Chapter Twenty Two

310 5 0
                                    

Gulat na gulat at hindi makagalaw si Gwen nang dumampi ang kanyang mga labi sa labi ni Chris. Hindi nya alam kung ano ang gagawin.

Ilan pang mga segundo at kumawala si Gwen sa halik na iyon galing kay Christopher.

"Sir? B-B-Bakit nyo po ginawa yun?" tanong ni Gwen.

"I love you, Gwen. Noon pa. Ngayon lang ako naglakas ng loob na aminin sayo ito." pag-amin ni Chris sa dalaga.

"Pero, sir. Ikakasal na po kayo. Hindi po pwedeng may mahal kayong iba" sagot ni Gwen.

"Wala na kami ni Sofia. I don't feelings for her anymore. " tugon ni Chris.

"Malalim na ho ang gabi. Kailangan na po nating magpahinga." si Gwen habang papatayo para pumunta na sa kwarto. Papaalis na sana sya nang pinigilan sya ni Chris sa pamamagitan ng paghawak ng kamay nya.

"Mauna na po ako sa inyu sir. Mukhang lasing na po kayo." si Gwen na pagkatapos sabihin iyon kay Chris ay umalis na ito.

Ang naiwang si Chris nama'y napangiti at tila komportable sya sa kanyang nararamdaman.




Habang nasa kanyang higaan ay naiisip pa din ni Gwen ang nangyari sa kanila kanina ni Chris. Napahawak sya sa kanyang mga labi sabay pag-alala sa nangyaring paghalik sa kanya ni Chris. Bahagya syang napangiti.

Hanggang sa dinalaw na sya ng kanyang antok ay natulog na ito.









Kinabukasan, sa school ay naikwento ni Gwen kay Cathy ang nangyari sa kanila ni Christopher. Sa una ay nahihiya pang i-share ni Gwen kay Cathy at dahil may tiwala sya rito, sinabi nya na lang ito.

"What? Nakakakilig! Inggit ako sayo fren ha!" gigil na sabi ni Cathy.

"Simula kaninang umaga fren, na-a-awkward na talaga ako kay sir. Parang nahihiya akong makita sya. Parang may atraso ako sa kanya. Alam mo? Yung ganung feeling?" sabi nya.

"Alam mo kung anong ibig sabihin nyan fren? In love ka din kay sir mo. Tapos." prangkang sabi ni Cathy.

Tila hindi nakasagot si Gwen.

"Totoo noh? Aminin mo" kulit na sabi ni Cathy.

"Tama na Fren. Punta na tayo sa library. Manghihiram pa tayo ng book, diba?" palihis na sabi ni Gwen.

"Ookay fooo. Ang frenny ko foo in love na" ang patuloy na pangangantsaw ni Cathy sa kaibigan.









Sa Law firm naman. Tila masayang-masayang naikwento ni Chris kay Demy ang nangyari kagabi.

"Kaya pala ang ganda ng araw mo ngayon. Inspired pala tong si Panyero eh!" sabi ni Chris.

"Para bang nabunutan na ako ng tinik pre. Finally nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko." sabi ni Chris.

"At may pabunos na halik ka pa talaga" dagdag pa ni Demy.

Habang isang ngiti naman ang naisagot ni Chris sa kaibigan.

"Uh, may sasabihin sana ako sayo Chris. Wag ka sanang magalit ha." sabi ni Demy.

"Ano yun?" tanong nya.

"Nung isang gabi kase. Nagkita kami ni Sofia sa bar. Hindi ko naman akalain na andun din pala sya. Hanggang sa malasing kami. May nasabi ako sa kanya. Siya naman kase. Ang kulit" pag-amin ni Demy sa kaibigan.

"Anong nasabi  mo sa kanya pre"? tanong ni Chris.

"Pinilit nya kase akong paaminin." ani Demy.

"Na ano nga?" ani Chris.

"Na, si Gwen ang nagpapatibok ng puso sayo ngayon." sagot ni Demy.

In'expect sana ni Demy na magagalit ang kaibigan ngunit mali sya ng hinala.

"Wait, hindi ka magagalit sa kin?" tanong ni Demy.

"Mabuti na din yun. Para hindi na nya ako kulitin."sagot ni Chris sa kaibigan.

"So, wala na akong atraso sa'yo ngayon ha." sabi ni Demy.

"Tara. Kain tayo sa labas. Libre ko." sabi ni Chris sa kaibigan.

"Let's go!" ani Demy.





Pagsapit ng gabi, sabay- sabay na kumain ng hapunan ang pamilya Montefalcon. Napag-usapan nila ang paparating na event.

"Malapit na ang birthday ng daddy mo, son. Kailangan may date kang kasama sa okasyon na iyon ha. Baka sabihin ng ibang bisita natin na anh unico hijo ng Montefalcon ay binata parin sa  ngayon." sabi ni Conchita na sya namang ikinabigla ni Chris.

"Mom, kayo po talaga."

"So, sino ang dadalhin mo? si Sofia ba?" tanong ni Conchita.

"Iimbitahan ba natin sya mom?" tanong ni Chris.

"Oo naman. Kahit papano'y naging parte rin sya ng pamilya natin. At ano, sya bang dadalhin mong maging date?" anang Conchita.

"No mom. " sagot nya.

"So, wala kang ka date na dadalhin sa party?" gulat na tanong ni Conchita.

"Don't worry mom. Meron." sagot nya.

"Really? Kung hindi si Sofia. Eh di sino?" takang sabi ni Conchita.

"Basta mom. Makikilala mo rin sya soon." nakangiting sagot ni Chris sa mga magulang nya.

"Alam mo bang sabik na sabik na kaming magkaapo, Christopher." biro ng daddy nya.

"Dad. Darating din tayo dyan " birong sagot naman ni Chris.












And the big event comes...

Naghahanda na ang lahat sa mansion para sa gabing hinihintay ng lahat. Lahat ng mga kasosyo sa negosyo ng pamilya Montefalcon, at ang iba pa'y mga banyaga na lumipad pa galing ibang bansa.

Sina manang at iba pang katulong sa bahay ay naimbitahan nadin bilang isa sa mga bisita na kagustuhan ni Chris.

Sa labas ng venue, may isang babaeng lumabas ng sasakyan na naka high heels sandal, makinang-kinang na gown. Pumasok na ang naturang babae sa loob ng venue.

Sa isanh engrandeng disenyo at palamuti ng venue ay nakakamangha para sa mga bisita. Sinimulan na nga ang program at tinawag na ang birthday celebrant at ang asawa nitong si Conchita.

Napakaengranding tignan rin ang gown na suot ni Conchita pati ang asawa nito. Nagsipalakpakan ang lahat nang pumasok ang celebrant.

Sunod na pumasok ay ang pagtawag ni Christopher. Ang nag-iisang anak ng Montefalcon.

Pagpasok ni Chris ay nagulat sina Conchita, Eduardo, Manang Sita, Chona, Tes, lalong-lalo na si Sofia sa nakita nilang kasama ni Chris sa party.

Kasama ni Chris pumasok ang babaeng bumaba kanina sa sasakyan na napakaganda at kaakit-akit tignan. Walang iba kundi si Gwyneth Perrera.

Ngunit bakit gulat na gulat ang lahat nang makita si Gwen kasama si Chris kahit pa sina Chona, Tes, at Manang ay wala ring kaalam-alam?

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon