Chapter Twenty Three

311 6 0
                                    

"Mas lalo na po akong kinabahan sir. Hindi ko ma-explain" sabi ni Gwen kay Chris habang papalakad gitna.

"Wag kang kabahan pag nasa tabi kita. Magtiwala ka." tanging comfort ni Chris sa dalaga.

Tanging buntong hininga nalang ang nagawa ni Gwen. Nakita nya sa mga bisita na nag-uusap tungkol sa kanila at binalewala nalang ito ni Gwen.

Hanggang sa naihatid na sya sa table kung nasan sina Manang, si Chris naman ay tumabi kasama sa kanyang mga magulang.

"I was surprised son. Gwen is your date? Is this real?" tanong ni Conchita.

"Let's enjoy this night mom. Later, I'll tell you " sabi naman ni Chris.



"Gwen? Ikaw ba yan? Halos di ka na namin makilala ah" mangha na sabi ni Chona.

"Of course, Ate. Bagay po ba sakin?" tanong niya.

"Aba'y oo noh. Alam mo, nagulat talaga kami. Ang akala ba naman namin na uuwi ka na ng probinsya para magbakasyon." sabi naman ni Tes.

"Ginulat nyo talaga kami Gwen ha. Kayo talaga ni Tope." sabi ni Manang.

"Okay. Sasabihin ko po sa inyu kung paano nangyari." sabi ni Gwen.



Flashback.....

Pagkatapos mag dinner ng Pamilya Montefalcon ay kinausap kaagad ni Chris si Gwen. Na maging date ito sa paparating na okasyon.

"Po? Si ma'am Sofia nalang po. Nakakahiya sa mga bisita ninyu" tanggi ni Gwen.

"Hindi mo kailangang mahiya Gwen. Nandito lang ako. Magtiwala ka sakin, okay?" sabi ni Chris at sa puntong iyon ay napapayag nya si Gwen.

Kinabukasan nun ay nagsukat na nang mamahaling mga gown na kakasya kay Gwen.

"May plano ako Gwen. Isusurpresa natin lahat ng mga tao sa party. Wala kang sasabihan tungkol sa plano nating ito. Ipapalabas natin na uuwi ka ng probinsya. Para gawin yun, sa condo ka na muna tutuloy.....Hindi pa ito alam nina mommy't daddy kaya sa atin lang muna to." sabi ni Chris kay Gwen.

"Okay po" pag-sang ayon naman ni Gwen.

Ilang araw ding hindi nagpakita si Gwen sa mansion. Tuwing papasok sya sa eskwela ay sa condo lang din ito dirediretsong umuuwi. Alam din ni Cathy ang plano at inilihim din naman nya ito.

Hanggang sa pagdating ng araw ng party ay sinimulan na ang pag-aayos ni Gwen. Nauna nang pumunta sa venue si Chris at mag hi'nire syang private driver na maghahatid mismo ni Gwen. Hanggang sa nangyari na nga ang nangyari na ikinagulat ng lahat ng makita na ang date ng nag-iisang anak nina Eduardo at Conchita Montefalcon na si Christopher Montefalcon ay si Gwyneth Perrera.

..........................

"Grabi. planadong-plano talaga lahat ah. Kayo talaga ni sir." sabi ni Tes.

"Wait, Bakit ikaw ang napiling ka date ni sir, Gwen?" tanong ni Chona.

"Uh...wala na kasi syang maisip na iba bukod kay ma'am Sofia kaya, ako nalang daw ang naisip nyang maging date" explain ni Gwen.

At sinimulan na nga ang program sa party.


Habang si Sofia naman ay parang nanggagaliiti sa inggit nang makita ang naganap kanina. Para bang gusto nyang sugurin si Gwen at hubaran ang sosyal nitong suot. Ngunit may biglang tumawag sa kanya.

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon