Tila kinilig si Gwen pagkatapos magdampi ang kanilang mga labi ni Christopher at nagkatinginan naman ang dalawa.
Pagkatapos ng ilang mga araw ay bumalik sa Maynila sina Beverly, Christopher, pati na rin si Gwen. Naiwan muna sa probinsya sina Lanie at Baste dahil pasukan pa at hindi pa pwedeng umabsent sa eskwela.
Pagdating na pagdating ni Gwen sa mansion ay winelcome sya kaagad nina Eduardo at Conchita bilang nobya ng kanilang anak. Labis namang ikinatuwa na iba pang kasama sa bahay ang naging relasyon nina Gwen at Christopher.
Sa magkabilang banda ay aalis at babalik na sana ng U.S. si Sofia nang makita nyang papasok ng kanilang bahay si Gwen.
Sila'y nag-usap na dalawa at agad naman silang pinakilala at pinagkasundo ni Beverly kahit papano'y sa huling sandali ay mapatawad ni Gwen si Sofia sa mga nagawa nya kay Gwen. Reconciliation is the key ika nga sa dalawa na labis namang ikinatuwa ng kanilang ina.
After 3 years....
"Freeeen! Graduate na tayo!Aakyat na tayo ng stage!" sabi ni Cathy.
"Oo nga fren! magiging na teacher na nga tayo!" tugon naman ni Gwen sa kaibigan.
"Perrera, Gwyneth. Magna Cum Laude,......." pagtawag na nga ng pangalan ni Gwen sa stage at umakyat naman ang tatay nya. Nasa audience seat naman nanood sa Graduation Ceremony sina Beverly at Lanie pati narin sina Chris at ang pamilya nito.
Pagkatapos ng Graduation ay buhos ang paghanga ni Baste sa kanyang anak na sa wakas ay nakatapos na rin ng pag-aaral.
"Mas lalo akong proud sayo ngayon anak. Sa wakas ay matutupad na rin lahat ng mga pangarap mo" sabi ni Baste sa anak.
"Hinding hindi ko po ito makukuha kung di dahil sa inyu tay. Kayo ang kinakapitan ko sa mga sandaling nahihirapan ako,.kahit minsan." sagot naman ni Gwen.
"At mabibili mo na rin ang hiningi ko sayo ate" biro pa ni Lanie.
"Oo syempre naman noh." sagot nya sa kapatid at napatawa naman sila.
Lumapit naman sa kanila ang pamilya Montefalcon.
"I'm so proud of you, hija! sa wakas ay hindi mo binigo ang pamilya mo na makapagtapos ka ng pag-aaral." sabi ni Conchita.
"Hindi-hindi ko sasayangin ang pagkakataong tinulungan nyo po akong makapag-aral madam." sabi ni Gwen.
"Oh, no no. Don't call me "madam", "mom" nalang, tutal, magiging daughter-in-law din naman kita diba?" ika nga ni Conchita habang napatawa naman ang lahat.
"Okay po, mom" sabi ni Gwen habang nakangiti.
"I'm so proud of you love." sabi ni Christopher habang niyayakap anh nobya.
"Thank you love. Ikaw ang unang-unang taong nagbangon sakin sa sandaling akoy nadapa. Utang na loob ko sayo to lahat, love" sagot naman ni Gwen.
"What I did to you is because I love you at the first place. Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging masaya ulit ng totoo." sabi naman ni Chris. "Again, congrats love!"
At bahagyang nag smooch naman ang dalawa.
"Okay, tara na. Marami nang naiinggit. Tara na sa mansion at may inihanda satin si Sita. Let's go" sabi pa ni Conchita.
After 7 months...
Isang napakasayang araw para kay Gwen nang mabalitaan nya galing kay Cathy na nakapasa silang dalawa sa Licensure Examination for Teachers. At labis naman ang tuwa ng kanyang pamilya pati na rin sa mansion, at ngayon ay isa sa mga hakbang na matupad ang kanyang pangarap ay naidaan at nalagpasan na nya.
After 7 years.....
"Love? malapit nang matapos ang school na pinapagawa mo" sabi ni Chris habang nasa tapat sila ng gusaling pinapatayo ni Gwen na isa sa kanyang mga pangarap, ang makapagpatayo ng eskwelahan, para sa mga mag-aaral na nais mag-aral ngunit kapos sa pera.
"Oo nga love. excited na nga akong makita lahat ng mga enrolled students dito sa susunod na linggo." sabi naman ni Gwen at paglingon nya sa kanyang tabi ay biglang nawala si Chris.
"Love? Nasan ka? Naku, baka pinagtitripan mo na naman ako ha. di pa ako nakaganti sa prank'prank mo nung isang araw" sabi ni Gwen.
"Lumingon ka sa kanilang side" tanging boses na narinig ni Gwen galing kay Chris. Nagulat naman sya nang biglang lumuhod sa harapan nya si Chris at naglabas ng singsing galing sa bulsa nito.
"Love? For the first and the last time. alam ko sa sarili ko na ikaw na ang babaeng papakasalan ko. Ikaw ang makakasama ko hanggang sa pagtanda. Kaya, hingin ko na ang kamay mo. " si Chris na nakangiti at habang si Gwen nama'y nakangiti na para bang maiiyak sa tuwa.
Bigla namang nagsusulputan ang mga pamilya nila sa gilid.
"Again, for the first and the last time. Will you be my wife?" tanong ni Chris habang kinikilig naman si Lanie para sa kapatid.
"Yes!" sigaw na sagot ni Gwen habang hindi napigilan ni Chris ang saya at nabuhat nya ang dalaga. Agad namang nag 'ayieeee' ang ibang construction workers nila.
At dumating na nga ang araw ng kasal nila. Pagkatapos ng seremonya ay nasa reception na sila.
Kinakantyaw sila ng iba nilang kakilala kung ilan nga ba ang magiging gustong anak nila.
"Okay na siguro isang dosena" kwelang sagot ni Chris na sya namang ikinatuwa ni Gwen ng sobra at ang lahat.
Pagsapit ng gabi ay Honeymoon na nang dalawa at tila kinabahan si Gwen nang biglang lumabas galing banyo si Chris na pang tuwalya lang pang-ibaba habang si Gwen namay naka nightgown.
"Oh, aminin mo. Di mo first time na makita tong katawan ko nung una kang pumasok dito sa kwarto ko" pang-aasar ni Chris kay Gwen.
"Hoy love. Aksidente kaya yun. Ano ka ba!" sagot ni Gwen habang tinawanan naman ito ni Chris.
"Kahit na. Nakita mo parin tong bisig ko" sagot ni Chris.
"Alam mo, tama na yan. Halika na. Matutulog na tayo." sabi ni Gwen.
"Anong matutulog? This night will be the night... rawr HAHAHAHA" tawang tawang sabi ni Chris habang napatalon papunta sa kama at nagpabalot na silang dalawa sa ilalim ng kumot.
After 4 years....
"Taylor! Rockie! come on. Let's eat na. come on."tawag ni Gwen sa dalawang anak na kambal pala. Babae at lalake.
Nasa isang kilalang beach resort sa Southern Part sila ng Cebu ngayon. Bilang isang mag-asawa ay labis ang kanilang tuwa nang makita ang mga anak nilang nag-eenjoy maglaro sa mga buhangin.
"Hayaan mo muna sila love. Enjoy pa sila eh" sabi ni Chris kay Gwen.
"Alam mo love. Sina Taylor at Rockie,parang mini version nating dalawa eh." sabi ni Gwen.
"Oo nga noh." sabi ni Gwen.
"Pero, mas gwapo padin si Rockie sayo eh hahahaha" biro pa ni Gwen.
"Lakas mo talagang makaasar love ha. Mmh!" si Chris nang biglang hinalikan si Gwen sa mga labi nito.
"Para san yun?" tanong ni Gwen.
"Dahil sa.... naging asawa kita. At hanggang sa ngayo'y matibay pa din ang ating pagsasama, Gwen." ani Chris.
"Mmh!" gumanti naman ng halik si Gwen.
"Para san naman yun?" tanong ni Chris.
"Dahil yun sa naging mabuting Ama't asawa ka sa min ng mga anak mo. I love you, forever and ever, from Mr. Lawyer into Mr. Lover." sagot ni Gwen.
"I love you too love!" sagot naman ni Gwen sa asawa niya at pagkatapos ay halik naman ang tanging nagawa nila.
"Mommy? Daddy? We're hungry na po" sabi ni Taylor.
Agad namang napatawa sila nang na interrupt ni Taylor ang moment nilang dalawa.
"Halina kayo, Anak. Rockie, Taylor. Let's eat na!" sabi ni Gwen.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)
RomanceGwyneth Perrera, a simple girl from Cebu, who wants to seek opportunity - ang pumunta ng Maynila upang makapagtrabaho. Nang makarating ng Manila ay isang di inaasahang pangyayari ang dahilan upang makilala nya ang gwapo, pasensyoso, strikto sa umpis...