Chapter Fourteen

300 6 0
                                    

......

Sumapit ang hapon at natapos na natapos na rin ang klase nina Gwen. Nasa lobby na sila na naglalakad para umuwi ng may humahabol sa kanilang lalake. Si Philip.

"Gwen?!" sigaw ni Philip at sabay lingon rin ni Gwen sa likuran.

"O Philip. Bakit?" ani Gwen.

"Tara, labas tayo. Libre ko kayo." tugon naman ni Philip sa dalawa.

"Okay. Sabi mo eh" sagot ni Cathy.

"Sige tara." tugon din ni Gwen.


Nagpunta ang tatlo sa isang restaurant at si Philip ang nanglibre sa dalawa.

Nag-usap usap muna ang tatlo habang hinihintay ang order.

"Malapit lang ba bahay nyo from school?" tanong ni Cathy.

"Uh, Yes. Actually, pag gusto kong maglakad-lakad, nilalakaran ko lang galing sa'min papuntang school." sagot naman ni Philip.

"Big time ka na talaga, Philip" sabi ni Gwen.

"Hindi naman. hehehe" tanging sagot naman ni Philip. "Ikaw rin. Malapit mo nang matupad mga pangarap mo."

"Medyo malayo pa naman, sa ngayon, study hard lang muna, di ba Cathy?" sabi ni Gwen kay Cathy na tila walang man lang kibo.

"Uh. Oh yes. Priority lang talaga muna ang studies."sabi ni Cathy. "Wait, may girlfriend ka na ba Philip?"

"Uh. wala pa. May hinihintay lang talaga ako. Kaso hindi pa sya ready." sabi ni Philip na nakatingin kay Gwen na tila pinaparinggan sya nito.

Nagkatinginan naman ang tatlo.

"Ayaaan na ang order natin" pambasag na sabi ni Cathy nang hinatid na ng waiter ang kanilang order at pagkatapos ay kumain na sila.


Habang sa mansion naman, bago lang dumating si Chris. Napansin nyang wala pa si Gwen at hinanap na nya ito kaagad.

"Uh manang? Dumating na ba si Gwen?" tanong ni Chris.

"Uh, nag text sya kanina. Ang sabi magdi-dinner sila ng kaibigan nya. May nanglibre daw sa kanila." sagot naman ni Manang.

"Uh, ganon po ba, sige ho. Akyat na po ako." sabi naman nu Chris habang paakyat na nang kwarto.

Pagkatapos naman ng ilang minuto ay bumaba na si Chris at napatanong sya kay Chona kung nakauwi naba ng mansion si Gwen.

"Hindi pa po eh." sagot naman ni Chona.

"Sige " sabi ni Chris na tila bumabagabag talaga sa kanyang isipan ang hindi pa pag-uwi ni Gwen.

Pagkatapos ay lumabas na sila ng restaurant at tila 7:30 pm na ang pumatak sa orasan ng tinignan ni Gwen ang cellphone nito.

"Maraming salamat talaga Philip. Nabusog ako." sabi ni Gwen.

"Me too. Sa uulitin ulit ha?" patawang sabi ni Cathy.

"Yes sure." sabi naman ni Philip.

Dumating na nga ang sundo ni Cathy.

"Yes, its here. Sabay ka nalang sa'min Philip." offer ni Cathy kay Philip.

"No, its okay. Paparating na din yung driver ni mama." sagot naman ni Philip.

"Okay, sige." ani Philip.

Pumasok na nga ang dalawa sa sasakyan. At after 3 minutes pagkaalis ng dalawa ay dumating na rin ang driver ni Philip.



Sa mansion, pumasok na si Gwen after makababa ng sasakyan ni Cathy.

Pagpasok nya ng mansion ni Gwen ay sinalubong sya kaagad ni Chona.

"Uy Gwen, buti't dumating ka na. Kanina pa naghahanap sayo si sir." ani Chona.

"Ho? Bakit daw?" tanong nya.

"Ewan ko basta puntahan mo sya sa terrace. Andun sya " sabi ni Chona.

"Sige ho." sagot nya.

At pinuntahan nga ni Gwen si Christopher sa terrace nga mansion. Nakita nyang umiinon ng wine itong amo nya.

"Sir? Good evening po? Hinahanap nyo raw po ako?" tanong nya kay Chris.

Bigla namang tumayo si Chris at humarap kay Gwen.

"Bakit ngayon ka lang?" pag-aalalang tanong ni Chris kay Gwen.

"Sorry po. Nanglibre lang po samin ni Cathy yung kababata ko po sa probinsya. Andito po kase sya sa Maynila." paliwanag ni Gwen sa kanya.

"Eh di sana nag text ka sana sa kin kaagad." sabi ulit ni Chris.

"Sorry po kung kay Manang Sita ko po pinaalam" sabi ni Gwen na nakayuko kay Chris.

"Pasensya kung nag-aalala ako sayo,pano kung mangyari sayo ulit yung nangyari sayo noon? Hindi na ako makakapayag na mangyari ulit sa yo yun" concern na concern na paliwang ni Chris kay Gwen na tila may ibang naramdaman si Gwen sa kanyang kalooban.

"Sorry po sir. Naiintindihan ko po kayo. Sorry po talaga " sabi ni Gwen.

"Okay, sige. Kamusta naman ang first day of class mo?" sabi ni Chris

"Okay naman ho. So far wala pa naman hong problema." sabi ni Gwen.

"Mabuti kung ganun. Kumain ka na ba?" tanong ni Chris.

"Yes po " sagot naman ni Gwen.

Pagkatapos ng kanilang usapan ay pumunta na sa kwarto si Gwen pati narin si Chris.






Habang nasa higaan ay iniisip parin ni Gwen ang pagiging concern ni Chris kanina. Iniisip nya na lamang ito na para lamang iyon sa kanyang kabutihan.

Habang si Christopher naman ay iniisip parin ang pagiging concern nya kanina kay Gwen hanggang sa....

"Ano ba tong nangyayari sakin? Ba't parang napakaimportante na sya sakin? May iba ba tong ibig sabihin? ayssshhhh....matulog na nga ako"

- sambit ni Chris sa kanyang isipan.








Makalipas ang dalawang linggo ay makikita nang sobra nang busy si Gwen sa kanyang pag-aaral. May mga araw pa ngang ginagabi sya nang uwi at inutusan naman ni Chris si Manong Ambo para sunduin si Gwen sa bahay nina Cathy pag may mga group activities ito. Pag umuuwi ito ng mansion ay kinukumusta ito ni Chris.



Linggo ng umaga na walang pasok at free day ni Gwen. Biglang lumapit sa kanya si Tes parang may sasabihin.

"Gwen? May naghahanap sa'yo sa labas." sabi ni Tes.

"Sino daw ho?" tanong nya.

"Eh, lalake eh. Basta lumabas  ka na lang ng malaman mo "

"Sige ho." ani Gwen.

Paglabas nya'y nakita nya na si Philip lang pala ang bumisita sa kanya.

"Philip? Bakit ka nandito? anong kailangan mo?" tanong agad ni Gwen.

"Para bisitahin ka" sagot ni Philip.

".....sige, pasok ka muna" tugon ni Gwen.

Nagdadalawang isip sana si Gwen ngunit nahihiyang syang sabihin kay..Philip.

Pagpasok ng mansion ay namangha si Philip.

"Ang laki pala ng pinagpasukan mo. ang swerte mo rito Gwen." si Philip na namangha sa mansion na tanging pagsang-ayon ang naging tugon nya.

Nang biglang umeksena si Chris na ikinagulat  ni Gwen.

"Sir.." ani Gwen

"Sino sya?" walang reaksyon na tanong ni Chris.




Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon