Chapter Thirteen

321 3 0
                                    

Pagkatapo ng kanilang pag bonding'bonding na magkakaibigan ay umuwi na ang dalawa para makapaghanda bukas.

........

IT'S MONDAY!!!!!

Maagang gumising si Gwen para sa panibagong araw. Araw na papasok na sya sa unibersidad. Sa araw na ito mismo magsisimula ang journey para makapagtapos sa kurong Bachelor in Elementary Education.

Pagkatapos na nyang kumain ng agahan, tumulong muna sya s iba ang gawain sa mansion at nakita sya ni manang Sita.

"Oh, Gwen? Ba't hindi ka pa pumunta ng school? Baka ma late ka na nyan." sabi ni manang.

"Pagkatapos po nito. Aalis na rin po ako manang." sagot naman nya.

"Tigilan mo na yan, ako nang tatapos dyan." si manang na concern.

"Sigurado po kayo?" tanong ni Gwen.

"Oo, sige na. Pumunta ka nang school." sabi ni Gwen.

"Salamat po manang." sabi ni Gwen sabay ang tunog ng sasakyan sa labas.

"Kaibigan mo ba yun? Or manliligaw mo?" kwelang tanong ni manang.

"Hahaha hindi po. Si Cathy po yan. Kayo ho talaga." explain ni Gwen kay manang.

Pagtapos ng kanilang usapan ay lumabas na ito ng mansion at sumakay na rin sa sasakyan ni Cathy. May plano pala talaga silang magsabay papuntang school.


Pagkaalis ni Gwen ay sya namang pagbaba ni Chris sa hagdanan. Tungkol kay Gwen kaagad ang itininanong nya.

"Manang? Pumunta na bang school si Gwen?" tanong nya.

"Ah, oo tope. Ako nang tumapos sa trabaho nya rito baka ma late pa sya sa school" sabi ni manang. "May kasabayan nga sya sa school dito kanina eh. Akala ko manliligaw nya." dagdag pa ni manang sabay tawa.

"Ho? manliligaw? Sino? Naku" pabigla biglang tanong ni Chris na tila nagseselos.

"Huminahon ka Tope. Kaibigan nyang si Cathy ang sumundo sa kanya dito. Ano ka ba." sabi ni manang na sabay tawa parin.

Tila sa pagsagot ni manang ay parang gumaan ang loob ni Chris.

Pagkatapos nun ay kumain at inihanda na ang sarili para pumasok sa Law Firm.



.....

"Ang daming tao! Kinakabahan na ako." sabi ni Gwen sa kaibigan habang papasok na sila ng school.

"Yeah. Ganyan talaga kadaming nag-eenroll na freshmen sa school natu fren. Ano ka ba? Wag kang kabahan no? We're future teachers remember?" sabi ni Cathy.

"Ay hehehe." tanging sagot naman ni Gwen sabay tunog ng Bell para sa flag ceremony.

"Let's go!" sabi ni Cathy.

Kung nagtataka kayo bakit Education ang kinuhang course ni Cathy imbes na related sa pagnenegosyo eh ayaw nya sa ganoonh field. Na impluwensya kasi sya sa Mother's side na lalong-lalo na ang lola nya, her mother's mom na retired principal na.
Education is really a noble profession ika nga ng mommy nya at tinanggap rin naman ito ng daddy nya.



Pagkatapos ng flag ceremony ay nagsipasok na lahat ng estudyante sa mga assigned room nila. Napaswerte ng dalawang magkakaibigan na na-belong  sila sa Block Section.

Sa wakas na nakita na rin nila ang room nila na nasa ika-anim pa palang palapag ng building. Medyo hingal pa ang dalawa ng makarating sila sa room dahil nagpahagdan nalang sila dahil puno na lahat ng sakay ng elevator.

Pumasok na ang first instructor nila at sinimulan na din ang pag-iinstroduce yourself.

Sumapit ang 10:00am ay lumbas na sila galing sa pangalawang subject. Habang papalakad ang dalawa ay biglang nabangga ni Gwen ang isang lalakeng napaka pamilyar sa kanya. Malakas ang pagkakabangga sa kanila dahilan upang mahulog sa sahig ang kanyang shoulder bag.

"Sorry miss." paumanhin ng lalake.

"Sa susunod, tingin-tingin tayo sa dinadaanan natin para walang tayong mabang-----" ang hindi natuloy na sabi ni Gwen na tila nagulat ng makita ang mukha ng kanyang nakabangga. Napulot pa nya ang bag nya.

"Gwen?" sabi ng lalake.

"Philip???" gulat na sabi ni Gwen.

Tama! ang lalakeng parang pamilyar sa kanya mula nung nag enroll sya ay walang iba kundi si Philip.

Maya-maya pa ay nasa canteen ang tatlo. Ipinakilala ni Gwen si Philip kay Cathy.

"What a coincidence! Bakit?....." tanong ni Gwen.

"Ako din. Gulat na gulat rin  akong makita ka." sagot ni Philip habang si Cathy ay nakikinig sa dalawa.

"So, bakit ka nga napunta dito sa Manila? tanong ni Gwen.

"Decision kase to ni mama. Matagal-tagal narin akong nakapag-aral simula nung grumadweyt ako ng high school. Gri-nab ko na tong opportunity dahil.alam kong andito ka rin sa Maynila." explain ni Philip kay Gwen.

To explain further, matagal ng hiwalay ang mama at papa ni Philip when he was only 7 years old. At that time, he was under custody from his father habang nasa Maynila ang mama nya, kagaya ni Gwen na naghahanap ng bagong pag-asa sa buhay. Nakilala ng mama ni Philip ang isang Businessman na may Isangdaang Restaurant branches sa Maynila. Tutal hindi naman kasal sa papel ang mga magulang nya dahilan upang mas madaling makasal ang mama nya sa bagong kinakasama nito. Every month sinisustentohan sya ng mama nya. At ngayon nasa poder na sya ng mama nya ngayon at ngayo'y nagpapa-aral sa kanya.

"Ah, ganun pala. so ano palang kinuha mong kurso?" tanong ni Gwen.

"Civil Engineering." sagot ni Philip dahilan upang mapalingon si Cathy kay Gwen at gayundin ito.

Naalala kase ni Gwen ang sinabi sa kanya ni Cathy na ang ideal boyfriend nya sa susunod ay isang Civil Engineer. At nagpatuloy parin silang nag-uusap.

"Ikaw? Anong course mo? Magkaklase kayo?" tanong ni Philip.

"Elementary Education. Yes, magkaklase kami" sagot ni Gwen.

"Ah, matagal na ba kayong magkaibigan?" tanong ni Gwen.

"Oh yes. Matagal-tagal na rin. Dito lang din kami sa school nagkakakilala ni Gwen." diretsong sagot ni Cathy.

"Ah, okay. Alam mo. Ang kwela mo. hahahaha" sabi ni Philip.

"Napansin mo pa talaga yan?" mahinang sagot ni Cathy.

"Ano?" ani Philip.

"Ah, wala wala." ani Cathy.

Napatingin si Philip sa relo nya.

"Wait, kailangan ko nang umalis. May klase pa kase kami. Maiwan ko na muna kayo. See you later!" sabi ni Philip habang papaalis sa dalawang babaeng kausap nya.

"Okay, sige " sabi naman ni Gwen.

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta na sila sa susunod na subject nila. Naikwento din ni Gwen kay Cathy na minsan ng may pagtingin si Philip sa kanya.

"In fairness, gwapo yung Philip ha. Bakit di mo sinagot?" tanong ni Cathy.

"To be honest. I just want to be a friend to him. Halos magkasabay na kaming lumaki. Parang bestfriend na nga ang turing ko sa kanya eh." explain ni Gwen sa kaibigan.

"Ayshhh" ani Cathy.

"Alam mo? bagay kayo." sabi ni Gwen sa kaibigan.

"Ah...eh... depende" pakwelang sagot ni Cathy

"Anong depende?" sabi ni Gwen.

"Halika na nga. Andito na tayo sa room oh. Pumasok na tayo." paiwas na sagot ni Cathy.

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon