Umagang-umaga na. Lahat na ay nakagising para sa panibagong araw. Nakahanda nang makakain sa mesa habang si Gwen ay tumulong naman sa paghahanda. At bumaba na si Chris para mag breakfast.
"Tope. Mabuti't gising ka na. Kumain ka na." sabi ni Manang Sita.
"Okay po manang." sagot ni Chris.
"Tikman mo rin yung nilutong daing na Bangus ni Gwen." alok ni manang sa alaga.
Nang matikman naman ni Chris ay..
"Masarap..." tanging sagot ni Chris na ikinatuwa naman ng lahat.
Nang matapos matapos na silang mag-agahan ay humingi naman ng pabor si Gwen kay Chona, ang matawagan ang kanyang pamilya.
"Ate Chona, pwede po bang humingi ng pabor?" sabi ni Gwen.
"Ano yun?" sagot ni Chona.
"Pwede po bang makihiram ng cellphone, makikitawag lang sana sa pamilya ko sa Cebu, sigurado akong nag-aalala na talaga sila sa'kin" sabi ni Gwen
"sige, sige," sabi ni Chona sabay dukot sa bulsa ng kanyang keypad na cellphone.
.....
Sa labas naman malapit sa may hardin ng mansion tumawag si Gwen. Nang makausap ang pamilya ay labis ang tuwa ng mga ito. Ikinwento nya rin ang nangyari sa kanya hanggang sa kung paano sya napadpad sa mansion.
"Mabuti naman at nasa mabuting kalagayan ka ngayon anak." sabi ni manong baste.
"Oo nga po tay eh. Ang bait nga po ng mga tao dito. Tinrato nila po akong mabuti." sagot naman ni Gwen.
Habang kausap ni Gwen ang pamilya ay narinig ito ni Chris. Pagkatapos ay umalis na sya tungo sa Law Firm Office.
........
Sa Opisina...
Ang aga-aga'y si Demy kaagad ang bisita ni Chris sa office. Inilahad ni Chris ang nangyari kagabi pati narin yung nangyari sa kanya patungkol sa kaguluhan.
"Ang angas mo talaga pre. Bilib na talaga ako sayo ha. So nasa mansion nyo yung Gwen?" sabi ni Demy.
"Yes. Naawa kasi ako sa kanya. Parang wala syang matutuluyan kagabi kaya isinama ko nalang sya." sagot naman ni Chris.
"At sa inyu ni Sofia? Ano nang update?" taliwas na tanong ni Demy.
"Di ko alam. Siguro sisimulan ko nang kalimutan sya. Ayaw na nya sa'kin. Uso naman ang move on ngayon diba?" pabirong sabi ni Chris.
"Oo naman, balak ko na sanang mag propose sa girlfriend ko eh" sabi ni Demy.
"Gawin mo na, pakipot ka pa" sabi ni Chris.
"Siyempre, humahanap lang naman ako ng tiyempo eh" sagot naman ni Demy.
Naputol ang kanilang usapan nang may dumating na kliyente.
Sa mansion...
Habang si Gwen naman ay abala sa pamunas upang alisin ang mga alikabok sa mansion ay pinagmasdan nya ang nga picture frame na mero ang mansion. Una nyang pinagmasdan ang family picture nina Chris.
'Mana pala si sir sa daddy nya. Matangos ang ilong. Mapupungay na mga mata, mapupulang labi, at may dimple pa sa kabilang pisngi. Gwapo na sana kaso bigo sa pag-ibig'
Okay na sana ang moment nya nung biglang umeksena si Manang Sita na sya namang ikinagulat nya ng husto.
"Gwapo talaga yang alaga kong yan" sambit ni manang.
'Ano ba naman tong si Manang. Parang psychic.'
"Ah heheh, oo nga po eh" sang-ayon naman ni Gwen.
"Alam mo yang si Tope. Maraming nagkacrush nyan sa school noon, pero binalewala nya lang kase focus talaga sya sa pag-aaral. At nung dumating sa buhay nya si Sofia, para bang ito na yung mundo nya. Mundo nyang maguguho nung iwan sya nito." kwento ni manang.
'Ouch, grabi naman palang lovelife ni sir. Ang sawi'
"Eh, nasaan po ba mga magulang nya manang?" tanong ni Gwen.
"Nasa Switzerland ang mga parents ni Tope. May negosyo kase sila dun kaya doon na rin sila naninirahan. Limang taon simula nung nandito pa sila. At ako na muna ang tumatayong magulang ni Chris." kwento pa ni manang.
"Ah ganun po ba, ilang taon na po ba si sir?" tanong ulit ni Gwen.
"Magti-32 na sya sa mga susunod na mga araw." sagot ni manang.
"Ah, lagpas na pala sa kalendaryo ang edad ni sir." pabirong sabi ni Gwen.
"Bakit? may gusto kaba kay sir mo?" biro ni manang.
"Ho? Hindi po!" defensive na sagot ni Gwen
"Oh hinay-hinay lang. Binibiro lang naman kita" Sabi ni manang
"Hahahaha kayo po talaga manang. May pagkajoker ho pala kayo" sabi ni Gwen.
"Oh sha sha, iwan na muna kita rito't may gagawin pa ako" manang.
"okay po" sagot naman ni Gwen.
...........
Sumapit na ang gabi nang makauwi na sa mansion si Chris.
Nadatnan ni Chris na nanunuod ng balita sa kusina ang ibang kasama nya sa bahay na ang mga katulong pati na rin si Gwen. Laman ng balita ang tungkol sa pagbubukas ng oportunidad sa isa sa prestihiyusong unibersidad sa Maynila na tumatanggap na ng college freshmen.
"Wow. Ang ganda pa naman ng school nayan. Alam mo ate Chona. Isa yan sa pangarap kong makapasok dyan sa unibersidad nayan" sabi ni Gwen kay Chona
"Kung saka-sakali, anong kukunin mong kurso?" tanong ni Chona.
"Education sana. Gustong-gusto ko talagang maging teacher para maturuan ko ang mga studyanteng gustong matuto lalo na ang mga mahihirap katulad ko na gustong-gusto talagang matuto. Alam mo ate Chona, gusto ko ring magtayo ng school para sa kanila" sabi ni Gwen.
Nakangiti naman ni Chris habang nakikinig sa dalawa ng bigla syang pumasok sa eksena.
"Gusto mong mag-aral?" tanong ni Chris.
"Ay andyan napo pala kayo sir" gulat na sabi ni Chona.
"Po?" sabi ni Gwen.
"Ang sabi ko, gusto mo bang mag-aral ng kolehiyo?" tanong ulit ni Chris.
"uh... yes po" sagot ni Chris.
"Okay. Ihanda mo yung kakailanganin sa school para makapag take kana rin para sa entrance exam" sabi ni Gwen na tuwang-tuwa pa.
"Talaga ho? Salamat po!" masayang-masayang tugon ni Gwen kay Chris nang bigla nyang niyakap ang binata na sya namang ikinagulat ni Chona.
Actually, ikalawang yakap na iyun ni Gwen sa kanya. Una ay sa nangyaring gulo, pangalawa ay ang ngayon.
At bigla namang bumitaw si Gwen nang maalimpungatan nyang napayakap na sya kay Chris.
" Sorry po, sorry po, sobrang saya ko lang po talaga "sabi ni Gwen.
"sige, akyat na ako sa taas " Sabi naman ni Chris.
........
Bago matulog ay kinausap naman ni Gwen ang kanyang pamilya tungkol sa pagtulong sa kanya ni Chris na pag-aaralin sya nito sa kolehiyo at ito naman ang labis na ikinatuwa ng kanyang pamilya.
BINABASA MO ANG
Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)
RomanceGwyneth Perrera, a simple girl from Cebu, who wants to seek opportunity - ang pumunta ng Maynila upang makapagtrabaho. Nang makarating ng Manila ay isang di inaasahang pangyayari ang dahilan upang makilala nya ang gwapo, pasensyoso, strikto sa umpis...