......
Sabay lumabas ang bagong magkakaibigan. Binigay din ni Gwen ang contact number nya sa kaibigan gayun din si Cathy kung sakaling may update sila sa isa't isa when it comes to school matters.
Umuwi na na ng mansion si Gwen at tinanong sya kaagad ni Chona tungkol sa school.
"Uy Gwen. Kamusta ang exam? mahirap ba? Sigurado akong makakapasa ka doon. Ikaw pa" salubong ni Chona sa kanya.
"Medyo mahirap hirap rin po ate. Pero kayang-kaya naman." si Gwen habang sabay sina Chona sa kusina para kumuha ng maiinom. "At may na meet akong bagong friend ate."
"Talaga? Mabuti yan. Para hindi ka na mahirapan pag first day of school. Sigurado, lalake sya noh?" sabi ni Chona.
"Hindi po. Babae po sya. Kayo talaga. She's Catherine. Nanghiram po kase sya ng ballpen dahil nawala nya yung kanya kaya nagmagandang loob na rin po ako." sagot ni Gwen.
"Napakabait mo talagang bata ka. Ipagpatuloy mo yan." puri ni Chona kay Gwen.
.......
Pagkatapos mag dinner ni Chris ay nagre-relax muna sya sa salas at nanuod ng TV. Nakita nyang dumaan si Gwen kay kinausap nya ito kung anong update sa school kanina.
"Sigurado akong makakapasa ka, Gwen. Matalino ka. Honor student. at magan---, ah nvrmind." sabi ni Chris.
"Po? ah, salamat po sa compliment." sagot ni Gwen. "Pero pano nyu po nalaman na Honor student po ako?
Tatlong segundo bago nakasagot si Chris.
"....ah, hindi ba? Buti't nahulaan ko heheh" sagot ni Chris.
"Ah, oo nga po. Galing nyo po palang manghula. Sige po." sabi ni Gwen sabay alis papuntang kwarto habang iniisip nya kung paano nalaman ni Christopher na Honor student sya na tila sa pagsagot nya ay parang siguradong sigurado ito. Hindi na nya inisip ito at nagpatuloy na.
......
Pagsapit ng otso ng gabi ay chi'neck ni Gwen ang Facebook account nya at na notify sya na in'add pala sya ni Cathy as a Friend.
Namangha kaagad si Gwen at in'accept nya kaagad ito. Pagkatapos ay isang mahabahabang usapan ang nangyari sa kanila.
Napag-usapan din nila ang nangyari sa kani-kanilang buhay.
Si Cathy ay anak ng may-ari ng Food Corp. Company na sya na mang nagpamangha kay Gwen dahil hindi nya akalaing magiging kaibigan nya ang isang anak ng mayaman na si Cathy.
Kung hindi nyo mamarapatin kung bakit ang yaman-yaman ni Cathy at nawala yung ballpen nya, inamin nya kay Gwen na medyo burara sya ng konti pagdating sa mga gamit.
Sumapit ang alas onse ng gabi at natapos din ang kanilang usapan dahil isa sa kanila ang dinatnan ng antok. Si Gwen.
.......
Habang si Chris naman, pagkatapos nyang mag-relax galing salas ay pumunta na kaagad ito sa kwarto para makapagpahinga. Kinuha nya ang cellphone nya katabi sa kanyang lampshade para may tatawagan.
"Hello? How's the investigation? Is there any update?" tanong ni Chris sa taong nasa kabilang linya.
"Yes po attorney. We should meet tomorrow at exactly 3pm to discuss what are the updates." sagot ng lalakeng nasa linya.
"Okay, copy. Thank you so much...Bye." sabi ni Chris sabay baba na sa telepono.
.......
Kinabukasan....
Pumunta kaagad si Chris sa lugar lugar na kanilang pinag-usapan kagabi sa kanilang linya na isa palang Private Investigator.
Nag hire sya nito upang tulungan si Gwen na mahanap ang nanay nito. Tanda nyo pa noong sinabi ni Chris kay Gwen nung nasa Orphanage na tutulungan ito na mahanap ang nanay ni Gwen.
Sa kabilang banda, habang nasa daan papunta sa lugar ng kanilang pinag-usapan ng nasabing Investigator ay tila may napansin si Chris na isang Van na sumusunod sa kanyang pagmamaneho. Hinayaan nya lamang ito hanggang sa dumating sya sa isang coffee shop kung saan naghihintay doon ang nasabing Investigator.
After makapasok sa coffee shop, nag shake hands sila kaagad at napaupo na ang dalawa.
"So, ano nang update? Regarding sa pinapaimbestigahan ko sayo?" sabi ni Chris sa investigator habang may ibinigay itong mga importanteng bagay tungkol kay Gwen.
"Base sa aking nakalap ay nag-abroad pala talaga ang nanay sa U.S. Tapos hindi na bumalik. Nahanap ko ang isa sa recruiter noon ng pinagpasukan ng nanay nitong si Gwyneth na si Ms. Beverly. Matagal nang nag close ang agency dahil sa itoy hindi na nagbabayad ng buwis. Humingi rin ako ng address kung saan namasukan sa naturang amo itong si Beverly. At yan palang ang aking mga nakalap at I will continue to find other details regarding on this" sabi ng investigator ni Chris habang syay nagbuklat ng lahat ng ipinababasa't ipinatingin sa kanya ng investigator.
"Thank You so much. Napakalaking tulong itong nakalap mo." sabi ni Chris.
"You're welcome attorney."sagot ng Investigator.
Nung natapos na ang kanilang usapan ay lumabas na kaagad si Chris sa coffee shop at nakita pa rin nya sa tapat ang naturang Van na kanina pa umaaligid sa kanya.
Hindi na nya ito pinansin at pumasok na sya sa sasakyan.
Sa kalagitnaa ng kanyang pagmamaneho ay napapansin nya parin ang isang Van. Hanggang sa bigla itong lumebel sa sasakyan nya at buti naman at pinabilis pa nya ang takbo ng sasakyan.
Hanggang sa wala ng ibang magawa ang Van at bigla na nalang binangga ang likuran ng sasakyan ni Chris na dahilan na bumangga si Chris sa isang malaking kahoy sa daan.
Walang awang dumiretso ay tumakas ang naturang Van.
Sa mansion...
Habang si Manang Sita ay naglilinis nga mga vase sa salas ay biglang nahulog ang picture frama na nakasabit sa dingding.
Gulat na gulat si Manang pati narin si Chona.
Matapos ang ilang segundo ay biglang nag ring ang telepono sa mansion.
Sinagot kaagad ito ni Manang at nagulat ang lahat sa sigaw ni Manang na..
"Ano!!!?"
....
Sa ospital na nadatnan nina Gwen, Manang, Chona at Tes ang amo nila.
Halos mangiyak-ngiyak si Gwen sa sobrang pag-aalala lalong-lalo na si Manang habang kausap ang doctor na bago lang lumabas sa Emergency Room.
"Doc? Ano nang lagay ni Christopher?" sabi ni Manang habang humahagulhol sa iyak.
"Matindi ang tama sa ulo nya. Marami ning nawalang dugo sa kanya. We need AB+ blood type sa ngayon. All you need to do is to find this rare type of blood right now." sabi ng doktor sa kanila.
At tuloy parin sa pag-iyak si Gwen.
............
Hello Watty Babies! You can also comment all your suggestions or feedbacks so that I will know you more. I gonna appreciate if you do so.
Love Lots!😘
From your Beloved Author,
Stephanos' Crown
BINABASA MO ANG
Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)
RomanceGwyneth Perrera, a simple girl from Cebu, who wants to seek opportunity - ang pumunta ng Maynila upang makapagtrabaho. Nang makarating ng Manila ay isang di inaasahang pangyayari ang dahilan upang makilala nya ang gwapo, pasensyoso, strikto sa umpis...