Chapter Fifteen

309 5 0
                                    

"Sino sya?" tanong ni Chris kay Gwen.

"Uh, kaibigan ko po. Si Philip. Yung kababata ko po sa Cebu." paliwanag ni Gwen kay Chris.

"Good morning attorney. Nagpunta po ako dito para dalawin ang 'soon to be girlfriend' ko" tugon naman ni Philip kay Chris.

Biglang napalaki ang mga mata ni Gwen sa gulat dahil sa sinabi na iyon ni Philip sa harap pa mismo ni Christopher.

At tila makikita din sa reaksyon ni Chris na hindi sya sang-ayon sa sinabi nito.

"A- a- ano?" sigurado ka bang kaibigan mo lang to Gwen?" tanong ulit ni Chris.

"Ah...yes po sir. Pasensya na ho. Medyo may pagkatupak kase tong si Philip, kung anong pinagsasabi" sagot naman ni Gwen." Halika na nga Philip. Dun tayo sa garden."

"Wait, anong gagawin nyo?" pag-alalang tanong ni Chris.

"Mag-uusap lang po kami ni Philip sir. Pasensya na po talaga " paliwanag ulit ni Gwen at sumang-ayo naman ni Chris.


Sa garden ay napatulak ni Gwen si Philip na may konting inis.

"Ano ka ba Philip?! Bakit mo sinabi yun sa harap ni sir? Alam mo, pinapahamak mo talaga ako" sabi ni Gwen kay Philip.

"Bakit hindi ba totoo? Magiging girlfriend din kita sooner, diba?" kwelang tanong ni Philip.

"Sinabi ko naman sayo di ba, na ayoko pa sa ganyang mga bagay." sabi ni Gwen.

"Basta, maghihintay parin ako sayo" tugon naman ni Philip.

"Eh, bakit ka ba nandito talaga? anong sadya mo?" tanong ni Gwen.

Sa gilid naman ng mansion nagmamasid at pinanood ni Chris ang dalawa sa may glass window. Tila may nararamdaman syang selos dahil may lalaking gustong makipagkita kay Gwen. Ano bang ibig sabihin nito?

"Ganyan ba talaga sila ka close? eh kung bisitahin ng lalakeng yan si Gwen sa bahay....Ayssshhhh....Ano ba tong nangyayari sa kin"

Napansin ni Manang Sita si Chris na umaaligid sa gilid at lumapit sya rito.

"Oh Tope!" sabi ni manang na sobrang ikinagulat ni Chris.

"....kayo po pala manang. ano pong kailangan ninyo?" sabi ni Chris sabay tanong kay manang.

"Napapansin kase kita rito. Parang may tinitingnan ka dyan. --- oh sina Gwen pala yang tinitingnan mo? Teka, b-b-boyfriend nya na ba yan?" sabi ni manang na nagpasagot naman kaagad ni Chris.

"No! Hindi po. Hindi po. Kaibigan nya lang po daw yan." defensive na si Chris.

"Oh relax lang tope. Ano ka ba? Kung nag-aalala ka kay Gwen, mukhang hindi naman masamang tao yang kaibigan nya " sabi ni Manang.

"Sige ho manang. Punta na po ako sa kwarto. Magpahinga muna kayo. Baka pagod po kayo sa mga gawain.....Punta lang ako sa kwarto" taliwas na sabi ni Chris.

"o sige." tugon ni manang.

Pagkaalis ni Chris sa usapan nila ay may nasabi si Manang Sita.

"Anong nangyari kay Tope? Matagal ko na talagang napapansin na sobra sobra syang nag-aalala kay Gwen. Hmm.." ani Manang.

Pagkatapos ng usapan nina Gwen at Philip ay umalis na ito at nagpromise pa itong babalik.

Pagpasok ni Gwen sa mansion ay si Chris kaagad ang sumalubong at nagtanong sa kanya.

"Umalis na bang 'future boyfriend' mo Gwen?" parang may pagka antipatikong tanong ni Chris sa dalaga na tila nagpakaba ng konti kay Gwen.

"Uh yes po sir. Uh, hindi ko po sya boyfriend " sagot naman ni Gwen.

"Yes, hindi pa nga pero, sooner." sabi naman ni Chris.

"Mukhang malabo hong mangyari yan" sabi ni Chris na tila nagpabuhay ng loob sa kanya.

"W-w-wait, bakit? Hindi mo ba sya gusto?" tanong ni Chris.

"Actually, friend lang talaga ang turing ko sa kanya sir." tugon ni Gwen.

'Hays buti nga'  - sabi ni Chris sa kanyang isipan.

"Eh kung ganun, mag focus ka na muna sa studies mo." sabi ni Chris.

"Yes po" sagot ni Gwen.

"O sige, maiwan na kita dyan, may aasikasuhin pa ako." sabi ni Chris sabay talikod at tila may namumuong ngiti sa kanyang mga labi.


Pagsapit ng gabi ay ginagawa na ni Gwen ang kanyang iba pang gawain sa school. Ngunit sa isang banda ay tila bumabagabag talaga sa kanya anh naging reaksyon at pagiging maaalalahanin ni Chris kanina.

'Ano bang nangyayari kay sir? Bakit sobra syang nag-aalala sa kin?'

- tugon ni Gwen sa sarili.

At pagkatapos nyang gawin lahat ay natulog na sya.





Another day, its Monday! busy'ng busy na ulit sina Cathy at Gwen sa school.

Niyayaya parin sila ni Philip na kumain sa canteen at libre din niya iyon.

"Ah, Gwen? Strikto ba yung amo mo?" tanong ni Philip.

"Ah, no. Actually napakabait talaga ni sir. Malakinh utang na loob ko sa kanya. Kung di dahil sa kanya ay baka hindi nyo na ako kasama ngayon. Napalagay na sana ang buhay ko sa panganib" sabi ni Gwen kay Cathy at Philip.

"Bakit? ano bang nangyari sayo?" tanong ni Philip.

At dun na nga ikinwento ni Gwen ang nangyari sa kanya nung bago palang sya sa Maynila. Na sya namang ikinagulat ni Philip at naawa sya rito. Alam na ito ni Cathy dahil sa tagal na nilang magkaibigan ay sinasabi na nila sa isa't isa ang tungkol sa mga buhay nila.

"Alam mo, kung sino man yung mga gagong yun. Makakarma sana sila. Siguro, pag nandun ako nung time na yun, siguro ako na ang naglistas sayo." sabi ni Philip.

"Ganyan kataas ang tingin ko kay sir. Siya na ang ----" hindi natapos na pagsabi ni Gwen dahil sa kwelang si Cathy.

"Ano, Ano? sya na ang?-----" ani Cathy.

"Sya ang superhero ko." sabi ni Gwen sa dalawa na biglang nagpabago ng mood ni Philip na tila may nararamdamang selos.









Pagsapit ng hapon ay sabay na naglalakad sa daan ang tatlo. Nag-uusap usap sila tungkol sa mga nangyayari sa araw na iyon.

Bigla namang dumaan si Manong Ambo na ang laman naman ng sasakyan na kanyang minamaneho ay may dala pang mga dry goods. Bigla itong huminto malapit sa kanila at tinawag si Gwen.

"Gwen! Halika, sabay ka na saking umuwi" sabi ni Manong.

"Manong Ambo! Kayo po pala yan. Sige po.'" sabi ni Gwen kay manong at nagpaalam na rin sya sa dalawang naiwan.

Sa daan naman ay naiwan sina Cathy at Philip.

"Ikaw, Cathy. Nagkaboyfriend ka na ba?" tanong ni Philip kay Cathy para naman meron silang topic habang nagkalakad sa daan.

"Oo naman noh. sa ganda kong to? hahahaha" kwelang sagot ni Cathy. "Pero ngayon, hiwalay na kami."

"Oh, bakit?" tanong ni Philip.

"Mahabang storya," tanging sagot ni Cathy.

"Eh crush? meron ka bang crush?" tanonh ulit ni Philip.

"Uh..Ha?......Oo.." sagot ni Cathy.

"Sino? para naman malaman namin mi Gwen." sabi ni Philip.

"........i-kaw" sagot ni Cathy.













Hello watty babies. I'll be updating the next chapter later. Keep reading.😘

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon