Chapter Twenty Four

316 5 0
                                    


At nagreport naman kina Chris ang event coordinator na may nag-aaway sa labas. Sina Gwen at Sofia.

"Ano?!" sabi ni Chris at biglang pinuntahan ang dalawa.

"Anong nangyayari?" tanging sabi ni Conchita sa asawa.










"Anong sabi mo? At ang lakas ng loob mong sampalin ako! You whore bitch!" sabi ni Sofia at sinampal ulit si Gwen bilang ganti.

"Tama na!" sabi ni Chris nang dumating na sya sa pinangyarihan na nagpalingon sa dalawa. "Ano ba Sofia! Anong ginawa mo kay Gwen?"

"Sya ang sumira ng relasyon natin Chris. She ruined everything!" sabi ni Sofia.

"Hindi si Gwen. Kundi ikaw!"sagot ni Chris habang pumagitna sa dalawa. "Iniwan mo ako sa ere ng ganun-ganun lang. Simula nun, galit na ang nararamdaman ko para sayo. Hindi pagmamahal."

"At sinong mahal mo ha! ang babaeng yan?!" sabi ni Sofia habang nakatutok ang daliri kay Gwen.

"Oo! Mahal ko si Gwen. Mahal na mahal ko sya, matagal na. Kaya matagal na tayong tapos bago pa dumating si Gwen. " prangkang sagot ni Chris na ikinagulat ng lahat nang nakarinig lalong-lalo na si Gwen na napatingin kay Chris.

"Eh kung ganun. Mabuti ngang hindi kita tinulungan noong nakidnap ka. Sana pinatay ka nalang ng mga kidnappers!" sabi pa ni Sofia.

"Anong ibig mong sabihin? Andun ka nung nakidnap ako?" tanong ni Gwen.

Habang si Chris nama'y napaisip noong gabing nakidnap si Gwen, sumagi sa isip nya yung sasakyang nakasalubong nya sa daan malapit sa pinangyarihan ng pagkidnap.

"Kaya pala pamilya yung sasakyang nakita ko nung gabing iniligtas ko si Gwen. Wala kang awa Sofia." sabi ni Chris.

"Bakit ko na naman tutulungan ang karibal ko. Sana nga natuluyan na sya." sabi ni Sofia nang dumating sa usapan si Conchita at ang asawa nito.

"Enough, Sofia! Sana hindi na kita tinanggap ulit. Ang kapal ng mukha mong humarap pa sa amin? Now, leave. LEAVE!" galit na sabi ni Conchita.

Pagkatapos magsalita ni Conchita ay isang bisita ang dumating sa komprontasyong ito, ang mommy ni Sofia.

"Wait. What's going on, here?" sabi ng mommy ni Sofia.

At nang napatingin si Gwen sa nasabing bisita ay nilinawan nya ang tingin nya dito. Mukhang pamilyar na pamilyar sa kanya ang nasabing babae.

Unti-unting lumapit si Gwen sa babae tila walang pagkurap.

"Beverly? You're here." tanging sambit ni Conchita dahilan upang napatingin si Gwen sa kanya.

"Beverly?" tanging sabi ni Gwen na mukhang nanghina nung dumating si Beverly, ang mommy ni Sofia.

"Hey-" sabi ni Sofia.

"Inay? Nay?" sabi ni Gwen nang nagsimula nang tumulo ang kanyang luha at napaiyak.

"What did you just say?" pagtataray na tanong ni Sofia kay Gwen.

Tila napatigil si Beverly sa pagsabi ni Gwen na 'inay' sa kanya.

"Teka, sino ka?" tanong ni Beverly.

"Nay, ako to. si Gwen. Nakalimutan mo na ba ako? si itay, si Lanie?" sabi ni Gwen habang umiiyak nang makita ng lahat ito.

"Gwen? Ikaw ba yan? anak?" sabi naman ni Beverly.

"Wait, anong nangyayari mom?" tanong ni Sofia kay Beverly.

"Inay!" sabi ni Gwen nang mapayakap sya sa inang matagal na nyang hinahanap at sa wakas ay nahanap na ito. Sinuklian din ito ng yakap ni Beverly.

Sandali pa'y dumating ang private investigator.

"Attorney-" hindi na natapos ang sinabi ng investigator nang makitang nyang nagyayakapan ang mag-ina.
"I just want to inform you na, si Miss Beverly Magtalis-Knowles, ay tunay na ina ni Miss Gwyneth Perrera.

At tanging pag-sang ayon nalang anh naging sagot ni Chris sa investigator.





"Bitawan mo ang mommy ko! Halika na mom. Umuwi na tayo! Let's go!" pagharang ni Sofia sa dalawa at inuwi na nya si Beverly.

Hinabol ito ni Gwen hanggang sa parking lot at sa kalsada, at hindi na nya ito naabutan dahil nakaalis na ito ng lubusan.

"Inaaaay!" sigaw ni Gwen sa daan habang nasa likuran naman si Chris na kanina pa humahabol sa kanya para sundan sya.

"Halika na Gwen. May ibang panahon pa para magkausap kayo ng maayos ng nanay mo." sabi ni Chris.

"Matagal mo na ba tong alam ha?! Bakit hindi mo sinabi sakin? Bakit??" sabi ni Gwen habang papaiyak.

"Ngayon ko lang nalaman Gwen. Diba nag promise ako sayo na tutulungan kitang mahanap ang mama mo." sabi ni Chris.

"Bakit mo ginawa yun, ha?" tanong ni Gwen.

"Dahil mahal kita noon pa Gwen. Ngayong ko lang to sasabihin sayo, mahal na mahal kita Gwen. Mahal na mahal." sabi ni Chris habang papalapit kay Gwen.

"Gusto ko nang magpahinga. Uuwi na ako." sabi ni Gwen habang pumapara ng taxi at sumakay. Hindi nalang ito hinabol ni Chris dahil alam nyang sa condo ito didiretso.

Habang si Gwen nama'y umiiyak hanang nasa loon nang taxi, nag-iisip na bakit sa ganung pagkakataon at pangyayari pa madidiskubre nya ang lahat-lahat.











"Ano?! Anak mo ang Gwen na yun?" tanong ni Sofia kay Beverly habang sinasabi ang katotohanan.

"Yes, Sofia. Kung tutuusin nga'y malaki pa ang atraso ko sa kanya, sa kapatid nya at sa papa nila. " sabi ni Beverly.

"Wait, alam ba ito ni dad?" tanong ni Sofia.

"Oo. alam na alam ng daddy mo iyon. Hinding hindi ko mapatawad ang sarili ko sa lahat ng ginawa ko sa unang pamilya ko." sabi ni Beverly habang umiiyak.







Habang si Gwen nama'y hanggang sa kama ay umiiyak parin kaaisip sa lahat ng nangyayari.









Sa party ay nag-usap naman ang pamilya Montefalcon.

"Where's Gwen?  Is she okay? I'm sure she cannot handle this right away. Pagkatapos nang lahat ng nangyayari kanina." sabi ni Conchita.

"Nasa condo po sya ngayon mom. Nagpapahinga." sagot ni Chris.

"All this time? magkakapatid pala sila ni Sofia." sabi ni Conchita.

"Mamaya na natin ito pag-uusapan mom. Tapusin na muna natin ang party. "sabi naman ni Chris.









Sina Chona naman ay naaawa kay Gwen.

"Talagang nakakaawa si Gwen ngayon. Sana nga sinamahan natin sya para madamayan." sabi ni Chona.

"Nakita na nya ang matagal na nyang hinahanap. Ang kanyang ina." sabi ni manang.

"Sino ba naman ang mag-aakalang magkapatid pala sila ni Sofia." sabi ni Tes.

"Hindi sila magkapatid." sabi ni Manang.

"Po? eh ano?" tanong ni Chona.

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon