Chapter Sixteen

302 5 0
                                    

.........

"A-a-ano?" tanong ni Philip kay Cathy.

"....Uh, wala. What I mean is sino crush mo, ano ka ba?" taliwas na sagot ni Cathy. "Parang di naman kailangan itanong pa eh si Gwen, di ba?"

"Oo Tama ka. Hinihintay ko lang naman sya sakaling ready na sya " sabi ni Philip.

"Wag ka nang umasa dun" biro pa ni Cathy.

"Ha? Bakit?" tanong naman ni Philip nang dumating na ang sundo ni Cathy nang hindi na sya nakarinig ng sagot dito.

"Oh, nandyan na pala sundo ko. Bye! See yah tomorrow, Philip!" ani Cathy.

"Huy, sagutin mo muna ako" si Philip na naghihintay ng sagot galing kay Cathy ngunit nakapasok na ito sa sasakyan.


Pagkarating sa mansion ni Gwen ay isang importanteng bisita ang nakita nyang nakaupo sa sofa sa salas. Medyo may edad na ang mga ito mukhang magagara ang mga suot.

Nakita nya rin sina Chona, Tes, at Manang Sita na busy'ng busy sa mansion at gayunman ay nakasalubong sya ni Tes.

"Oh, Gwen nandiyan kana pala" salubong sa kanya nito.

"Ano pong meron?" tanong ni Gwen

"Andito na ang dalawa sa mga amo natin bukod kay attorney " si Tes na may dala pang pamunas. "Sina Mr. and Mrs. Montefalcon."

"Ho? "

"O sha sige. Magbihis ka na." saktong saktong pag-alis ni Tes nang biglang tinawag si Gwen ni Mrs. Montefalcon.

Ni walang hakbang na nagawa si Gwen at sandali pa'y umupo sya sa tapat ng sofa kung saan naka upo ang mga parents ni Chris.

"Bago ka lang ba dito?" tanong nito na tila may pagka istriktang tingnan.

"Yes po, ma'am." sagot nya.

"So, pinag-aaral ka pala ng anak ko? right?" tanong nito.

"Yes po." may payukong sabi ni Gwen.

"HAHAHA. Wag ka ngang yumuko dyan, ano ka ba." si Conchita na mommy ni Chris.

Ikinagulat ito ni Gwen nang akalain nyang magagalit ito. Hindi naman pala ito matapobre at mukhang mabait.

"Nice to meet you, hija. Mukhang mabait ka naman." sabi ulit ni Conchita habang tango naman ang isinagot habang nakangiti na si Gwen.

"We heard na isa ka pala sa mga umaalalay sa anak ko sa panahon na nahihirapan sya, hija. " sabi naman ng mister nito na si Eduardo.

"Yes po. mabait naman po kase si sir samin. Kaya sinusuklian lang po namin sya ng kabaitan" sagot ni Gwen.

"Mabuti kung ganun." sabi nito.

Maya-maya pa'y dumating na si Christopher.

"Mom? Dad?" sabi ni Chris.

"Oh, son! You're here! Isn't it surprising na andito na kami without knowing you na darating kami" sabi ni Conchita habang sinalubong ang unico hijo ng yakap at beso.

"Of course, I'm surprised!" sagot naman ni Chris.

"Anak! Na-miss mo bang daddy?" sabi ni Eduardo.

"Of course, dad! I miss you both." sagot nya rito.

At pumasok rin si Manang Sita sa eksena.

"Madam? Sir, Tope. Halina na kayo. Sigurado akong pagod kayo sa biyahe't maghapunan muna kayo, sigurado akong namimiss nyong mga luto ko." sabi ni manang habang niyayaya ang tatlo.


Pagkatapos mag dinner ng mga amo ay tumulong naman sa kusina si Gwen habang kausap nya sina Tes at Chona.

"Alam nyo mga ate. Akala ko talaga istrikta si Madam Conchita. Kwela din pala. Pati rin si Sir Eduardo, ang bait din" kwento ni Gwen sa dalawa tungkol sa nangyari.

"Oo naman noh. Tingnan mo naman kung saan nagmana ng kabaitan si sir." tugon naman ni Chona.

"Alam nyo. Ang ganda talaga ng life ni sir. Mayaman, kompleto ang pamilya, tsaka-" hindi na sya nakatapos nang mga sinabi si Tes.

"Huwag kang mag-alala, magiging part ka rin ng 'life' ni sir" biro ni Tes habang tumatawa.

"Ate? Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Wala... biro lang yun. Ikaw talaga." sabi ni Tes.

Ngunit hindi nila alam na kanina pa pala nakikinig si Chris sa gilid habang nag-uusap sila at tanging ngiti ang kanyang nagawa.






Habang sa terrace naman ay nagpapahangin si Chris. Lumapit naman sa kanya ang mommy nya at sinamahan sya nito.

"I miss you, anak" sabi ni Conchita habang niyayakap sa likod ang anak.

"Me too mom. Sobrang na miss ko kayo"

"Pasensya ka na kung hindi kami nakauwi nung naaksidente ka. Your dad at that time having bad terms regarding in our business there. Wag kang mag-alala. Sa susunod, babawi kami ng daddy mo. okay?"

"Okay" pangiting sagot nya sa mommy nya.

"How are you with Sofia? ...still going strong?" taliwas na sabi ni Conchita.

"Matagal na kaming wala mom. She just dumped me in the airport when she travel pa-U.S. and she left me like a trash." sabi nya sa mommy nya.

"What? Eh nung nasa U.S. naman sya, palagi nya kaming kinokontak at kinukumusta ng daddy mo. We thought that you we're in good terms." ani Conchita.

"Simula nun, hindi ko na sya kinakausap pa pag tumatawag sya sakin sa phone. Hindi ko na nga sya nirereply'yan pag nagte-text sya sakin." explain pa ni Chris.

"Ganun ba son? God. Eh kung alam lang namin sana agad eh sinabihan ko na talaga sya."

"And I'm here. Naka move on na ako sa kanya." sabi pa ni Chris sa mommy nya.

"Marami pang mga girls dyan ano. Eh ang gwapong-gwapo nitong anak kong to." puri nya sa anak.

"Well, my heart is very okay now mom. Actually may nagpapatibok na ng puso ko." sabi pa nya sa mama nya.

"Wait, my son is in love with someone? With whom? May we know ng daddy mo kung sino yan?"

"In a right time, mom. Soon" sagot nya sa mommy nya.

"Hay naku anak. Kung sino man yan, we'll just here ng daddy mo na nakasuporta sayo palagi, okay?" palambing na sabi ng mommy nya.

At bigla namang lumapit sa kanila si Eduardo na ikinagulat ng dalawa.

"Ano ka ba naman Eduardo't nanggugulat ka." biglaang sabi ni Conchita na sinuklian naman ng tawa nina Chris at Eduardo.

"How's your career son? " tanong ng daddy nya.

"So far, okay naman dad." sagot nya.

"You know what son, naalala ko pa talaga noon na gustong-gusto mo talagang mag-abogado kaso itong mommy mo, gusto kang maging doktor." sabi naman ng daddy nya habang nakatingin kay Conchita.

"Basta if you decide na mag-quit sa profession mo anak, you can join us with your dad in running our business. Alam naming yung nangyari sayong pagkabangga is related dun sa kasong hinahawakan mo and we're so much worried about that" ani Conchita.

"This is the field that I want mom, I don't want to quit." sagot nya sa mommy nya.

Hanggang sa lumalim na nga ang gabi ay naisipan na rin nilang pumasok na sa kani-kanilang kwarto para magpahinga.

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon