." Lanie.
"Oo naman. Ikaw pa. Basta bantayan mo't aalagaan mo nang mabuti si tatay. Wag mo syang bigyan ng sakit sa ulo. Wag kang pasaway." bilin ni Gwen sa kapatid.
"Opo ma'am." biro ni lanie sabay tawanan ng dalawa.
At pumasok ang kanilang itay.
"Gwen. Andyan na maghahatid sa tin sa airport. Tapos ka na ba dyaan?" tatay nila.
"Opo tay. ilalabas ko na po ang mga gamit."ani Gwen
"Tulungan na kita ate." Lanie.
"Salamat.." Gwen.
At ipinasok na nila sa jeep ang mga gamit ni Gwen para ihatid sa airport.
..........
Sa airport....
"Anak, mag-iingat ka doon ha? wag kang magpapalipas ng gutom Tumawag ka agad pag nakarating ka na don" Habilin ng tatay niya.
"Opo tay. Hindi ko makakalimutan ang mga habilin nyo" Gwen
"Magpakabait ka doon. Maynila yun. Magkaiba ang Cebu sa Maynila." Tatay nya.
"Atsaka ate. Pramis mo sa kin ha. Wag mong kalimutan." Lanie.
"Oo naman. Basta yung mga sinabi ko sayo kanina. Wag na wag mong kakalimutan" Gwen.
"Oo naman ate." Lanie.
"Sige na tay, lanie. Mauna na ako..Mahuhuli na ako sa flight" Ani Gwen.
"Sige anak. Mag-ingat ka palagi." ani Manong Baste.
"Thank you tay" ani Gwen.
At binaunan ng kanyang pamilya ng isang mahigpit na yakap si Gwen bago umalis.
Ngunit may humabol na tumatakbo tungo sa kanilang paroroonan. si Philip!
"Philip?!" ani Gwen.
"Gwen, nais ko lang magpaalam sayo sa sandaling ito. Baka makalimutan mo ko pag andun kana." ani Philip.
"Ano ka ba? Ba't naman kita makakalimutan eh isa ka sa mga matatalik kong kaibigan." ani Gwen.
At in-announce na ng airport ang flight details patungkol sa flight ni Gwen.
"oh ayan na. Bye tay! lanie! Philip! Mamimiss ko kayo!" Gwen.
"Bye Gwen. I love you!" hirit ni Philip kahit nakakalayo na ng konti si Gwen sabay lingon naman nina Manong Baste at Lanie sa kanya.
At napalingon na napangiti naman si Gwen sa sinabi nito.
.................
Welcome to Manila...
Sa wakas ay nag-arrive na din ang sinakyang eroplano ni Gwen at palabas na sya ng airport ng may nakita syang isang lalakeng lumuhod na umiiyak. Tumingin ang mga tao sa nasabing lalake at natingnan ni Gwen ang mukha ng lalaki.
'Kawawa naman ng lalakeng to? Bakit kaya sya ganyan? Totoo nga talaga yung napapanood ko sa mga pelikula't telebisyon. Sa Maynila pala talaga nangyayari'
- Sambit ni Gwen sa kanyang sarili.
Wala ng inaksayang oras si Gwen at lumabas na sya ng airport at ayaw na niyang dumagdag pa sa mga taong nagkumpulan na tumitingin sa nasabing lalake.
BINABASA MO ANG
Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)
RomanceGwyneth Perrera, a simple girl from Cebu, who wants to seek opportunity - ang pumunta ng Maynila upang makapagtrabaho. Nang makarating ng Manila ay isang di inaasahang pangyayari ang dahilan upang makilala nya ang gwapo, pasensyoso, strikto sa umpis...