Chapter Twenty Eight

342 6 0
                                    

"Sana man lang, kahit sa isang pagkakataon man lang ay magkausap kayo ni Inay, tay" sabi ni Lanie.

"Sana nga dumating ang panahon na iyon, baka sakaling maghilom ang lahat ng sugat naming dalawa." tugon naman ng kanilang ama.

"Wait. Pupunta ka sa Cebu bukas anak?" sabi ni Conchita habang nag-impake naman ng konti si Chris at inilagay ito sa mga bag.

"Yes mom. Pupuntahan ko si Gwen doon." sagot ni Chris.

"Paano mo sya mapupuntahan, alam mo bang address nya doon?" tanong ng kanyang ina na bigla namang napatigil sa kanyang ginagawa.

"I will make a way. Basta ang importante, may plano na akong puntahan si Gwen sa Cebu. Kahit na anong mangyari." sabi ni Chris.

"You know what, son? I'm so proud of you." si Conchita habang pinaharap nya ang kanyang anak sa kanya. "You fight for your love, no matter what happens. Please bring back Gwen here. I want her to be part of your life. Forever" dagdag pa nya sabay ngiti sa anak habang hawak-hawak nya ang mukha nito.

"Yes mom. That's why I did this now. Thank you mom." sabi ni Chris tapos niyakap nya ang kanyang ina.

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Manang Sita.

"Tope? Nasa baba si Miss Beverly. Nais ka raw nyang kausapin" sabi ni Manang.

"Sige po."

"What? Umuwi ng Cebu si Gwen?" tanong ni Beverly habang nag-uusap sila ngayon ni Chris sa salas.

"Yes po tita. Kaninang umaga lang." sagot naman ni Chris.

"ganun ba.." anang Beverly.

"Siguro alam nyo po ang address ng tinitirhan nila sa Cebu? Maari ko po bang hingin yun?" tanong naman ni Chris.

"What do you mean?" ani Beverly.

"Pupuntahan ko si Gwen sa Cebu." sagot naman ni Chris.

"Kung ganun. Sasama ako sayo. Pupunta akong Cebu para makausap ko ang naging una kong pamilya" sabi naman ni Beverly habang bahagyang nalungkot.

"If that's the plan, mas mabuti po." sabi naman ni Chris.

Pagkatapos nilang makapag-usap ay umuwi na rin si  Beverly.

Aakyat na sana sa taas si Chris nang lumapit sa kanya sina Chona at Tes.

"Ah, sir?" sabi ni Chona.

"Yes, ano yun ate?" tanong ni Chris.

"May ipapaabot lang sana kami ni Tes kay Gwen sir, sakaling nasa Cebu na po kayo." sabi ni Chona.

"Yes sure. Ano yun?" tanong ni Chris.

"Ibigay nyo po sa kanya itong bracelet, tsaka new wallet na binili namin kanina ni Tes para kay Gwen." sabi ni Chona.

"Maraming salamat in advance sir. Asahan nyong magkatuluyan kayo ni Gwen sa huli." sabi ni Tes.

"Oo nga sir. suportado namin kayo" sabi naman ni Chona at napangiti naman si Chris sa dalawa.

Kinabukasan, balik sa kinagisnang buhay sa probinsya ulit si Gwen. Sumasagi din sa utak nya na papano na ang kanyang pag-aaral, pero palagi na lang nyang iniisip ay babalikan nya ito at magtatapos.

Lunes na nang umaga ay abala siya sa pagluluto ng almusal kina Lanie at Baste.

"Wow ate. Ang aga mo namang nagising ah " sabi ni Lanie galing sa kwartong hinihigaan nito.

"Oo naman noh. Namiss kong pinaglulutuan kayo ni itay. Nasanay na kasi tayong si itay na ang nagluluto kaya, ako na muna ngayon." sabi ni Gwen.

Ilang sandali pa ay lumabas na din ng kwarto si Baste at napamangha ito sa nakita nyang nakahanda sa mesa.

"Kain na po tayo tay. Ikaw lanie. Bilisan mo dyan, Baka ma late ka pa" sabi ni Gwen habang nakangiti.

"Baste? " boses na pamilyar sa kanila.

"si Tyang Letecia ba yan!" si Gwen habang binubuksan ang pintuan at tama nga sya.

"Tyang! namiss ko kayo!" si Gwen habang napayakap sa Tyang nya.

"Sobra kitang namiss bata ka. Kailan ka lang dumating?" tanong nito habang papaupo sila para makapag-usap.

"Kahapon lang po tyang." sagot ni Gwen.

"Bakit di nyo man ako sinabihan mag-ama ha" may pagkakwelang tanong ni Letecia kina Lanie at Baste.

"Eh kase po tyang. busy nyo kaya sa negosyo nyo. Hindi na nga po kayo dumadaan dito tuwing hapon eh." sabi naman ni Lanie.

"wow tyang. Big time na po kayo ah" sabi ni Gwen.

"Mamaya, isasama kita sa carenderia ko Gwen. Labas-labas ka naman ng bahay minsan." biro pa ulit ni Letecia.

"Hahaha oo nga po tyang. Sasama po ako." sagot naman nya.

"Teka, di ba nag-aaral ka sa Maynila? Wala ka bang pasok at napauwi ka? ba't ka nga ba napauwi?" sunod-sunod na tanong ni Letecia, at pagkatapos nun ay ikinwento nya ang lahat-lahat.


Maya-maya nga ay isinama nga sya ni Letecia sa medyo malaki-laki ring carenderia nito.

"Ang bongga nyo na ho tyang. Napalaki nyo na ho talaga ang maliit nyo pang kainan noon." si Gwen na namangha.

"Oo nga Gwen. Dugo't pawis ang talagang nakalaan nito noon. Mabuti na nga lang at ang mga pinsan mo'y tumutulong din sakin dito sa karenderya." sabi ni Letecia.

"Nasan po sina Joshua at Lim?" si Gwen na ang tinutukoy nya ay ang mga pinsan nito na mga anak ni Letecia.

"ayun, si Joshua, 2nd year college, at si Lim nama'y 1st year college. Criminology ang kinuhang kurso nun" kwento pa ni Letecia habang inaasikaso ang ibang customers.

"Wow. ganun ho ba " sagot naman ni Gwen.

"Teka, nagkita ba kayo doon ng kababata mong si Philip? Balita ko'y nandun na sya sa poder ng nanay nya" tanong ni Letecia.

"Opo tyang. Masaya nga po akong maayos na ang kalagayan nya sa Maynila eh." sagot naman nya.

"Wag mong sabihing, wala ka pang boyfriend dun sa Maynila? eh sigurado akong madami ring magkakagusto sayu don" sabi ni Letecia na sya namang napatahimik bigla kay Gwen.

"Oh, di makasagot oh, so meron nga talaga" hirit pa ulit ni Letecia ngunit napangiti nalang si Gwen sa tiyahin nya.

Nang may biglang sumulpot na bata sa kanilang harapan.

"Ate Gwen!"

"Oh, toto. bakit? " sabi ni Gwen kay Toto na kapitbahay nila.

"May dalawang bisita na dumating sa bahay ninyu. Mukhang mga mayayaman" daldal na sabi ng bata.

"Eh sino kayang mga bisita mo Gwen? Puntahan mo na, baka importante " sabi ni Letecia.

At bahagya namang kinabahan ng konti si Gwen kung sino ang dalawang bisitang dumating sa kanila.

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon